Reave's POV
Nagpaalam na ako kay papa at pumunta na sa playground malapit sa dagat. Doon nakita ko ang isang bulto ng babae. Nilapitan ko iyon.
Bawat hakbang na ginagawa ko ay nagpapaingay sa mga tuyong dahon na nasa paligid. Nakuha ko ang atensyon ng babae na inaayos ang pagkakabuhol ng bingwit niya. Napalingon siya sa'kin ng nakakunot nag noo. Binawi ni Pleiades ang ekspresyon na 'yon at ngumiti ng matamis sa'kin.
Tumibok ng malaka ang puso ko. At para niyong kinikiliti ang sistema ko.
Habang papalapit ako ay nakangiti na siya sa'kin. "Hi" ngumiti siya sa'kin.
"Ah-Hi" ngiti ko rin. Nilingon ko ang mga nasa likod niya. "May bingwit ka 'rin pala?" Takang tanong ko.
Ngumiti siya sa'kin, nagmamalaki. "Oo naman. Syempre, alam kong mang-bingwit kaya natural lang na meron akong pang bingwit" sabi niya pa.
"So pa'no na?" Tanong ko.
"Simulan na natin" nakangiting aniya.
Inayos ko ang nylon na nagkabuhol-buhol. Lilingon ko siya. Nakaupo lang siya sa may batuhan at nakatingin sa kalangitan. Hindi ako masyadong mahilig sa mga nakikita ko sa kalangitan, nang tingnan ko iyon ay masasabi kong maganda. Pinaghalo ang kulay kahel na kalangitan ang kulay bughaw at ang kulay pink. Sa gitna niyon ay ang araw na halos magkulay pula na dahil papalubog na ito.
Nang matapos kong ayusin ang aking bingwit ay lumapit ako sa kanya. Nilingon noya ako at ngumiti. Iniitsa na namin ang mga bingwit namin at parehong naupo sa may batuhan. "Hilig mo pala ang sunset?" Tanong ko, para may mapag-usapan.
Ngumiti muna siya, "Oo. Pero may malalim dina kong ponaghuhugutan kung bakit ko ginagawa 'to" huminto siya at bumuntong-hininga. "Siguro ang makipa-usap sa mga kaluluwa ng mga pumanaw na"
"May third eye ka?" Nagugulat kong tanong.
Bigla siyang tumawa "wala akong third eye" ngumisi pa'rin siya. "Paborito ko lang talaga ang mga nasa kalangitan. Mga bituwin, ang buwan, ang araw, ang kalangitan. Kahit ilang oras, hindi ako magsasawa na panoorin sila. Hindi sila nakakasawa. 'Tsaka iba iba ang istilo nila. Lahat may ibig sabihin para sa'kin" ngumiti siya. "Tulad niyan, ang pagkakaroon ng conjunction ng pula, kahel, bughaw at pink" ngumiti siya "Rare"
"Dito ka tumitingin tingin?"
"Oo, minsan nga naisipan ko kung pwede akong maging Astronaut ba"
Bigla ay parang may naramdaman akong bumigat sa bingwit ko. "Eto na, malaki siguro 'to" bulalas ko at hinila ang nylon ng bingwit ko.
Dahil malayo iyon ay medyo matagal ang paghila. Naabutan ako ng mga ilang minuto para mahila iyon. Nang makarating na sa pangpang ay hinila ko ito ng pwersahan, malapit na akong mahulog sa bato sa bigat niyon.
Nagkatinginan kami ni Pleiades nang makita ang nakuha ko. Sabay kaming natawa dahil dun, grabe nag tawa niya. Ikaw ba naman na sobrang effort mo, basura na may lamang tubig ang makuha mo.
Nanlumo ako dahil dun. Tiningnan ko si Pleiades na patuloy sa pagtawa.
Halos mawala na ang mata niya sa kakatawa. Mas lalo pa siya maganda tingnan dahil dun. Sobrang ganda niya. Umawang ang bibig ko sa pagkabighani.
May naramdaman akong malakas na tibok sa puso ko. At hindi ko alam kung saan iyon naggaling. Siya lang ang nakikita ko habang tumatawa. Kasabay ng malakas na tibok ng puso ko ay ang ugong ng ng kanyang tawa na sobrang sarap sa pandinig, hindi nakakasawa. At pilit mo pang hahanapin.
Pleiades' POV
Grabe ang naging tawa ko sa nabingwit ni Reave. "Hahahahah" malakas na tumawa ako.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
De TodoDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...