Reave's POV
Natapos na namin ang pagkain. Nanonood kami ngayon ng TV dito sa sala. Si nanay naman ay may pinagkakaabalahan sa kusina.
Ilang saglit lang ay dumating na si mama galing sa kusina at may dala-dalang paper bag.
"Reave, ihatid mo 'to kina Pleiades. Paborito niya 'to, kaya ingatan mo" habilin niya.
"Ano po ba 'yan?" Naku-curious kong tanong.
"Mango Float at saka Caldereta" sagot niya.
"Ah, sige po" sagot ko at tumayo.
Naglakad lang ako papunta sa kanila. Kumatok muna ako sa pintuan nila ng tatlong beses. Sarado na kasi iyon, pero bukas pa ang mga ilaw.
Ilang saglit pa ay tumunog na ang mga lock na binuksan. "Sino 'yan?" Napatigil si tita Franchesca nang makita ako. "Oh, Reave, gabi na. What are you doing here? Halika pasok" anyaya niya. "So, ano pala ang sadya mo?"
"May ipinabibigay po si nanay kay Pleiades."
"Ah, okay" sabi niya at umakyat na pataas. Sumunod naman ako sa kanya. Sarado ang kwarto ni Pleiades.
"Ano ba 'yan? It must be important at pinuntahan mo pa dito ng gabi" sabi niyang ngumiti.
"Pagkain po 'to, para kay Pleiades" ngumiti na rin ako.
"Mabuti naman at nandito ka, hindi pa naman siya kumain ngayon" sabi ni tita.
Medyo nakaramdam ako ng pagkabahala. Gusto kong tanungin si tita kung bakit pero natatakot ako. Baka kasi sabihin niya na wala akomg karapatang sabihin at tanungin ang bagay na 'yon.
"Hindi 'yon kumain. Ewan ba namin, ang tigas tigas ng ulo ng batang 'yon" umiling iling si tita. Pero wala doon ang atensyon ko, kundi nasa pintuan. Nalulungkot akong isipin na nakakatulog si Pleiades na walang kain at masama ang loob sa kanila.
"Ayos lang po 'yon, tita. May itatanong din po kasi ako kay Pleiades, at pinabibigay din 'to ni nanay" sabi ko nalang.
"Oh, sige kumatok ka lang" uto ni tita at umalis na.
Nilingon ko muna ang dinaanan niya. Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto ni Pleiades. Narinig ko ang dahan dahang yabag papalapit sa pintuan. Binuksan niya iyon. Medyo namamaga ang mata niya, siguro umiyak siya.
"Hey, umiyak ka ba?" Takang tanong ko.
"Pasok ka" tanging sagot niya. "Ano ba ang pakay mo? Gabi na oh, natutulog na 'yong tao" pagdadabog niya.
"May ipinabigay si mama" inabot ko sa kanya ang paper bag. Kinuha naman niya iyon at tiningnan ang loob. "Kuha muna ako ng plato"
"Wala akong gana" sabi niya at inabot sakin ang paper bag. Tinanggap ko 'yon at inilapag sa side table niya.
"Okay, just wait here" utos ko. At bumaba ng hagdan. Kumuha ako ng plato kutsara at tinidor. Kumuha na 'rin ako ng kanin. Mainit pa ang kanin nung kunin ko sa rice cooker.
Agad akong bumalik sa kwarto niya. Nanlumo akong nadatnan siyang nakadapa sa kama niya, pero hindi natutulog. Sigurado akong hindi siya natutulog dahil gumagalaw ang balikat niya. At alam ko ring umiiyak siya dahil naririnig ko ang pagsinghot niya.
"Sana kagaya nalang tayo" biglang usal niya. Pero hindi na maganda ang pananalita niya dahil sa bumabarang sipon sa ilong niya. Inilapag ko muna sa side table ang mga dala ko at tumabi sa kanya.
Umupo naman siya sa kama at nakita ko ang pamamaga ng mata niya. Namumula ang mata niya at ang ilong niya.
"Hindi ko naman sinasadyang maging pabigat eh" umiyak siya. "Ganito lang talaga ako. Hindi ko magagawang maging perpektong anak para sa kanila. Pero bakit ganun? Parang sinisisi nila ako sa lahat ng mali. Parati nalang ako ang nakikitang mali. Lahat ng tamang ginawa ko ay balewala sa kanila. Sana pareho nalang tayo, may ina na tutulong sa'yo pag may pangangailangan ka, yong may magulang kang masasandalan sa problema" umiyak siya ng tuluyan.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...