Uwian.
Kakatapos ko lang magayos ng gamit ko at uuwi na sana para makapagpahinga na ako ngayong araw pero biglang hinawakan ni Austin ang kamay ko, "may pupuntahan tayo" biglang bungad niya sa akin at hawak ang kamay ko palabas.
Medyo pagod ako ngayon kaya hindi na ako nakipagtalo sa kanya at sumama nalang, "saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pababa.
"Hindi naman ako papayag na wala rin tayong special place, diba?" nakangiting sabi ni Austin sa akin at nagtaka na lamang ako.
Nakarating kami sa isang abandonadong playground na di kalayuan sa elementary school malapit sa amin.
Kala ko ay nagbibiro lang siya pero binuksan niya ang pintuan sa gilid ko at pinapababa niya na ako at dahan dahan naman akong bumaba ng sasakyan.
Nauna siya sa akin dahil tinawagan akong saglit ni ate sabay nagpaalam ako sa kanya kaya naman ay pinauna ko na si Austin pero pananuod ko siyang pumasok sa eskinita para alam ko ang daan papunta sa tinutukoy niyang lugar.
Binabaan na ako ng ate at sinundan ko na si Austin nang nadatnan ko siyang nakaupo sa isang lumang swing ng playground habang nakangiting pinapanuod ang paglubog ng araw.
Sinamahan ko siya dahil gusto ko ring makita ang paglubog ng araw at umupo ako sa isang swing sa tabi niya at nangiti nalang ako sa pinapanuod namin.
"Alam mo?" tanong ko kay Austin at tinignan lang namin ang isa't-isa sabay umiling siya at sinenyasan ako na sabihin kung ano ang ibig kong sabihin, "hindi ko rin alam" pagpalit ko sa sasabihin ko sana sa kanya at natawa lang siya.
Pero ang totoo ay dapat sasabihin ko ay naguguluhan ako tungkol sa kanya at kung ano ba talagang balak niya dahil ikakasal na kami sa susunod na buwan.
"Alam mo ba?" tanong naman nito sa akin at umiling ako, "alam mo ba na ung mga panahon na pinipilit kitang gustuhin ay napamahal na ako sayo pero ang hirap dahil si Lucas ang ninanais mo" diretso niyang sinabi sa kanya at napatingin na lamang ako sa kanya.
"Sorry, Austin" mahina kong sabi at mahina rin siyang natawa, "don't be dahil alam naman nating lahat ay hindi mo pwedeng ipilit ang hindi kayang mangyari" nakangiti niyang sabi nang tuluyan na balutin ng kadiliman ang paligid namin.
Tahimik lang kaming nakaupo at pinagmasdan ang dahan dahan na paglabas ng mga bituin sa langit.
Napangiti na lang ako dahil kumikinang sila sa paningin ko at nagbibigay liwanag sa dilim.
Medyo malamig ang gabi ngayon at kamalas-malasan ay pareho kami na walang dalang jacket. Nanginginig na ako sa lamig kaya niyakap ko ang sarili ko pero laking gulat ko ay niyakap ako ni Austin habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
Tinignan ko siya at nakita ko lang itong nakapikit na nakangiti habang nakayakap sa akin ng mahigpit kaya naman ay pinikit ko nalang muna ang mga mata ko at pinakinggan ang simoy ng hangin.
"Yunna, mahal na kita" nakangiting sabi ni Austin na tinanggal ang pagkakayakap sa akin at pumunta sa harapan ko, "mahal na mahal kita" muling sambit nito at dahan dahang inilapit ang labi niya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya bigla akong napatayo na kinagulat naming pareho, "Austin ano ba iyang mga sinasabi mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya at tumawa pa ako ng may onting kaba.
Kala ko naman ay nagbibiro lamang siya kaya tumawa ako pero tinitigan niya lang ako, "sa tingin mo ba na ang lahat ng ginagawa ko para sayo ay wala akong halong mararamdaman para sa iyo?" tanong niya sa akin.
"Sino ba naman ako para magpakatanga sayo kung hindi kita mahal pero mas gusto mo parin ay ung lalaking hindi sumulpot" medyo naiinis niyang sabi at nainis na rin ako.
"Mas maayos pang piliin ko siya kesa sayo na napipilitan lang sa akin dahil naka arranged marriage tayong dalawa!" pagsigaw ko pabalik sa kanya.
"Hindi ka ba nakikinig sa akin, Yunna? Kahit na ganyan ang pagtrato mo sa akin ay napapamahal na ako sayo! Ano ba doon ang hindi mo naiintindihan?" sagot niya naman sa akin.
"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mo ako mahal kung napilitan ka lang sa akin" mas malakas kong sagot sa kanya at napatigil siya ng saglit para kumalma.
"Minamahal kita dahil ikaw iyan" kalmado niyang sabi sa akin at kahit ako ay napatigil sa sinabi niya, "hindi mo ako mamahal pabalik dahil hindi ako si Lucas at wala ako mula simula" dagdag niya pa.
"Pero hindi ibig sabihin non ay hindi kita pwede mahalin dahil hindi ko naman ito kayang pigilan" pagdadahilan niya rin sa mga sinabi niya.
Lumanghap ako ng hangin at nanahimik nalang kahit saglit para makakalma na rin ako.
Nagkayayaan na kaming umuwi dahil baka magpatayan na kami dito at madatnan nalang kaming patay kinabukasan dito.
Sumakay na kami sa kotse niya at pinaandar niya na ito. Tahimik lang kami buong oras na nagmamaneho siya patungo sa bahay namin.
"Sinubukan ko naman pero hindi ko kaya" mahina kong sabi at pareho kaming napabuntong hininga.
"Kahit subukan mo man akong mahalin ay hindi mangyayari iyon kung si Lucas parin ang gustong piliin ng puso't isipan mo" mahina niyang sagot sa akin at tinignan ko na lamang siya.
Nakarating na kami sa bahay at bumaba na ako sa sasakyan niya pero bago pa man ako makapasok ay humirit nanaman ito, "Yunna" tawag niya sa akin na nasa kabilang side ng kalsada at binigyan ko siya ng pagtatakang tingin sabay nginitian niya ako.
"I love you" medyo malakas niyang sabi sa akin at pinaandar na paalis ang sasakyan niya.
Pinanuod ko ang paonti onting paglayo ng sasakyan niya at bigla nalang ako nakaramdam ng kakaibang feeling na nanggagaling sa puso ko.
Hindi pwede ito. Hindi ako pwedeng mahulog kay Austin.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...