Pleiades' POV
KRING~
KRING~Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang tunog ng alarm clock sa side table ko.
Alas-singko na ng umaga kaya dagli akong pumasok sa bathroom at naligo. Matapos kong maligo ay kinuha ko na ang bag ko na may laman ng uniform ko.
Sinuot ko lang ang jeans na kadalasan kong suot pag lumalabas ako at ang blouse na kulay puti.
Bumaba na ako ng hagdan at bago pa man ako makaapak sa panghuling baitang ay nakita ko na si Ate Emily. Abala siya sa paghahanda sa mesa.
"Ate, ako na po sana niyan" sabi ko at nilapitan siya at kinuha ang plato sa kamay niya.
"H'wag na Lei, ayos lang sa'kin" ngumiti siya. "Kumain ka na, nagluto ako ng fried chicken" sabi pa niya at binuksan ang takip ng ulam.
Umupo na agad ako at sinimulan ang pagkain. "Kain po tayo" tawag pansin ko sa kanya na naghuhugas ng kamay.
"Huwag na, bilisan mo diyan mahuhuli ka sa practice mo" ngumiti siya.
Matapos kong kumain ay sumakay na kaagad ako ng motorcab at nagpahatid sa gym.
Nang makarating ako ay nagbihis na agad ako sa wash room ng uniform ko. Matapos kong magbihis ay pumasok na ako sa practice room.
Nadatnan ko ang ilan sa mga kasama ko na nagwa-warm up at ang iba naman ay nagdadaldalan.
Lumapit sa'kin si Schefrah at inakbayan ako. "Uy, bespren" nakipag apir siya sa'kin. Inirapan ko lang ang kamay niya at itinuon sa mga gamit ko ang atensyon. Pero makulit si Schefrah, "Ang blackbelter namin, snob" sabi niya at pinag-aralan ang kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo.
"Oh, ano?" Pagtataray ko, tinaasan siya ng kilay.
"Masungit ka na pala ngayon, noh?" Sabi niya pa na parang nag-iisip. Nakahawak sa baba ang hintuturo at bahagyang kinakagat iyon.
"Tigilan mo nga 'yan" tinabig ko ang kamay niya sa baba niya. "Para kang bata na nag-iisip kung bibili pa ng lollipop"
Ngumisi siya "Nag-joke ka teh?" Umirap siya sa hangin.
"Warm up na tayo" sabi ko at lumapit na sa assigned mats namin.
Ginagawa namin ang pagwa-warm up para maging flexible kami sa gagawin naming mga stunts. Matapos niyon ay pumasok na si Coach. Istrikto siya kaya naman kailangan disiplinado ka.
Nagsimula na ang practice. Ang pagpapagod sa buong katawan, ang paglalagas ng natitira mong lakas at ang pagpapakitang gilas mo sa iyong mga kaklase.
Reave's POV
Maaga akong nagising. Dumeretso agad ako ng palengke para mamili ng mga lulutuin. Sabado ngayon at pingahandaan ko 'to.
Matapos kong mamalengke ay umuwi na kaagad ako sa bahay. Nadatnan ko si nanay na abala sa pagsasaing.
"O, 'nak. Sa'n ka galing? Hinanap kita sa kwarto, wala ka" sabi niya sa tonong nag-aalala.
Ay, oo nga pala. Nakalimutan kong magpaalam sa kanya na aalis ako. "Nay, sorry po. Baka magising ko po kasi kayo eh. Minsan lang po mahaba ang tulog niyo" palusot ko.
"Ahhh, nakakatunaw ng puso. Sige Reave, para sa'n ba 'yang mga pinamili mo?"tanong niya habang nakatingin sa supot na dala ko.
"Ah, lulutuin ko po sana 'to" sabi ko sabay taas ng supot.
"Para kanino? Nagbibinata ka na anak ah" nanunuksong sabi niya at ang tingin ay nanunukso din.
"Ah, hindi po nay. Para kay Pleiades po sana. Nasabi po kasi sa'kin ni Ate Emily na paborito niya ang mga 'to. Kaya ito, naisipan kong lutuan siya" sabi ko at inilapag sa mesa ang mga dala ko.
"Ah, sige. Isali na 'rin natin ang isdang nakuha niyo nung nakaraang araw. Hindi pa 'yon nasira, inilagay ko naman 'yon sa ref at inasinan" sabi niyang tatango tango pa.
Matapos nun ay niluto na namin ang lahat ng mga pagkain. Ang isda ay niluto ni mama ng Escabeche, recipe pa ng lola ko sa Davao. Paborito ko rin ang Escabeche, ewan ko lang kay Pleiades kung gusto niya rin ba.
Pumasok muna ako sa kwarto para sana maghanda ng isusuot ko. Pagkabukas ko ng cabinet ay sakto namang nag-vibrate ang cellphone ko sa side table. Lumapit muna ako dun at tiningnan ang text na dumating.
Ate Emily
Reave, ito na ang address ng training place ni Lei ******* **** ****
8:45 a.m.
Text 'yan ni Ate Emily. Matapos mabasa ang text niya ay nagpasalamat ana ako sa kanya gamit ang text, syempre.
Matapos nun ay naligo na ako at nagbihis na. Inayos ko ang buhok ko at nilagyan ng konting gel 'yon para hindi buhaghag.
Nagpaalam na kaagad ako kay nanay na aalis na at pumayag naman siya. Sumakay ako ng motorcab at nagpahatid sa training venue niya. Nang marating ko iyon ay bumungad sa'kin ang isang malaking building.
Kulay pula ang mga dingding at ang mga yero ay kulay pula din. First time ko pa dito sa lugar na 'to. Never ko pang napuntahan dito kaya nanibago ako. Hindi kasi ako mahilig sa paglalakwatsa, naglalaro lang ako ng online games sa bahay.
Nang pumasok ako sa tinted glass door ay agad akong sinalubong ng malamig na aircon, ng mabangong amoy ng bulaklak at ng malamyos na musika na nagmumula sa mga speaker na nasa mga dingding.
"Good morning, sir. How can I help you?" Biglang lumapit sa akin ang isang babae na naka-kimono at nakamake-up ng pang Japanese.
"Ahh, nasaan po ang practice room po ni Pleiades Lavigne?" Tanong ko sa kanya.
"On-going pa po ang practice po nila, hindi po dapat isturbuhin eh. Pero maghintay lang po kayo dito" tinuro niya ang couch na kulay itim.
Sinunod ko naman siya. Umupo ako doon at naghintay. Mayamaya lang ay narinig ko na anag maingay na apak ng mga sapatos.
Pleaides' POV
Tapos na ang practice. Natapos na namin ang isang set ng training na nagsimula pa noong last month. Wala na kaming practice next week dahil break na namin. Pero wala pa akong planong tumigil, kahit medyo may kamahalan ang registration fee. Tutal, hindi naman pera nina mama ang pambayad ko, akin ang perang pambayad.
"Uy, uwi ka na agad?" Biglang lapit ni Schefrah sa'kin.
Nilingon ko siya at ibinalik sa daanan ang tingin. "Uwi na agad ako, wala naman akong ibang gagawin na, eh" sagot ko.
"Ah, okay" sagot niya at sumabay sa'kin sa paglalakad.
"Miss Lavine?" Bigay pansin sa'kin ng isang Lady Server --- kung tawagin ng management.
"Po?"naguguluhan kong tanong.
"May naghahanap po sa inyo, he's at the couch po, kanina pa po siya" sabi niya at ngumiti. Umalis na agad siya bago pa ako makapagpasalamat.
Kinabahan ako sa sinabi niyang he's. Kahit kailan ay walang nagtangkang bumisita sa'kin dito.
"Girl, una na'ko ha? Naghihitay na ang sundonko sa labas" sabi ni Schefrah at tinapik ang balikat ko. "Bye" paalam niya ngumiti.
"Geh, ingat ka" sabi ko sabay tapik ng balikat niya.
Agad kong pinuntahan ang sinabi ng Lady Server. Habang palapit ako ay nakita ko na ang bulto ng lalaki na nagpakaba sa'kin.
Nakababa lang ang tingin niya at sa tabi niya ay mga plastic bag. Maumbok iyon kaya sigurado akong maramong laman 'yon.
Para kanino kaya 'yon? Sino ba siya?
Tumayo ako sa paanan niya at tumikhim. Napalingon siya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyon!
Si Reave!
Dear Diary,
Bakit ganito? Ano ang ibig sabihin ng malakas na kabog ng dibdib ko.
Dahil ba ito sa hindi ko siya inaasahan? O di kaya'y may iba pang ibig sabihin?
Nagugulumihanan,
Pleiades

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
De TodoDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...