Pleiades' POV
Tumayo si Reave at isinukbit ang bag niya sa kanyang likuran. Mabilis siyang naglakad papaalis sa building. Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya.
Reave, please mag-usap naman tayo, oh?" Nagmamakaawang usal ko habang tumutulo ang luha ko. Pasimple niya lang akong nilingon nang nakakunot nag noo.
"There's nothing to talk about, Pleiades" napabuntong-hiningang sabi niya. Hinawakan ko ang braso niya at lumuhod sa harapan niya. "I love Amanda, Plei I can't replace her. Sorry" nanlulumong patuloy niya.
"So, ganun nalang 'yon?" Umiiyak kong tanong. Tumango siya.
"I cannot love you back Plei. The reasons in my mind are not enough to love you. Hanggang kaibigan lang talaga" pinagkadiinan niya ang salitang "kaibigan" nanlumo akong tumingin sa kanya. "Sana hindi 'to makaapekto sa projects natin." Pahabol niya.
Tinalikuran na niya ako at sakto namang nahagilap ng paningin ko 'rin si Amanda na ngingiti-ngiting nag-aantay kay Reave habang hawak ang isang regalo.
Umiiyak akong tumayo tumalikod sa kanila, pinunasan ko ang aking luha. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi ako kayang mahalin ng lalaking mahal ko. At ang masaklap pa, dinudurog niyon, niya, nilang dalawa ang puso ko. Tumakbo ako papalayo, papalayo sa lugar at sa mga taong sinasaktan ako.
Di ko na inalam pa kung san ako dinala ng mga paa ko. Tumakbo nalang ako hanggang sa mapagod ako. At para na'rin kusang mawala at tumigil ang luha ko. Lumingon lingon ako sa paligid.
Dun ko lang napagtanto na nandito pala ako sa fountain ng school. Malayo layo sa centro. Umupo ako sa bench na nakaharap sa fountain. Niyakap ko ang bag ko at umiyak na naman. Ang sakit lang. Sobrang sakit. Nagagalit ako sa sarili ko.
Bakit di ko man lang nagawang pigilan ang damdamin ko. Bakit di ko man lang kinontrol ang sarili ko. Bakit nagpadala ako sa emosyon at sa mga nakikita ko.
Tumungo ako habang umiiyak at yakap ng mahigpit ang bag ko. Naramdaman ko na may tumabi ng upo sa'kin.
"Iiyak mo lang yan. Andito lang ako" usal ng nasa tabi ko. Ramdam ko na bago lang siya. At siguro nakita niya akong tumakbo.
"Bakit ganun? Bakit siya nagbibigay-motibo, di naman niya pala kayang panindigan" humihikbing sabi ko.
Inilapat niya ang panyo sa harapan ko. "Minsan kasi sa buhay natin, di tayo parati ang nanalo. Kaylangan din natin ang makatikim ng katalunan."
Ipinahid ko sa luha ko ang panyo at tumingin ng deretso sa mga mata niya. "At tatanggapin ko nalang ang pagiging talo ko?" madamdaming usal ko.
Dalawang beses siyang napatango.
Lagi ka nalang andyan parati para sakin, Elton. Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ialay sa iyo.
--*--
"Lei, bumangon ka na dyan. Walang magandang maidudulot yang pagmumukmok mo sa kwarto" si ate Emily. Wala pa siyang kaalam alam sa mga nangyari sa kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto. "Tatlong araw ka nang di pumapasok Lei, sigurado akong galit na ang mama mo. Di ka naman makausap nun kasi palagi kang tulog kapag andyan na sila."
Totoo ang sinabi ni ate, tatlong araw na akong hindi pumapasok. Nakasanayan ko na din ang makatulog galing sa pag iyak. Hindi lang dahil sa ginawa ni Reave kung bat ako nagkakaganito. Tumawag si Oji-Chan sakin at pinipilit akong umuwi sa Japan.
Nagtataka lang ako sa sarili ko, bat hindi ako tulad nung dati na hindi na nawiwili na umalis dito. Alam kong matagal ko nang hinihintay to pero parang may kulang.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RastgeleDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...