Ikalabing-pito

22 1 0
                                    

Susugurin na sana ako ni Austin ng hampas o suntok pero biglang pumagitna na amin si Lucas kaya siya ang natamaan ni Austin.

"Umalis ka nga jan, Lucas!" sigaw ni Austin na halatang galit na galit at kulang nalang ay makapatay na ito at baka ako ang una niyang mapatay.

"Austin, lasing ka na. Lasing na kayo. Pwede bang kumalma muna tayo at kausapin ang isa't-isa ng masinsinan at maayos?" kalmang sabi ni Lucas sa amin.

"Tsaka hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Tinangka mong manakit ng isang babae" sabi ni Lucas na bigla namang natauhan si Austin sa sinabi.

Tapos na sana ang event kung hindi lang siya nagsalita at umasta ng ganoon. Edi sana mapayapa na kami na pauwi na sa bahay para makapagpahinga na kaso hindi dahil nagdagdag nanaman kami ni panibagong gulo.

Nilapitan kami ng nanay ni Austin at pinasalamatan si Lucas kaya umalis na siya sa pagitan namin ni Austin.

Tinapatan ako ng nanay ni Austin at medyo hinanda ko na ang sarili ko sa gagawin o sasabihin niya pero laking gulat ko na niyakap ako nito bigla at binulungan ako.

"Yunna pasensya ka na kay Austin dahil sadyang pilit ka niyang ginugusto dahil sa amin pero hindi niya matanggal sa isipan niya ang ate mo" mahinang sabi ng nanay niya sa akin habang nakayakap at tumango nalang ako sa kanya.

Ngumiti siyang may pagaalala sa kanyang mukha at sabay hinila na si Austin palayo sa akin.

Naiwan akong nakatayo lang ako don at bigla akong nilapitan nila Layla at niyakap akong mahigpit. Hindi sila nagsalita pero nakayakap lang sila sa akin.

Hindi katagalan ay hinila na ako ni mama palayo sa kanila at pinaalam niya naman ako ng maayos sa kanila.

Nauna na sina ate at daddy sa parking lot at hindi nagsalita si mama kahit noong nakalabas na kami ng elevator.

Sumakay na kami sa sasakyan at walang nagtangka na magbigkas ng kahit isang salita man lang.

Nakauwi na kami at wala paring nagsasalita at ang masama pa ay nagkanya kanya kaming pasok sa aming mga kwarto ng walang imik sa isa't-isa.

Kinabukasan.

Panibagong buwan nanaman ang haharapin namin ngayon at sa ikatlong araw ng buwan na ito ay gagawin na namin ni Lucas ang binabalak namin.

Dahil sa mga nangyari kagabi ay nawala na ang pagdadalawang isip ko sa plano namin at mas lalo kong napatunayan na sigurado akong gusto ko nang makawala sa mga problemang ito at makasama nalang si Lucas sa ano mang pagsubok at kaginhawaan para mawala na itong mga hadlang na ito sa paligid o pagitan namin.

Ngayon naman ay nagyaya ulit si daddy na magsaya kami at ngayon ay sigurado na kaming dalawa nalang ang magkasama.

Hindi naman sa ayaw kong kasama si Lucas pero nilulubos ko na lahat ng natitirang oras ko na makakasama si daddy dahil malay ko ba kung anong posibilidad na mangyari sa kasalukuyan.

Pumunta kaming Baguio ni daddy na kinagulat ko dahil ilang oras na biyahe rin ito at hindi niya rin ako sinabihan na ganto pala kalayo ang pupuntahan namin.

Dumaan muna kami sa isang magandang simbahan na hindi ko alam kung saan at naupo kami para magdasal.

Ilang minuto kaming tahimik ni daddy at nagdadasal ng seryoso. Nauna akong matapos sa kanya kaya tinitignan ko nalang ang nakapaligid sa simbahan.

May kalakihan ito at napakagandang tigna pero ang higit sa lahat ay mapayapa na kala mo mawawala na lahat ng problema mo sa buhay.

Natapos nang magdasal si daddy at nginitian niya ako sabay tumayo na kami at dahan dahan naglalakad palabas, "alam mo isang araw pinapangarap ko talagang ilakad kayo ng ate mo papuntang altar pero ang gusto ko ay ipapasa ko ang kamay niyo sa taong gusto niyo makasamang habang buhay at pareho kayong mamahalin ng tunay" mahinang sabi ni daddy sa akin at yumuko nalang ako dahil hindi niya iyon magagawa sa akin.

Sumakay na kami sa sasakyan at pinatakbo niya na ito. Pinuntahan namin lahat ng tourist spots sa Baguio na at sobra kaming naaliw sa mga nararanasan at nakikita namin ngayon.

Ito ang mga sandali na kala mo wala kang dinadalang problema at kala mo isa kang masayang bata na walang kaalam alam sa mga kasamaang batid ng mundo.

Madami kaming napuntahan at inabot na kami ng gabi sa pagpunta sa iba't-ibang parte ng lugar.

Bumili kaming pasalubong para sa mga kaibigan namin at para kay mama at kay ate.

Hanggang sa biyahe pauwi ay marami kaming pinaguusapan ni daddy at muntikan pa akong madulas sa binabalak namin ni Lucas.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa bahay at saktong sakto ay kakatapos lang maluto ang pagkain namin para sa hapunan.

Mabilis kaming nagbihis ni daddy at tumungo sa kusina para saluhan sina mama at ate sa kainan.

Nakapagkwento rin ako sa kanila dahil sinasabayan ko si daddy sa mga bawat sambit niyang salita.

Natapos na kaming kumain at nakinuod ako ng saglit sa tv sabay inayos na ang sarili ko dahil dalawang oras nalang ay hating-gabi na.

Pagkaayos ko sa sarili ko ay dali dali akong natulog. Hindi ko rin nasagot lahat ng tawag at messages nila sa akin dahil buong araw nakapatay cellphone ko at pagod na ako masyado para asikasuhin iyon ngayon kaya maghahantay nalang sila ng sagot kinabukasan.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon