Chapter 20

15 0 0
                                    

Reave's POV

This can't be.

Napatayo ako dahil sa gulat at sa nakita ko. Naihampas ko sa mesa ang kamay ko.

"Nagpapanggap na naman ba kayo?!" Sigaw ko.

"Definitely not" ngumisi si Pleiades.

Dahil dun ay napawalk out ako. Nagtungo ako sa likod ng bahay nila. Walang katao tao roon dahil ang lahat ay nasa salo salo.

"What the hell!" Nagpadyak padyak ako habang sinasabunutan ang ulo ko. Nakakagalit lang.

I stayed loyal sa kanya. And we don't have a break up para gawin niya to sakin.

Umupo nalang ako sa upuan doon at nagpahangin.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa papunta sa kinaroroonan ko.
Hinintay ko lang na makaabot siya bago ko siya lingunin.

"Reave" boses yun ni mama. Nilingon ko siya. "Pumasok ka na sa loob" walang emosyong sabi niya. Sumunod nalang agad ako dahil mukhang galit talaga siya sakin.

Pagkapasok ko ay nasa labas sina Pleiades at Elton kasama sina Suzie at nagkukwentuhan. Hindi na sana ako papasok. Nanatili lang akong nakatayo dun sa labas at namulsa.

Bigla akong nilapitan ni Elton.

"Wazzup, Reave. Long time no see, look at you now. Wala ka paring pinagbago" sarkastiko siyang tumawa. "Gusto mo parin si Pleiades? Well, let me tell you, hindi na ikaw ang gusto niya"

"Let's see" sagot ko at diretso nang pumasok sa bahay ng hindi siya nililingon.

Alas nuwebe na ng gabi nang maisipan ni mama na umuwi na kami. Pagkarating namin sa bahay ay malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni mama.

"Ayos ka lang ma?" Tanong ko saka inalalayan siya.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko dyan Reave. Ayos ka lang ba? O nasa katinuan ka pa ba? Pili ka asan ang magandang sagutin dun sa dalawa" sagot niya at uminom ng tubig. "Hindi kita pinalaki para maging walang modo. Nakita mo ba yung ginawa mo kanina? Nakakahiya, anak. Saka alam ko naman na masakit para sayo ang nakita mo" umupo siya sa sofa.

"Maski ako rin ay nasasaktan para sayo anak. Pero kung mahal mo ang isang tao, dapat respetuhin mo ang desisyon niya. At maging masaya ka sa mga bagay na ikinasasaya niya, kahit hindi ka na kabilang dun" yun lang at pumasok na siya sa kwarto nila ni papa.

Napaupo nalang din ako sa sofa at napasabunot sa ulo ko. Tama naman si mama, pero nananaig parin sa kalooban ko ang kagustuhan na makuha ulit si Pleiades.

Minsan na siyang naging akin, at alam ng diyos na di ko siya sinayang. Pinahalagahan ko siya at minahal ng buong puso.

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko. Nasa pad na ako. Umuwi ako kagabi dito matapos ng pag uusap namin ni mama.

Naligo agad ako at kumain ng agahan. Maaga dapat ako ngayon dahil ito ang unang araw ng duty ko. Alas-otso pa naman talaga ang log in ko pero aagahan ko nalang dahil mag aayos pa ako ng mga gamit ko.

Kukunin ko pa din ang mga naiwan kong ibang gamit sa dati kong pinagtatrabahuan.

Pagkarating ko sa office ko ay nakatambad na dun ang walang laman na lamesa kundi ang isang computer monitor at keyboard saka mouse. Maayos na ang pagliligpit ng dating may ari nun.

Inayos ko na ang nasa loob ng dala kong malaking kahon. Mga folders yun at important notebooks. Karamihan ng mga nandun ay ongoing investigations.

Hindi pa tapos ang iba dahil nabusy ako sa paglipat ko dito sa NBI. Kahit nasa public institution ako nung una, konektado parin sa NBI ang mga iniimbestigahan ko sa ngayon.

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon