Kinabukasan.
Ngayon naman, ako ung niyaya ni Layla na mag-gala. Masasabi ko talagang wala na kaming pahinga.
Nilibre niya ako sa Starbucks at nagkwentuhan kami, "so kaya hindi ko sinama si Julia dahil may gagawin tayo" nakangiting bungad niya sa akin.
Tinanong ko siya kung ano bang meron ngayon, "hala nagkajowa ka lang, hindi mo na agad alam na two days lang pagitan ng birthday ni Mark at Julia" sabi niya sa akin at isa mayroon nanaman akong bagong natuklasan.
"Hindi naman siguro kayo lalagpas ng dalawang araw sa Manila?" tanong niya sa akin na medyo nagaalala, "susunduin lang naman si daddy at magkakaroon ng family bonding ang napagusapan" sagot ko sa kanya at ngumiti siya.
"Good yan. Ganito kasi yan, kagabi sa field bago ka namin hatakin ni Julia kay Lucas ay napaamin ko si Julia na mahigit isang taon niya nang nagugustuhan si Alonzo kaso ang dahilan ng hindi niya pagsagot ng oo kay Alonzo ay ayaw niya munang magkajowa, pero this time ay ready na daw siya" kwento ni Layla sa akin na halatang tuwang tuwa, "years of panliligaw ni Alonzo finally paid off" dagdag pa nito at napangiti naman ako.
Tama naman siya, buti naman at ganyan ang takbo ng relasyon nila. Sana ganoon din sa amin.
Pinagplanuhan namin kung paano namin isusurprise si Alonzo dahil sabi ni Julia ay gusto niya ring makabawi kay Alonzo kaya naman hindi namin ipapaalam na sasagutin na ni Julia si Alonzo sa birthday niya.
Sinamahan ko naring bumili si Layla para sa party ni Mark. Bumili rin siyang formal na dress at pati ako binilan niya na rin kahit na hindi ako pupunta.
Ang dami naming napabili kaya pareho kaming may hawak sa dalawang kamay. Habang papunta kami sa bilihan ng sapatos ay nakita namin si Lucas pero kasama niya ang dad at niya.
Nagkatinginan sila ni Layla pero umiwas ako ng tingin dahil ayokong gumawa ng gulo at kung ano pang isipin ng tatay niya pag nakita kaming magkatinginan, "si Lucas oh!" natutuwang sabi sa akin ni Layla samantalang nakatingin lang ako sa kabilang direksyon at buti naman ay naintindihan niya kung bakit hindi ako tumingin kay Lucas.
Pumasok na kami sa shop para bumili ng pangregalo ko kay Mark at ipapabigay ko nalang kay Layla. Tama lang pala ang timing niyang magyaya ng gala kundi on the spot ako bibili mamaya bago magsara ang mall mamaya. Hindi ko rin alam ang style at size ni Mark kaya okay lang na sinama ako ni Layla ngayon kahit na wala na akong pahinga.
Nabili na namin ung sapatos para kay Mark at si Layla na ang nagdala dahil hindi ko na kayang kunin sa sobrang dami kong dala.
Pagkalabas namin ng bilihan ay may biglang kumuha ng mga hawak ko sa kamay ko na kinagulat ko.
Laking gulat ko na si Lucas pala iyon at nagtaka rin kung bakit hindi niya kasama tatay niya, "anong ginagawa mo?" nagaalalang tanong ko dahil baka makita kami ng dad niya.
"Hindi naman pwede na ikaw magbuhat lahat ng ito. Mabigat masyado." nakangiti niyang sabi sa akin, "ihahatid ko na kayo hanggat distracted si dad sa ginagawa niya" sabi niya sa akin at tinulungan ko si Layla sa mga bitbitin niya, "biglaan akong naging third wheel ah" pabirong sabi ni Layla sa amin na kinatawa namin.
Sumakay kami sa isang kotse at medyo kinabahan ako, "diba sasakyan niyo ito? Sino ung driver? Pano kung mapahamak ka dahil dito?" sunod sunod na tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya.
"Wag ka magalala, siya lang naman ang all in one guy ko" nakangiting sagot ni Lucas sa amin, "ginawa mo naman akong assistant mo. Austin Eugenio, at your service and ang taong hindi kayo isusumbong" pagpapakilala ng lalaki sa sarili niya at natawa naman si Lucas, "literal na kambal ko siya pero magpinsan kami. By that, magkaparehong araw kami pinanganak" pagdagdag impormasyon ni Lucas sa amin.
Nagsimula nang magdrive si Austin at feel ko may kakaiba sa kanya kaya nanahimik lang ako buong byahe.
Nauna nilang hinatid si Layla at gusto ko nang sumama sa kanya dahil hindi ako mapakali dito, pero kahit gusto ko ay inihatid parin ako nila Lucas sa bahay namin at kahit ilang bags lang naman dala ko ay hinatid niya parin ako hanggang sa may labas ng gate.
Hindi ako umiimik dahil hindi ko makapagtiwalaan si Austin kaya casual lang ang mga galaw ko.
"Bakit ayaw mong umimik, kahit hawakan lang kamay mo ay nilalayo mo agad sa akin. May problema ka ba?" nagaalalang tanong ni Lucas sa akin at tinitignan akong mabuti.
"Wala, medyo napagod lang ako sa ginawa namin ni Layla" pagdadahilan ko sa kanya pero inulit niya lang ung sinabi niya kaya binulong ko sa kanya ung totoo.
Medyo mahirap bumulong sa kanya dahil ang tangkad niya masyado kesa sa akin, "hindi kasi ako mabilis magtiwala kung hindi ako komportable sa tao. Wag ka sana magalit sa akin" mahina kong sabi sa kanya at ngumiti lang siya habang nakatitig sa akin na nakatingkayad.
"Bakit naman ako magagalit sa dahilan ng kasiyahan ko?" tanong niya sa akin at natawa ako sa kanya.
Smooth pero corny.
Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap niya naman ako pabalik, "mag-ingat ka bukas ah" mahina niyang sabi at ngumiti nalang ako, "ikaw rin at mag-enjoy ka bukas" pabalik na sabi ko sa kanya.
Alam kong nasasaksihan lahat ni Austin ang mga nangyayari pero wala na akong pake kung ano pa gawin niya, basta ako ay nilulubos ko na ang lahat ng nangyayari sa akin.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...