Simula

412 4 0
                                    

Bagong Taon.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon at kung sino ako, pero ang alam ko ay may kahawak kamay akong lalaki at hindi ko maipinta ang kanyang mukha dahil hindi ito makita ng maayos.

Naglalakad kami ngunit hindi ko alam kung saan patungo pero magkahawak kamay parin kami. Maya maya pa ay may isang babaeng tumatakbo patungo samin at may tinatawag itong pangalan

"Yunna!" sigaw nito hanggang sa tumigil sa gilid ko at inakbayan ako kaya naman ay nagulat ako. "Di niyo naman ako inantay, san ba kayo pupunta?" pano ko siya aantayin kung wala nga akong kaalam alam sa mga nangyayari.

Naglalakad parin kami habang hawak ko ang kamay nung lalaki at nakaakbay naman sa akin ang babae kanina. Di katagalan ay may isa pang babaeng sumusunod samin at tinawag niya ang nakaakbay sa akin

"Layla, sinabi nang hayaan mo silang mapagisa" medyo naiinis na sabi nito habang hinihila si Layla palayo sa amin, "ano ba naman yan Julia, nakikisama lang naman ako" pabirong sagot nito habang naglalakad palayo kasama si Julia.

"Bantayan mong mabuti at ihatid mo pauwi yan Lucas ah, ingat kayo!" sabay nilang sabi at ngumiti nalang ung lalaking nabansagan na Lucas.

"Lucas?" tawag ko dito na may halong pagtataka dahil wala akong ideya kung nasan ako, sino ako at ano ang nangyayari.

"Hm?" lingon nito sa akin at onti onti ko na siyang namumukhaan dahil nakikita na ang itsura nito.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dito at ngumiti siya, "diba nga sabi ko naman sayo, magtiwala ka sa akin. Pang ilang tanong mo na iyan, basta ligtas ka pag kasama mo ako" nakangiting sabi nito.

Nagpatuloy kaming maglakad at nakarating kami sa medyo malayo at preskong patag, alas otso na kasalukuyan at nakaupo kami habang nagtatawanan. Matagal kaming nagkwentuhan doon at di namalayan na malapit nang sumapit ang bagong taon. Kung tutuusin ay tama siya, ramdam ko ang pagiging ligtas at komportable sa kanya at hindi ko alam kung bakit pero sobra akong nagtitiwala sa kanya.

Maya maya pa ay sumapit na ang bagong taon, naririnig namin ang pagdiriwang ng mga tao dahil di kalayuan sa kinakaupuan namin ay may mga bahay na punong puno ng ingay at ilaw. Samot saring tunog ng torotot at paputok ang naririnig namin, kasama narin ang saya ng bawat isa. Hinalikan niya ang noo ko na siyang kinagulat ko at sinabing, "happy new year, Yunna. Gusto ko lang sabihin sa iyo na paninindigan ko na ang nararamdaman ko para sa iyo at itigil na natin ang paghaharutan ng walang label. Ngayong sumapit ang bagong taon ay gusto kong sabihin na totoong nahulog na ako sa iyo." nakangiting sabi niya sa akin na kinangiti ko rin at niyakap ko siya ng napakahigpit.

Habang naglalakad pauwi ay madami kaming napagusapan at napagplanuhan kung paano namin sisimulan ang relasyon namin at kung paano namin haharapin ang magulang ng isa't-isa. Nahatid niya ako ng maayos at masaya pauwi, niyakap ko siya sa huling pagkakataon ngayong araw at nagpaalam na kami sa isa't-isa. Nakangiti akong pumasok sa bahay at masaya kong nasalubong ang bagong taon.

Kinabukasan ay pinuntahan niya ako sa bahay upang sunduin at pumunta kami sa isang tahimik na coffee shop para magusap. Nagtawanan kami, nagkwentuhan at kung ano ano ang napagusapan namin.

Matagal din kaming nakatambay sa coffee shop pero mamaya maya pa ay nakita kong papalapit sila mama at ate sa loob ng coffee shop at halatang papasok sila dito. "Lucas, sila mama papunta dito" senyas ko sa kanya at agad niyang tinignan ang pintuan nang tuluyan na itong buksan ni ate. Hinawakan niya ung kamay ko at tumakbo kami papunta sa mga restrooms para magtago at nakuha pa nga namin na tumawa. "Hala, pano tayo lalabas niyan?" kinakabahan kong tanong sa kanya at ngumiti lang ito, "antayin mo ako dito ah, mabilis lang ako" binitiwan niya ang kamay ko at naglakad ng mabilis palabas. Pumasok ako sa restroom para sa mga PWD at inantay ko siya doon.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon