Kinabukasan.
Ngayon naman ay ang family day namin at ang napagkasunduan pa namin ay walang magdadala o gumamit ng kung ano mang gadgets para bawat oras ay naguusap lamang.
Kahit saglit na pagsagot ko sa mga messages sa akin ay hindi ako pinayagan kaya bukas ay manghihingi nalang ako ng pasensya at sasabihin ang totoong dahilan kung bakit hindi ko sila nasagot agad.
Pumunta kami sa isang theme park at dahil ngayon lang ako nakapunta sa gantong lugar ay sobra akong natuwa sa mga naranasan ko sa lugar.
Lahat ng rides at attractions ay sinabukan namin kaya nalubos naman namin ang entrance fee.
Pinanuod naming lumubog ang araw ni ate habang nakasakay sa isang Ferris Wheel habang sila mama at daddy ay nasa ibang ride nakasakay.
"Alagaan mong mabuti si Austin. Pasensya ka na sa ugali niya dahil hindi niya tanggap ang bigla naming paghiwalay sa isa't-isa" biglang bigkas ni ate habang lumulubog na paonti onti ang araw. Nanahimik lang ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya.
"Mahalin mo siya para sa akin" nanginginig na dagdag ni ate nang tuluyan nang lumubog ang araw at nabalot na ng kadiliman ang langit.
Nagkatinginan kami ni ate at nakita kong may nabubuong luha na sa kanyang mga mata.
Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya at nawala lahat ng iniipon kong hinanakit para sa kanya.
Nagulat siya dahil biglaan ang ginawa ko at hindi namin sanay gawin iyon sa isa't-isa.
Narinig ko siyang humikbi ng tahimik paonti onti at sinusubukan ko ang lahat para pakalmahin siya.
Walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Pinunasan ni ate ang mga mata niya noong malapit na kaming makababa sa ride.
Pagkababa ay bumungad sa amin sina mama at daddy at napansin nila na medyo nagtaka sila kung bakit namunula ang mga mata ni ate.
"May nahagip lang po sa mata ko kanina" mahinang sagot ni ate sa kanila at naglakad na kami palabas ng theme park.
Kumain kame sa isang steak house restaurant na di kalayuan sa theme park.
Tahimik lang si ate mula kanina pa at kailangan pa siyang tawagin ng ilang ulit para sagutin niya kami.
Medyo matagal bago kami umalis sa resto dahil nilubos na namin ang pagkain sa sobrang sarap nito.
Kaso hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap ni ate na kahit tignan niya ako ay hindi niya magawa.
Bat parang ako pa ang may kasalanan na sa akin itinakda si Austin? Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Nasasaktan si Austin at ate pero ang mas nahihirapan at nasasaktan ay si Lucas na sinakripisyo niya ang lahat lahat para lang sa akin.
Lahat sila ay nagdurusa dahil na rin sa akin at lahat ay kailangan magsakripisyo dahil sa akin.
Kasalanan ko nga ang lahat. Siguro nga kung hindi ako dumating sa mundong ito ay siguro walang mga problemang nabubuo ngayon.
Ako rin naman siguro ang nagpasok sa sarili ko sa mga nangyayaring gulo at problema pero hindi ko naman ginusto lahat ng ito.
Nakarating na kami sa bahay at agad kong sinagot ang mga mensahe sa akin nila Layla, Julia, Alonzo, at Mark.
Nakabalik na si Mark mula sa bakasyon nila sa Pangasinan kaya bukas ay makakapasok na ulit siya. Bukas na rin siguro kami huling magkakasama-samang kumpleto ngayong mga panahon na ito.
Kinabukasan.
Isang notebook lang ang dinala ko para medyo maraming damit ang madala ko sa bag ko.
Hinatid ako ni daddy sa school at nginitian ko siya sa huling pagkakataon at nagulat siya nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit sabay nagpaalam na ako sa kanya.
Bumaba na ako sa sasakyan at pinanuod ko munang dahan dahang umalis si daddy palayo sa akin sabay pumasok na ako sa loob ng school.
Dumaan muna ako saglit sa classroom nila Lucas at bumungad sa akin si Mark sabay niyakap niya ako bago pa man ako makarating sa tapat ng classroom nila at iyon ay kinagulat ko.
"Yunna, sorry ulit about sa mga sinabi ko nung birthday ko. Salamat nga pala sa regalo mo" bigkas ni Mark pagkatapos akong yakapin.
"Wala iyon, nakita mo na nga ba si Lucas?" nakangiting tanong ko dito at umiling nalang siya sa akin.
"Nakakapanibago nga dahil malapit nang magsimula ang klase at wala pa siya. Sabi rin ni Angelo na mula kanina ay hindi siya sumasagot sa mga tawag niya kay Lucas" sagot ni Mark sa akin.
Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kanya dahil tumunog na ang bell at dali dali akong umakyat sa classroom namin.
"Good morning!" bati ni Layla sa akin at inikot akong saglit, "ang saya mo naman ata ngayon?" nakangiting tanong ko sa kanya pagkabitaw niya sa kamay ko.
"Syempre naman dahil ito na ang buwan ng mga puso!" magiting niyang sabi sa akin at naalala ko pala na naging sila ni Mark ng saktong Valentine's Day.
Ngumiti nalang ako dahil nagsasaya si Layla sa gilid at magkatabi si Julia at Alonzo na nakangiti sa isa't-isa habang naguusap.
Nagsimula na ang klase at noong recess ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.
"Magkita tayo mamaya sa park na pinanuod nating lumubog ang araw. Sa wakas ay pwede na kitang mahalin nang walang hadlang" ang nakalagay sa mensaheng sinend niya sa akin.
Tanghalian.
Sabay-sabay kaming lahat kumain pero wala si Lucas sa tabi ko ngayon. Marami kaming naikwento sa isa't-isa tungkol sa mga kaganapan sa amin noong sabado at linggo.
Nagpaalam lang akong saglit para umihi at laking gulat ko dahil paglabas ko ay ang bumungad sa akin ay si Mark, "siguro ito na ang huling pagkikita natin sa ngayon" sabi nito sa akin sabay tinapik ang balikat ko at pumasok na sa restrooms.
Nauna na akong bumalik sa lamesa namin at nakipagkwentuhan nalang ulit ako sa kanila.
Hindi katagalan ay bumalik na rin si Mark at umupo na ulit sa tabi ni Layla.
Matapos ang ilang minutong kwentuhan ay napagisipan na naming umalis dahil baka ma-late kami sa aming klase.
Nakarating na kami sa school at humiwalay na sina Mark at Angelo dahil hindi namin sila kaklase o kapareho ng palapag.
Hindi katagalan ay nagsimula na ang klase at hindi ako makapag-focus dahil nasampal ako ng katotohanan na ngayong araw na ang lahat ng huling gawain at kinabukasan ay panibagong buhay na dahil kami nalang ni Lucas ang magkasama.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...