Tumunog na ang bell at ihinatid na kami ni Lucas sa classroom namin.
Buong maghapon ay iniisip ko kung ano nalang ang mangyayari sa susunod na linggo.
Uwian.
Sinundo ako ni Lucas at niyaya niya akong pumunta muli sa park na tinambayan namin dati at pumayag naman ako pero laking gulat namin na si daddy ay naka-park na sa tapat ng gate ng school.
Mahinang bumusina si daddy bilang senyas sa akin na nandoon siya.
Nakatingin sa akin si Lucas na hindi nawawala ang ngiti niya, "mukhang bukas nalang siguro tayo pupunta sa park"
Lakas loob akong hinatid ni Lucas papunta kay daddy at pinagbukas pa niya ako ng pintuan ng sasakyan, "hello po!" masiglang bati niya kay daddy ng nakangiti.
"Oh Lucas, perfect timing. Kami lang ni Yunna ang magkasama ngayon. You wouldn't mind to tag along, would you?" nakangiting tanong sa kanya ni daddy.
Mas lalong napalaki ang ngiti niya sa amin at tumango kaya naman ay pinasakay na siya ni daddy sa tabi ko.
Nakangiti si Lucas buong oras na nasa byahe kami kaya minsan pinagtataka ko kung paanong hindi siya nagsasawa o nangangalay sa pagngiti niya lagi na kahit may luha ay nakangiti parin siya sa akin.
"Bakit ka ba laging nakangiti sa akin, hindi ka ba nagsasawa?" tanong ko sa kanya at tinignan niya parin akong may ngiti, "bakit naman hindi? At tsaka paano kitang pagsasawaan kung ikaw mismo ay hindi ako sinusukuan" sagot niya sa akin na may malapad na ngiti.
Nakalimutan namin na si daddy pala ang kasama namin sa sasakyan kaya sabay kaming napatingin sa rear view mirror niya at nakita namin siyang nakangiti sa amin.
Nakarating na kami sa isang medyo may kalayuan na mall at kumain ng dinner sa isang kainan sa mall.
Ayaw pa nga ni Lucas na si daddy ang magbabayad sa kanya pero hindi pumayag si daddy na siya ang magbabayad dahil siya lang din naman ang nagyaya kay Lucas.
Hindi ko alam ang kasunduan nila sa bill pero masaya kaming kumain at marami rin silang napagusapan.
"Paano ko masisiguro na hindi lang puppy love ang nangyayari sa inyo ni Yunna?" tanong ni daddy sa kanya ng naka-taas ang isang kilay.
"Well ang sa akin lang naman po ay kung papasok ako sa isang relasyon ay mas better if we both start a mature relationship na may tiwala at may balanseng oras para sa isa't-isa" nakangiting sagot ni Lucas kay daddy.
"Paano ko naman malalaman na hindi ka magloloko at totoo lahat ng sinasabi mo?" isa nanamang tanong ni daddy sa kanya.
"Tinatak ko po sa isip ko na kung ako mismo ay ayokong masaktan ay bakit naman ako mananakit ng ibang tao. Actions are better than words, they say kaya lahat po ng sinasabi ko ay papatunayan ko sa inyo bawat isa" nanatili ang ngiti sa labi niya habang napangiti naman si daddy sa kanya.
Natapos na kaming kumain at bibili si daddy ng bagong damit niya para sa panibagong business trip niya next week.
Oh how I'll miss him, ang isa sa mga kakampi ko sa buhay.
Sabi ni daddy na baka mainip kami ni Lucas sa pagsama sa kanya kaya naman sinabi niya ay gawin muna namin kung anong gusto namin magkita kita na lamang sa may Starbucks dahil doon siya malapit sa Starbucks naka-park.
Napadaan kami ni Lucas sa bahagi ng mall na may photo booth kaya naman ay sinubukan namin.
Hindi namin alam ang gagawin kaya naman ay tawa kami ng tawa sa mga pinaggagagawa namin doon.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na naming gamitin ang booth.
Naglaro kaming saglit sa arcade ng mall at nakasalubong pa nga namin si Alonzo at niyaya rin namin siyang maglaro
Sumali si Alonzo sa amin pero mamaya maya ay dumating na ung inaantay niya.
"Alonzo!" tawag sa kanya ng taong di kalayuang nakatayo sa harapan namin at napangiti naman ako kung sino ito.
"Pasensya ka na dahil medyo natagalan bago ko mahanap ang gusto ko, ikaw ba nahanap mo ba gusto mo?" tanong ni Julia sa kanya habang nakakapit sa balikat niya.
"Oo at nandito nga siya na nakakapit sa balikat ko" nakangiting sagot ni Alonzo kay Julia na sanhi ng pagpula ng kanyang mukha.
Nakangiti kami ni Lucas habang pinapanuod ung dalawa, "mauuna na pala kami, salamat sa oras niyo" pagpapaalam ni Alonzo sa amin at tumango na lamang kami sabay ngumiti.
Noong matapos kaming maglaro sa arcade na halos maubos na ang pera namin ay pumunta kami sa isang parte ng mall kung saan may mga halaman at maraming makukulay na ilaw ang nakapalibot.
Umupo kami sa isang bench doon at nagpahinga ng onti.
Pagkaupo ay humiga si Lucas sa hita ko sabay pumikit at napabuntong hininga.
"Gusto kita pero alam kong mahihirapan ka sa gusto nating mangyari lalo na dahil ganoon kabait ang daddy mo ay mahirap mo siyang iwanan" nakapikit niya paring sabi habang nakatakip sa mukha niya ang braso niya.
Hinawakan ko nalang ang buhok niya at tinititigan ang nakapikit niyang mata, "gugustuhin ko naman kung alam kong mahal kita" nakangiti kong sagot dito.
Dumilat na siya at sabay tumayo sa pagkakahiga, "sigurado ka na ba na gusto mo na akong makasama habang buhay?" seryosong tanong nito sa akin at napangiti na lamang ako.
"Ikaw ba sigurado ka?" balik tanong ko sa kanya at ngayon ay ngumiti naman siya pabalik sa akin.
"Hindi ko alam kung anong meron ka at hindi ko maisip na hindi ikaw ang makakasama ko pang habang buhay" nakangiting sagot nito sa akin.
"Sobra na ang nararamdaman kong pagmamahal sayo kaya hindi ko na mapaliwanag kung gaano kita kamahal" pagpapatuloy pa nito.
Ngumiti ako sa kanya at tinitigan siyang mabuti sabay niyakap, "hindi mo man kailangan pero nararamdaman ko na gusto mo" nakangiti kong sabi habang nakayakap parin sa kanya.
"Kahit hindi mo sabihin yan ay tama ka naman" sagot niya sa akin at niyakap ako pabalik.
Nanatili kaming magkayakap hanggang sa tinawagan na kami ni daddy para umuwi na.
Tumayo na kami at magkahawak kamay na naglakad papuntang Starbucks.
"I really can't imagine growing old without you at sigurado na ako doon" nakangiting sabi niya sa akin at ngumiti na lamang ako.
Pagkarating doon ay nakita namin si daddy na inaantay kami sa sasakyan.
Sumakay na kami at nagpatakbo na si daddy, "kamusta naman kayong dalawa?" ang huling narinig kong sinabi ni daddy na bago pa man ako makasagot ay nakatulog na ako.
Pinilit ko mang sumagot pero hindi ko na napigilan ang antok ko kaya dali-dali akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...