Pleiades' POV
Alas-sais pa lang, nandito na ako sa bagong eskwelahan na nilipatan ko. Transferee ako galing sa public school. Baguhan ako rito, kaya hindi 'ko kabisado ang lugar na'to.
Kahit na nakapagpasyal-pasyal na 'rin ako dito ng makailang beses na 'rin, hindi ko pa 'rin pamilyar ang buong lugar.
Nakapasok lang kasi ako rito nung nag-take ako ng entrance exam sa isang special section.
Base sa narinig kung balita, matatalino lahat ng kabilang sa section na'to. Hindi naman sa pagmamayabang, nakapasa ako at nakasali pa sa Top 20.
Naglakad lakad ako sa hallway, iisang lugar lang ang napamilyaran ko dito, ang ramp. Dumeretso ako sa ramp at dahan-dahang umakyat. Hindi pa masyadong matao. Mabibilang ko lang sila gamit ang hintuturo ko. Tiningnan ko lang sila. Hindi ako ngumiti, nakasanayan ko na 'rin 'yon. Hindi ako ngumingiti sa mga taong hindi ko naman kilala.
Marami ang natatakot sa itsura ko, at aminadoa ko ro'n. Gusto ko 'rin ng ganito, para wala nang makiusyoso pa tungkol sa buhay ko. Kada classroom ay dinadaanan ko at hinahanap ang pangalan ko.
Nagsi-skimming lang ako para hindi ko makain ang lahat ng oras ko sa paghahanap ng classroom ko.
Mayamaya lang ay narating ko ang third floor. Pumunta ako sa left wing. Gaya kanina ay nagsi-skimming lang ako. Natapos ko na sa paghahanap ang apat na classroom. At nang matanawan ko ang last na classroom, nagdalawang-isip pa ako kung titingnan ko ba. Kasi siyempre, laboratory 'yon at iniisip ko, hindi naman siguro pupuwede kung magkaroon ng isang advisory class at ang purpose naman ng mga laboratory ay para sa experiments sa field ng Science.
Naglakas-loob ako, lumapit ako dun at gaya ng nakasanayan, nag-skim na naman ako. Bingo. Hehe. Naghintay pa ako dun. Isinandal ko ang likod ko sa poste na semento dun, inihilig ko dun ang batok ko at tumingala. Nagpakawala ako ng malalim ng hininga at ibinuga iyon sa kawalan.
Pinikit ko ang mata ko. Gusto kong maidlip habang nakatayo, maaga kasi akong ginising nina mama. Mayamaya lang ay nakarinig ako ng maiingay na yabag ng mga sapatos papalapit sa kinaroroonan ko. Umayos ako ng tayo at nilingon kung saan ang pinanggalingan niyon.
Una kong natanawan, isang malambot na lalaki. Matangkad at may pagka-chinito. At may mga kasama pa siya. Halos mga lalaki sila at iilan lang ang lalaki. Nung lingunin ko ang mga nasa likuran, ang isa sa kanila ay masama ang tingin sa'kin. Parang pinag-aaralan ang kabuuan ko. Sinamaan ko 'rin siya ng tingin, iniwas ko ang paningin ko at umirap sa kung saan man dumapo ang paningin ko.
"Oh, 'di ba? Sabi ko s'enyo," anang binabae.
"Pwede ba? Tumahimik ka, maghintay ka nalang," anang isa pa.
"Patience, sis" anang isa pang kasama niya.
Tahimik lang kaming naghihintay sa kanila. Mayamaya lang, medyo dumarami na'rin ang dumarating na estudyante. Karamihan ay nagkakagulo na sa hallway dahil masikip na ang daan dahil sa mga nakasalampak na estudyante.
Marami ang magkakilala na, makikita mo 'yon dahil sa closeness nila sa pamamagitan ng pag-uusap.
Hindi pamilyar sa'kin ang pinag-uusapan nila. Panay banggit ng mga pangalan ang ginagawa. Ang iba ay sumasayaw-sayaw. Iniwas ko ang paningin ko at tumalikod sa kanila. Itinuon ko ang paningin ko sa mga punong kahoy na isinasayaw ng hangin. Nakapangalumbaba akong tiningnan iyon.
Maraming nakahilerang puno ng mahogany sa roadway. At napansin ko na marami na'ng sasakyan dun. Pero ang mas nakaagaw-pansin sa'kin ang mga bulaklak sa tabi ng mga puno, mga gumamela iyon. Naalala ko ang kabataan ko dahil dun, kung saan lumalaki na ang puno ng bulaklak. Umaakyat kami ro'n at kumukuha ng mga bulaklak.
BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
De TodoDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...
