Chapter 13

12 2 7
                                    

Pleiades' POV

Nandito ako ngayon sa kiosk ng eskwelahan. Medyo liblib ang lugar dahil sa mga puno na nasa gilid at mga bulaklak.

Hawak ko ngayon ang journal notebook ko. Pero wala talaga akong maisulat dun. Panay kagat lang sa kuko ang nagagawa ko. Kung may masulat man ako ay tinitiklop ko agad ang page dahil hindi ko nagustuhan.

Mga ilang oras na din akong nakaupo dito. Wala akong kasama dahil maaga umuwi sina Susie at Belle. Hindi ko naman mayaya sina Cindy dahil may remedial classes sila. Kung sasama ako kina Amanda ay para lang dina kong isa sa mga alipores niya. At saka isa pa, nandun si Reave.

Iniiwasan ko si Reave ngayon. Kasi parang sinasabi na ng isip ko na iwasan na siya. At dahil na rin sa hindi normal na pagtibok ng puso ko sa tuwing nasa malapit siya sa'kin.

Hay, buhay parang life.

"Uy" napalingon ako kung sa'n nanggaling ang boses.

Si Elton lang pala. "Ano ba 'yang mukha mo, parang face" at tumawa siya ng malakas. Nagmake face lang ako at nag-iwas ng tingin. Mayamaya lang ang naramdaman ko nang nasa tabi ko siya.

"Uy, nakabusangot ka na naman, eh. Ano bang problema mo?" Tanong niya at hinawakan ang baba ko at hinarap ako sa kanya.

Inalis ko muna ang kamay niya sa baba ko at hinarap siya. "Ikaw. Ikaw ang problema ko. Kung saan saan ka nalang sumusulpot" sabi ko nang nakalabi "You're invading my privacy"

"Sorry" tumawa siya. "Basta, tomorrow ililibre kita"ngumiti siya sa'kin at kumindat.

Nakakadiri.

Oo nga pala, Sabado na pala bukas. At napagdesisyonan ko na sumama sa kanya, tutal siya naman ang taya.

Ngumiti ako ng nakakaloko sa harapan niya. "What's with that face, huh?" Tanong niya sa'kin at ngumisi din.

We're both smirking at each other, walang magawa sa buhay. "Wala lang, naisip ko lang na ililibre mo ako bukas. And it feels so, ugh basta"

"You like me though" ngumisi ulit siya.

Kinurot ko ang tagiliran niya, "Kapal mo, lalaplapin ko ng kutsilyo yang mukha mo, eh"

"Brutal. I like that" mas lalong lumapad ang ngisi niya.

"Arggh" I acted as if naduduwal ako.

"Oh, dahan-dahan lang, hindi pa kita nabubuntis, nagsusuka ka na" at hinawakan niya ang braso ko.

"Nakakadiri ka talaga, Elton. You are one of a kind nakakadiri na specie dito sa buong mundo" iniwas ko ang mukha ko at tinuon sa iba ang atensyon.

"Oh, hindi makaisip kung ano ang isusulat" biglang usal niya, pero nanatili pa'rin sa labas ang tingin ko. "Minsan, hindi natin maisulat ang mga gusto nating sabihin, dahil minsan ay mas mabuti kong sabihin natin ng deretso" mungkahi niya kaya napalingon ako sa kanya.

Shems! Hawak na niya ang journal na pilit kong sinusulatan.

"Akin na nga 'yan" at kinuha ko 'yon mula sa pagkakahawak niya.

"But the good thing there, the words that you write, speaks voicelessly in the middle of the silent secret room... inside" at tinuro niya ang dibdib ko kung saan nandun ang puso ko. "Dahil minsan, mas maganda kung naipapalabas mo ang iyong mga suliranin" doon, napatingin ako sa kanya. Malalim na pala siyang magsalita ng tagalog. Akala ko, puro English lang ang nalalaman niya.

Pero ngumiti din ang seryoso niyang mukha. "Hay, ang lalim ko na palang magsalita, siguro nawe-weirduhan ka na sa'kin"

"May pinagdadaanan ka ba?" Tanong ko at sinapo ang noo niya at leeg. "Wala ka namang sakit"

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon