Ikadalawampu't-apat

26 0 0
                                    

Kinabukasan.

Pumasok akong medyo late na dahil pagpasok ko sa classroom ay nagsisimula na ang klase namin.

"Ms. Bartolome, late ka na" bungad sa akin ng teacher na nasa harapan, "sorry po dahil medyo nalate po gising ko" pagpapahingi kong pasensya sa kanya at pinaupo niya ako.

Nakaupo ako sa tabi ni Austin dahil inilipat na siya ni ma'am sa tabi ko kasi nagdrop out na ang katabi kong si Riku.

Pagkaupo ko ay nginitian ako ni Austin pero iniwasan ko siya ng tingin, "good morning" bati niya sa akin at tumango na lamang ako habang nakatingin sa harap.

"Hindi maganda gising mo ngayon, ah?" tanong niya sa akin at hindi nagsalita, "okay ka lang ba?" dagdag na tanong nito sa akin pero wala paring salitang lumabas sa bibig ko.

"Bakit hindi mo subukang bigyan ako ng pagkakataon at hindi ung nagmumukmok ka jan sa taong hindi alam ng lahat kung nasaan. Wag mong pahirapan ang sarili mo" seryoso niyang sabi at nanahimik pagtapos.

Hindi umimik si Austin buong klase at hindi ko namalayan na tanghalian na pala, "ano Yunna, tara na?" tanong sa akin nila Layla at tumango na lamang ako.

Kasama kong kumain sina Layla, Julia, Alonzo, Mark, Rei, at Angelo.

Sa ngayong pagkakataon ay natawa ako dahil ako ang third wheel nilang lahat, "third wheel na talaga ako ngayon. Kamusta naman ang tambalang Rei at Angelo namin?" pagbibiro ko sa kanila habang tinitignan si Layla na nasa tabi ko na halatang hindi mapigilan ang kilig.

Nagulat kami dahil labas ngipin ang ngiti ni Angelo at ayon ang unang pagkakataon na makita namin siyang ngumiti ng ganoon.

Habang nakangiti ay tinaas ni Angelo ang kamay nila ni Rei na magkahawak, "natupad na ang pinakahihintay niyo" nakangiting sabi ni Angelo at inakbayan si Rei.

Kahit si Mark at Alonzo ay natuwa sa kanilang dalawa, "masasabi mo talagang sineryoso niyo ang 'pare mahal kita' na kasabihan" pagbibiro ni Julia sa kanila at natawa naman kaming lahat.

Habang tumatawa ay nakita ko sa labas ng Mcdo ay ang tatay ni Lucas na pasakay ng sasakyan.

Nagpaalam ako sa kanila na lalabas lang saglit at nilabas ko nga siya nang makita ko na ang daddy niya talaga iyon.

"Hi po" bati ko sa kanya na kinagulat naman nito pero sinamaan ako ng tingin at sumakay na siya sa kotse niya.

Kinatok ko ang bintana niya at binuksan niya naman ito, "alam ko naman po na may galit kayo sa pamilya ko pero parang awa niyo na po, nasaan si Lucas?" nagmamakaawa kong sabi sa kanya habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan niya.

"Ms. Bartolome, mas mabuti nang hindi mo na malaman para matahimik na pareho ang buhay niyo" sagot niya sa akin habang pinapaandar ang sasakyan.

"Nagmamakaawa po ako sa inyo" nanginginig kong sabi pero hindi niya ako pinansin at pinatakbo na palayo ang sasakyan.

Hindi ko alam pero hinabol ko siya at sinisigaw ang pangalan ni Lucas pero huminto na ako noong sobrang bilis na ang takbo niya.

Ano bang nagawa kong mali?

Nanatili lang akong nakatayo doon at pinanuod ang paglaho sa paningin ko ang kotse niya dahil palayo na siya nang palayo sa akin.

"Lucas" bulong ko sa hangin at maya maya pa ay may humintong pamilyar na sasakyan sa gilid ko.

"Sakay" pagutos nito sa akin at sinamaan ko siya ng tingin, "inuutusan mo ba ako?" naiirita kong tanong sa kanya at ngumisi siya.

"Tinatanggihan mo ba ako?" pabalik tanong niya sa akin at tinalikuran ko lang siya habang nakatayo parin sa pwesto ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan sa gilid ko at nagkatinginan kami.

Binuhat niya ako at pilit sinakay sa loob ng sasakyan habang nagpupumiglas ako, "Austin ano ba?" naiirita kong sigaw sa kanya habang hinahampas siya pero hindi niya ako sinagot at nasakay niya na ako sa loob sabay isinara ang pinto.

Sumakay na rin siya at sinimulan na ang sasakyan, "tigilan mo na ang pagiging tanga" bungad niya sa akin at kumulo ang dugo ko sa kanya.

"Nakakatanga ba na pinaglalaban ko lang ang taong ginawa ang lahat para sa akin?" galit kong sambit sa kanya at tinignan niya ako.

"Ang nakakatanga ay ang pilit mong ginagawang tanga ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo" sagot nito sa akin.

"May choice pa ba ako? Mas okay pang magmukhang tanga kesa sa hindi ko alam kung anong kondisyon ni Lucas ngayon at kung mahal niya pa ba ako" mahina kong sagot sa kanya.

"Mahal ka ni Lucas. May tiwala ka naman sa kanya, diba?" tanong niya sa akin at pilit ko na ngitian siya, "oo naman" simpleng sagot ko sa kanya at ngumiti na lamang siya.

Nagpark na siya sa parking lot ng school at hindi agad kami bumaba, "para sayo ito. Isipin mo nalang lagi na kada bibigyan kita ay pinapabigay ito ni Lucas" sabi niya at binigay sa akin ang isang pirasong red rose.

"Sana naman sa ngayong pagkakataon ay wag mo na ibigay kay Diane dahil galing kay Lucas yan" pagbibiro niyang sabi at natawa ako.

"Salamat, Lucas" bigla kong sabi at natauhan ako dahil sa pagkakamali ko, "Austin pala" pagbabago ko ng sinabi at napangiti na lamang siya.

"Ako parin ito pero medyo magkamukha nga talaga kami ni Lucas" muling pagbibiro niya sa akin at lumabas na kami sa sasakyan niya para umakyat sa classroom.

Pagakyat ay bumungad sa akin si Diane at kinuha ang bulaklak sa kamay ko, "thank you ulit, Austy!" tumitili niyang sabi at binawi ni Austin ang bulaklak habang nakangiti.

"Actually, para kay Yunna talaga ito at ako ang nagbigay para lamang sa kanya" nakangiti niyang sabi at siniko ko siya sa tagiliran.

Sinamaan ako ng tingin ni Diane, "ang galing mo talaga magbiro, Austin. Nahihiya pa kasi siya sayo pero ang totoo ay para sa iyo talaga yan, Diane" nakangiti kong sabi sa kanya at ngumiti siya sa amin at nagpasalamat sabay pumasok sa classroom.

"What the hell? Para sayo yon!" naiiritang sabi ni Austin, "wala akong interest kay Diane" dagdag pa nito na halatang naiirita.

"Ang cute mo naman pala pag nagagalit" pangaasar ko sa kanya at pumasok na sa loob ng classroom para umupo sa upuan ko.

Tumabi sa akin si Austin na nakangisi, "sabi ko na nga ba na hindi mo ako matitiis" bulong niya sa akin at natawa naman ako.

"Asa ka" pagbulong kong pabalik sa kanya at may pangaasar na mukha kaya naman sa pagkakataon ngayon ay siya ang natawa.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon