Pleiades' POV
"Watching you happy with him... makes my heart crush into bits" sabi niya.
Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil sa ugong ng mga sasakyan sa paligid namin.
"Ha?" Tanong ko at tinakpan ang tenga dahil sa lakas ng harurot ng mga sasakyan.
"Nevermind. Wala lang 'yon" at ngumiti siya. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at bahagya siyang ngumiti, "Basta, ang gusto ko lang ay maging masaya ka. Ayokong nakita kang umiiyak ng dahil sa kanya" tinapik niya ang ulo ko. "Ayos ba 'yon?"
Nanatili akong tulala sa kanya dahil na rin siguro sa gulat. Hindi ko inaasahan ang mga ginawa niya sa'kin. Ayun tuloy nag-uunahan na naman sa pagtibok ang puso ko. Parang naging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"'Di ba?" Untag niya.
"Ah, o-oo, o-oo" nauutal kong sambit. "S-Sige, u-uwi na ko" grrrr, nauutal ako.
Hindi ko na siya nilingon pa. Mabilis akong naglakad at dumeretso sa kwarto ko. Wala pa sina mama.
Napahiga ako ng deretso sa higaan ko habang sapo ang mabilis na tumitibok na puso ko sa dibdib ko.
Huminga ako ng malalim. "Kalma, normal lang 'yan, gusto mo siya di ba?" Bulong ko sa sarili ko.
Inhale. Exhale.
Para akong mababaliw sa mabilis na pagkakarera ng tibok ng puso ko.
Nagtungo ako sa CR at mabilis na tiningnan ang medicine kit sa vanity at binasa ang mga prescription. Napaupo ako nang makitang walang gamot para dito.
Umupo nalang ako saglit hanggang sa nawala na ng tuluyan ang nagkakarerahang pagtibok ng puso ko.
Hays.
"May sakit na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko.
"Anong sakit?" Nagulat pa ako nang makita si Ate Emily sa bukana ng pinto na ngayon ay nakabukas na. "May sakit ka, Lei?" Hinipo niya ang noo at leeg ko.
"Wala po," pilit akong ngumiti at iniwas ang sarili ko.
"Bakit lumabas ang mga gamot sa vanity?"nag-aalala na siya.
"Ate, ba't hindi po kayo kumatok?" Pag-iwas ko sa mga itatanong pa niya.
"Tinatawag kita kanina, hindi ka sumasagot. Nagmamadali kang umakyat sa kwarto mo. Akala ko ano nang nangyari sa'yo bata ka, tapos ngayon maririnig ko, may sakit ka. Naku, patay ako sa mama mo niyan" hinilot hilot niya pa ang sintido niya.
Lumapit ako sa kanya at hinimas-himas ang balikat niya. "Ayos lang po ako, Ate. Wag ka nang mag-alala. Hindi po sila magagalit, wala naman po silang pakialam sa'kin eh" pilit akong ngumiti.
Napatingin siya sa'kin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Natulala nalang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Masakit para sa'kin na ibang tao ang nagko-comfort sa'kin, kesa sa mga magulang ko.
"Nandito lang ako, Lei. Hindi kita iiwan. Kahit talikuran ka ng mundo, nandito ako, aalalay sa'yo. Tandaan mo 'yan" hinimas himas niya ang likuran ko.
Humiwalay siya sa'kin at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"watasi ha kore wo keiken suru koto ha ari mase n , sorera no imaimasii kirai nasi ha watasi no sobo wo korosi ta" nangagalaiti kong usal. (I will not experience this, if not those damn assholes killed my grandmother).
Hanggang ngayon, ang mga hayop na 'yon na pumatay sa lola ko ang sinisisi ko sa mga nararanasan ko ngayon. Kung hindi nawala si obaatyan, wala ako sa lugar na 'to na naghihirap.
BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
DiversosDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...
