Pleiades' POV
Ilang lingo narin ang nakalipas simula nung tumawag si Ojīchan. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi niya sa'kin.
Matagal na naming napag-usapan na maghihiganti kami sa pagkamatay ng lola ko. Pero hindi ko siya maintindihan, kung bakit ngayon niya pa napiling pabalikin na ako sa Japan. Masyado pang maaga at bata pa ako para dun, pero desidido na ako na gawin ang bagay na matagal nang nangangati ang kamay ko.
Kating-kati na ako para sa bagay na kinakailangan ng lola ko, hustisya. Dahil simula nung matapos ang araw ng libing ng lola ko ay sinubukan naming iapila sa korte ang kaso. Pero hindi matuloy-tuloy dahil wala kaming sapat na ebedensiya.
Kahit marami ang connections ng lolo ko sa loob at labas ng bansang 'yon dahil negosyante siya, hindi iyon nakakasapat para mabigyan namin ng hustisya ang pagkamatay ng lola ko.
Wala siyang kasalanan, nadamay lang. Nasisiguro naming walang kinalaman dito ang negosyo ng lolo ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na dahil nangyari iyon dahil sa inggit ng mga competitors ng lolo ko, dahil mas kilala siya sa larangan ng pagnenegosyo.
"Yow, earth to Pleiades" biglang untag sakin ni Suzie, kanina pa siguro niya kinukuha ang atensyon ko.
Napalingon ako sa kanya, "Ano?"
"Kanina pa namin kinukuha ang atensyon mo, god" maarteng usal ni Belle.
"Pag may problema ka, sabihin mo lang sa'min. Magkakaibigan tayo, nagdadamayan" si Cindy.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya, hindi ko inaasahan na masasabi niya yon.
"Teh?" si Carylle. "Shookt?" At tumawa sila ng malakas.
Nakaka-shookt naman kasi talaga. Hindi ko talaga naisip na magiging ganun siya kaseryoso.
"Nagbago na 'yan" si Suzie, at nagsubo ng spaghetti.
Nandito kami ngayon sa canteen. Uwian na sa hapon at masyado pang maaga para umuwi kaming magkakaibigan.
Sumubo ako ng spaghetti at tumingin- tingin sa paligid. Sakto namang nakita ko si Elton ngumiti siya sa'kin at kumaway, pero pinaikotan ko lang siya ng mata. Isinenyas niya sakin ang nasa tabi niya, si Reave. Kasama niya pa'rin sina Amanda at ang iba pa nilang mga kaibigan. Napipilan akong ngumiti pabalik kay Elton nang masulyapan kong napalingon si Reave sa kanya at sa akin.
Sinenyasan kong lumapit si Elton sa'kin at yon naman ang ginawa ng loko. Napangisi siya dahil dun. Mabilis niyang nilakad ang pagitan namin at hinila ako sa table nila.
Napalingon ang mga kasamahan niya na nasa table pero hindi si Reave.
"Uhm, guys, say hi to my girlfriend, Pleiades" pagpapakilala sa'kin ni Elton sa mga barkada niya.
"Hi"
"Hello"
"Welcome to the club"
Iilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga kaibigan niya. "Upo ka, upo" sambit ng isang babae sa grupo, actually iilan lang sa kanila at karamihan ay parang mga lesbiana.
Napatingin ako sa mga bakanteng upuan doon. Shit. Sa tabi lang ni Amanda ang merong bakante.
Wala na akong choice, umupo nalang ako dun sa tabi niya kahit ang awkward.
"Malandi" narinig kong bulong niya at nakita ko ang pasimpleng paglingon niya sakin at ang pag-ikot ng mata niya.
"Ehem" tikhim ng isang lesbiana na katabi ko. "Mean girl" bulong niya.
Napalingon ako dahil dun. "She's so mean. One of her talents, being mean to everyone"
"What do you mean?" Naguluhan ako, imposible namang kinakausap niya lang ang sarili niya.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...