Reave's POV
The will of the wind you feel it ang then
It will pass you blowing steady
It comes and it goes and God only knows
You must keep your sails on ready
So when it begins, get all that you can
You must be friend the will of the windSo when it begins, get all that you can
You must be friend the will of the windTapos na ang kanta. Naghintay ako kay Pleiades na i-change nag tape. Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa siyang inilagay at hindi ko siya naramdaman na gumalaw. "Tapos na Plei" pukaw ko.
Pero hindi ako nakatanggap ng sagot. Nilingon ko siya at ganun nalang ang pagkagulat ko nang makita ang luha na umaagos sa mata niya. Parang wala siya sa sariling umiiyak. Inuga ko ang balikat niya pero ni kumurap ay hindi niya nagawa.
Pinagmasdan ko lang siya, kinuha ko ang bingwit. At hinayaan niya akong gawin 'yon, hindi na mahigpit ang pagkakahawak niya dun.
Hinila konang nylon. Iniligpit ang bingwit niya. "L-Lola" biglang usal niya, napalingon ako.
Nakita ko kung pa'no halos mawalan siya ng hininga at halos mahulog sa batuhan. Sinalo ko siya at kinarga. Sakto naman na nakita ko si Ate Emily na papaakyat na malapit sa acacia.
"Ateeeee" sigaw ko. Nagulat siyang tumingin sa'kin at nakita niya ang bitbit ko.
Tumakbo siya papalapit sa'kin "Dios Ko Maryosep" bulalas niya. "Tara iuwi natin siya" tinulungan namin ang pagpasan sa bigat ni Pleiades.
Halos magkulay puti na siya. Agad siyang sinalubong ng isang babae at lalaki. Pinagtulungan naming buhatin ng lalaki si Pleiades paakyat at papasok sa isang malaking silid.
Inihiga namin siya sa malaking kama at tumakbo naman ang babae papalapit sa'min. Nang makita niya si Pleiades ay parang kumalma siya, walang awa na makikita sa mukha niya. Maganda siya, hindi masyadong maputi kagaya ni Pleiades at maganda din siya, may mahabang buhok na kulay itim at nasisiguro kong mama ito ni Pleiades. Ang lalaki naman ay matangkad, may matangos na ilong at medyo singkitin ang mata may magandang jawline, nasisiguro ko ring ama siya ni Pleiades dahil sa features pero hindi sila magkamukha.
Dumating si Ate Emily at may dalang mainit na tubig at panyo. Pinunasan niya ang katawan ni Pleiades. "Palagi nalang 'tong nangyayari" parang hinahapo si Ate Emily. "Bakit ba naman kasi dun pa siya pinalaki" naguhuluhan ako sa mga sinabi ni Ate Emily.
Nilingon niya ako. "Hilotin mo ang mga kamay niya." Utos niya sa'kin at iniabot ang isang oil. Mabango iyon, parang imported.
Hinawakan ko ang malalamig na kamay ni Pleiades. Hindi iyon malambot may mga kalyo siya sa palad na kahit hindi masyadong makapal ay parang kinuhanan na dahil may iba pang natira. Meron din sa nga daliri niya. Hinilot hilot ko iyon, napansin ko nag kuko niya. Hindi maganda ang korte at hindi uniporme may naka-square, meron ding naka-curve, hindi mahahaba. Malinis ang kamay niya pero may kalyo.
Malamig ang kamay niya. Mayamaya lang ay naririnig ko na ang malalakas niyang hininga. Para siyang hinahapo at may mga pawis na siya sa noo, ilong at sa ibabaw ng bibig niya.
Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng kamay ko at hinayaan ako ni Ate Emily. Malalamig na pawis ang nahawakan ko. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinakalma iyon, kahanga hanga na kumalma iyon at nawala ang matinding nginig.
Ngumiti si Ate Emily nang malingunan ko at tumayo na siya. Tinanaw ko ang pag-alis niya at napansing wala na ang mag-asawa. Lumabas na si Ate sa pinto at isinara iyon. "Nandito lang ako para sa'yo Plei. Magkaibigan tayo, hindi ba? Kung may gumugulo sa isipan mo, sabihin mo sa'kin. Maaasahan mo ako" kinausap ko ang tulog niyang katawan na para bang sasagot 'yon.

BINABASA MO ANG
The Will Of The Wind
RandomDear Diary, Paano ba ang magmahal nang hindi nahihirapan? Paano ko ba makukuha ang lalaking matagal ko nang inaasam sa tanang buhay ko, lalaking kahit masakit ay ginagawa pa'rin akong paibigin, at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko na siya 'ring s...