Matapos ang gabing iyon ay halos lagi na kaming magkasama ni Austin pero hindi ko parin kaya na tumbasan ang nararamdaman niya para sa akin.
Naiintindihan niya naman daw pero day by day na lumilipas ay napapaisip ako na siguro hindi naman masama kung magpakasal na kami sa kaarawan ko which is next week.
Hanggang ngayon ay wala paring balita tungkol kay Lucas pero good news na sa Friday ay uuwi na si daddy dahil sa Linggo na ang birthday ko.
Hindi ko man inaasahan na kay Austin talaga ako matatadhana sa huli pero wala naman na akong magagawa dahil paonti onti ko nang tinatanggap na wala na si Lucas.
Mahal na mahal ko si Lucas pero hindi ko rin mapigilin na tanggapin ang katotohanan at sabagay ay nagugustuhan ko narin naman si Austin dahil sabi nga nila ay hindi mo pwedeng pagilin ang puso mo.
Thursday.
"Sa wakas at mayayakap ko na kayong tatlo ulit" masayang sabi ni daddy sa kabilang linya at napatawa naman kami sa saya na makakapiling na ulit namin siya.
"Sigurado ka na ba na kay Austin kita ilalakad sa kabilang dulo ng aisle?" tanong ni daddy na may halong pagbibiro at tinignan ko naman si ate sabay si mama.
"Mahal na mahal na mahal na mahal ko si Lucas, daddy" sagot ko sa kanya at nanlaki ang mata ni mama at napabuntong hiningi ako, "pero kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan na kay Austin ako babagsak" dagdag ko sa sagot ko sa kanya.
"Tsaka hindi naman na mahalaga sa akin kung sinong makakatuluyan ko. Ang mahalaga lang naman ay ikaw po ang kasama kong maglalakad papunta sa altar at ikaw po ang magaabot ng kamay ko sa mapapangasawa ko" sabi ko sa kanya at ngumiti siya.
"Happy birthday, anak" bigla niyang sagot at natawa naman ako, "thursday palang po. Sunday pa po ang birthday ko" pagtama ko naman sa kanya at natawa siya.
Nagkwentuhan naman kami nila mama at ate habang katawagan si daddy.
Nagpaalam na ako sa kanila dahil kailangan ko nang gumawa ng assignment.
Pagpasok ko ng kwarto ay napansin ko na nakailaw ang cellphone ko at may nakalabas na text message sa notifications.
"Musta na ang makikita ko sa simbahan sa Linggo?" nakalagay sa text ni Austin sa akin at natawa naman ako.
"Tataguan kita" pabiro ko naman pabalik sa kanya at natawa siya. Ginawa ko na ang assignment ko pero pansin ko sa notebook ko ay may nakaipit na papel kaya kinuha ko ito at binuksan.
Nang makita ko ito ay napangiti ako para mapigilan ang luha ko. Ito ung ginuhit kong larawan namin ni Lucas na inaantay ko siya sa park noong dapat na magtatanan kami.
"I love you" bigla kong bulong sa hangin habang nakahawak ng mahigpit sa papel at nakangiti.
May isang luha na dahan dahang tumulo na kala ko iiyak nanaman ako pero hindi natuloy dahil may kumatok sa pintuan na sabay rin ng pagbukas nito.
Pumasok si mama sa kwarto at binigay sa akin ang cellphone, "see you tomorrow, anak" pagpapaalam sa akin ni daddy at ngumiti na lamang ako.
Pinatay ko na ang tawag at binigay na kay mama ang cellphone sabay pinagpatuloy na ang paggawa ng assignment.
Kinabukasan.
Maaga akong ginising ni mama dahil ngayong araw na namin susunduin si daddy sa airport.
Nang matapos na kaming makaligong tatlo ay agad kaming sumakay sa sasakyan at pinatakbo na ito ni mama papuntang airport.
Mabilis kaming nakarating ng airport at kalahating oras kaming maaga sa pagdating ni daddy kaya naman ay kumain muna kami pero kahit ang pag-kain namin ay napabilis dahil gusto na naming makitang ulit si daddy.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa airport at umupo sa waiting area. Hindi ko matanggal ang ngiti sa mukha ko dahil gusto ko nang mayakap si daddy.
Halos magda-dalawang oras na kaming nakaupo sa waiting area ng airport at hindi parin namin nakikita si daddy. Sinubukan namin siyang tawagan pero hindi siya sumasagot at mas lalong lumakas na ang buhos ng ulan.
Dalawang oras na ang nakalipas at napapansin namin ay may mga taong pumupunta sa front desk at padami sila ng padami na nagsisipuntahan sa front desk at dahil ilang oras na kami dito ay pumunta na rin kami doon para tanungin kung nasaan na ang sinasakyan nila daddy.
"Miss, ung plane ng asawa ko ay dapat nakarating na two hours ago? May delay ba?" tanong ni mama sa babaeng nandoon sa front desk at halatang tambak rin siya ng mga tanong galing sa iba't-ibang tao.
"Bigla nalang po nawala ang contact or connection namin sa isang plane at baka po nandoon ang asawa niyo" pagpapaliwanag ng babae sa amin, "anong nangyari?" nagaalalang tanong ni mama sa babae.
"Hindi pa po namin alam pero ginagawa po namin ang lahat para malaman ang sitwasyon ng lahat ng nasa eroplano" pagpapaliwanag naman ng babae.
Nag-antay pa kami ng isang oras pero walang dumating kaya naman ay umuwi nalang kami nila mama at doon inantay si daddy pero sa kasamaang palad ay inabutan na kami ng gabi ay hindi parin siya dumarating.
Sabado.
Medyo late akong nagising at nadatnan ko si mama at ate na naka-upo sa salas at umiinom ng kape habang nanunuod ng balita. Naupo ako sa isang separate na upuan at nagtimpla rin ng kape.
"Ngayon naman ay pumunta ang aming team kung saan nagkaroon ng aksidente ang isang nasabing eroplano" bigkas ng lalaking reporter at literal na kaming tatlo ay napatigil sa ginagawa namin at napukaw ang attention sa tv.
"Iniimbistigahan pa ang mga pagkakakilanlan ng mga nasawi sa aksidente at may dalawa pa lamang ang natuklasang pasahero ma buhay pero matinding sugat ang natamo nila sa aksidente" tuloy-tuloy niyang sabi at naramdaman ko ang totoong kaba ko dahil nung pinakita ang dalawang nakaligtas ay hindi pinakita si daddy.
Biglaan nalang tumulo ang luha ko at tinignan ko sina mama na umiiyak na, "buhay si daddy, magpakatatag tayo" sabi ko sa kanila pero patuloy lang silang umiyak.
Buong araw ay nagkulong lang ako sa kwarto ko at hindi ko na pinansin ang mga message nila na nagtatanong kung nasaan ako dahil kahapon ay absent ako at hanggang ngayon ay wala akong paramdam.
Kinagabihan ay kumatok na si ate sa pintuan ng kwarto ko at tinatawag niya na ako para kumain. Lumabas na ako at dumiretso na sa dining table at sinabayan silang kumain.
Walang nagtatangkang umimik kaya habang kumakain kami ay tahimik lang kaming tatlo.
Pagkakain ay narinig na namin sa tv na ang topic nanaman nila ay ang aksidente sa eroplano kaya dali-dali kaming pumunta sa salas para makinig sa balita.
"Ang mga bangkay ay natuklasan na ang mga pagkakalinlan nila at ito na ang mga taong nasangkot sa aksidente" pagsisimula ng reporter sa balita.
"Erik Santos, Jessica Dela Cruz, Martin Diaz, James Smith, Patrick Martinez" pasimula niyang pagbanggit sa listahang hawak niya.
"Justin Delos Santos, Aaron Bartolome" pagpapatuloy niya pero laking gulat namin sa binanggit niya.
Aaron Bartolome, si daddy.
Nagsimula na akong umiyak bago pa man masimulan nila mama, "hindi totoo yan!" sigaw ko sa kanila, "mama sabihin mo ibang tao yan! Hindi pwedeng si daddy yan!" pagsigaw ko at niyakap ako ni mama habang humahagulgol, "anak, kasama jan ang business partner ng daddy mo" sagot niya sa akin at napasigaw ako habang umiiyak.
"Hindi pwedeng mawala si daddy!" sigaw ko habang mas lumalakas ang iyakan namin.
Hindi niya na ako sinagot at patuloy kaming umiiyak habang nakaupo sa sofa.
Sa kakaiyak ay hindi ko namalayang nakatulog na ako dahil pagkagising ko ay hating-gabi na pala at yakap-yakap parin kami ni mama.
Umalis na ako sa pagkakayakap niya at umakyat na ako papunta sa kwarto ko para doon matulog.
Tinignan ko ang cellphone ko para makita ko ang mga message nila, "happy birthday, Mrs. Blake" ang unang bumungad sa akin at natauhan lang ako na linggo na pala ngayon.
Natandaan ko ang sinabi ko kay daddy na gusto kong ipapasa niya ang kamay ko na pareho dapat kaming nakangiti pero natauhan ako dahil wala na akong ngingitian pabalik paghawak na ni Austin ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...