Chapter 19

7 0 0
                                    

Reave's POV

after 10 years

"Pare, sama ka mamaya?" Tanong sa'kin ni Emir.

"Wag mo na yan isama, busy parati yang investigator na yan" kantyaw ni Jeric.

"Hindi, sabihin mo loyal pa'rin yan sa girlfriend niya na hindi man lang natin kilala kung sino" si Mark at sabay silang nagtawanan.

Mga kasamahan ko sila sa trabaho. Mga detectives at investigators din sila kagaya ko.

"Pass muna ako mga pre, sa susunod nalang. Aayusin ko nalang yung mga papers ko for transfer. Next week na ako malilipat sa NBI" sagot ko habang busy parin sa kinakalikot ko sa computer. About ito sa massacre sa Japan. Nangyari ito halos dalawang dekada na.

Asawa ng isang mayaman at sikat na businessman at mga bodyguards nito ang nasawi sa nasabing massacre, buti nalang nakaligtas ang businessman at ang apo nito. Blangko parin ang lahat kung sino man ang nagtangka sa kanila mga buhay.

Walang ni isang lead ang meron sila. Ilang beses na palang inapela ang kasong ito sa korte pero sa huli ay binabasura nalang dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Alas syete na ng gabi at nakauwi na ako sa pad ko. Lumipat na ako ng bahay na mas malapit sa trabaho ko. Sinusustentuhan ko nalang sina mama ng panggastos nila sa araw araw.

Araw araw ko rin tinitrace ang posibleng kinaroroonan ni Pleiades. Pero masyado siyang mailap. Para bang may barrier na parating nakapaligid sa lahat ng kinaroroonan niya. Wala rin siyang social media accounts.

Ten years ago, muntikan na akong masadlak na tumira sa bahay nila. Walang kaso naman yun sa parents ni Plei. Ayos naman sila sakin. Ang kaso lang gabi na kung tumatawag siya. Kung tumawag naman, at panahon na para mag usap kami, pinapatay naman ang tawag.

May isang araw na sinubukan kong tawagan ang skype niya pero unreachable ang account na yun. Araw araw kong iniisip na baka ayaw niya talaga sakin at hindi totoong mahal niya ako.

May isang gabi na pinagtyagaan ko talaga na hintayin ang tawag niya. Nag usap kami at sinabi niya ang lahat sakin.

Na namimiss niya ako. At kinuwento niya kung gaano siyang nangungulila sakin.

Gabi gabi siyang laman ng dasal ko. Ilang taon na ang lumipas wala akong naging ibang karelasyon.

Available si Amanda pero hindi ko naman piniling patusin nalang siya. Kasi kahit naman hindi kami nag uusap ni Pleiades, girlfriend ko parin siya.

Nakatulog nalang ako dahil sa matinding paghihintay ng ligaw na tawag sa skype ko. Ang tanga man isipin pero yun parati ang ginagawa ko, umaasa na sabik parin siyang makausap ako.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa pag iingay ng cellphone ko. Excited akong bumangon at sinagot yun, sa pag asang si Pleiades yun.

"Hello, Mr. Winchester. Good morning. Sorry if i interrupt your rest but let me notify you that later at 8 am is your interview for qualification. Please visit us nalang po here at NBI office" boses babae yun at pamilyar pa sakin, secretary ata ng Director.

Hindi paman ako nakasagot ay pinatay na agad niya ang tawag.

8 am pa naman pala e. Pero bat ang aga ng tawag na yun. Tiningnan ko ang alarm clock ko, alas singko palang ng madaling araw.

Excited naman ata yung secretary na yun na makita ang kagwapuhan ko, tsk.

Mga alas syete palang ay pumunta na ako sa office ng NBI. Marami rami na rin ang mga nakaduty.

The Will Of The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon