Nagising akong nakahiga sa kama ko ng may sobrang sakit na ulo at medyo nahihilo pa ako.
Nagulat ako dahil ang huling natatandaan ko ay nasa school lang ako kanina.
Tumayo ako sa kama ko at hinawi ang kurtina nang malaman ko lang na gabi na pala sabay tinignan ang cellphone ko na nakasulat na 7pm na pala ang oras.
Nagugutom na ako at natandaan ko na nilagay ko sa ref kanina ang pagkaing binigay ni ate.
Medyo mainit pa ako pero hindi naman na ako nahihilo at siguro naman ay pwede na akong kumilos magisa.
Nilalamig parin ako at binalot ko ang sarili ko sa kumot sabay lumabas ako sa kusina para kuhanin sa ref ang pagkain.
Pabukas palang sana ako ng ref pero laking gulat ko nang nakita kong nakaupo sina Layla, Julia, Alonzo, Mark, Angelo, Rei, at Mika sa salas namin habang nakatitig sa akin.
Nakita kong biglang tumayo si Mika at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako. Paulit ulit siyang humihingi ng tawad dahil nadamay ako sa galit niya at hindi niya rin daw alam na may sakit ako.
Sinabi ko naman na wala naman akong tinatanim na galit sa kanya at nanghingi rin ako ng pasensya dahil sa mga nasabi ko.
Umupo na kami sa sofa at nagusap usap na tungkol sa tatlo na sina Angelo, Rei at Mika.
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Rei?" pagsisimulang tanong ni Julia kay Rei.
Umiiling lang siya, "hindi ko alam dahil hindi ko kayang bitiwan ang isa sa kanila" mahinang sagot ni Rei sa tanong.
Matagal na katahimikan ang nabuo sa kinauupuan naming lahat, "sang-ayon ba kayo sa open relationship?" ngayon naman ay ako ang nagtanong.
Tinignan ako ni Angelo, "ikaw ba papayag ka kung may ibang gusto ang taong mahal mo?" pabalik sa tanong ni Angelo sa akin.
"Itigil na siguro natin ito" pagtatapos ni Mark ng usapan upang maiba ang topic pero pinigilan ko siya.
"Hindi" nanginginig na sabi ko at nakita kong nakatitig sa akin sila Alonzo at Julia na sobrang nagtataka sa mga reaksyon ko.
"Exactly" simpleng sagot sa akin ni Angelo, "pero kung mahal niya naman si Mika ay matuto tayong magparaya dahil mas magiging maganda ang kinabukasan nilang dalawa kung sakaling magkatuluyan sila dahil may mabubuo silang sarili nilang pamilya. Alam ko naman na gusto mo ng pamilya na matatawag mong sayo talaga." lakas loob na sinabi ni Angelo habang nakaharap kay Rei pero noong tinitigan ko siyang mabuti ay nakikita ko ang sakit sa pagpaparaya niya.
Tumayo na si Angelo para umalis pero hinawakan ni Rei ang braso niya sabay niyakap siya.
Habang nakayakap si Rei ay nakikita kong nakatulala lang si Angelo sa hangin na kala mo ay walang buhay ang kanyang mga mata.
Halata namang ayaw niyang matapos ang mga sandaling magkadikit sila pero pilit niyang pumiglas sa yakap at tuloy tuloy nang lumabas.
Yumuko lang si Rei habang nakalapag ang mga kamay niya sa binti niya pero bigla nalang hinawakan ni Mika ang kanan niyang kamay at ngumiti, "Rei, sinasagot na kita" bigla niyang bigkas at tumingin naman sa kanya si Rei.
Hinalikan ni Mika si Rei sa labi ng mabilisan sabay niyakap ito at pagkatapos niyang yakapin ay nginitian niya ito, "maghiwalay na tayo" pilit niyang sinabi.
"Habulin mo na si Angelo dahil alam kong hindi mo kayang mawala siya sa buhay mo" nakangiti parin si Mika habang sinasabi niya kay Rei iyon.
Hinila niya pa nga patayo at pinalabas ng bahay. Hindi maintindihan ni Rei ang lahat ng nangyayari kaya naman ay sinigawan siya ni Mika para matauhan, "galaw na!" pumapalakpak na sabi nito.
Tumakbo na si Rei palayo at pumasok muli si Mika para magpaalam na sa amin at lumabas na siya ulit ng bahay para umuwi.
"Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari?" pagbibiro ni Layla habang nakahawak sa ulo niya habang umiiling.
Natawa naman kami sa kanya at naalala ko na si Lucas pala ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.
"Oo nga pala, anong oras umalis si Lucas?" biglang sambit ko ng tanong sa kanila at sakto ay lumabas si ate at dumiretso sa kusina.
Nagkatinginan lang kami ni ate at nginitian ang isa't-isa.
"Lucas?" sabay sabay nilang tanong, "wala paring balita kay Lucas ngayon at wala parin siyang paramdam" dagdag na sagot ni Mark sa akin.
"Hindi ba siya ang lalaking sumalo sa akin kanina noong muntikan na akong bumagsak?" pagtataka ko at nagtaka rin sila.
"Yunna, si Austin iyon" sabay sabay nanaman nilang sagot sa akin, "magkamukha ba sila? Mas gwapo kaya si Lucas kesa kay Austin!" pagbibiro ni Layla at natawa sila.
Si Austin pala.
Ayaw ba sa akin ni Lucas?
Bakit parang may kasalanan akong malaki para mangyari sa akin ang lahat ng ito.
Nasaan na ba si Lucas?
Ang daming kaisipan na kumukulit sa isipan ko at hindi ko namalayan na nakatulala na lamang ako sa hangin.
"Yunna!" sigaw nila ng sabay sabay at tuluyan na akong natauhan sa pagkatulala, "bakit?" mahinang tanong ko.
"Kanina ka pa namin tinatawag, may problema ka ba?" nagaalalang tanong ni Julia sa akin at umiling ako, "wala naman, may iniisip lang" pagpapaliwanag ko sa kanila.
Nagkwento sila Layla at Mark para maiba ang usapan dahil siguro naintindihan nila ang reaksyon ko.
Mamaya maya pa ay kailangan na daw nilang umuwi dahil hinahanap na sila ng mga magulang nila at hinatid ko naman sila palabas sabay nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin si ate na nakangiti sa akin. Nakipagtitigan akong saglit sa kanya at bumigay na sa pagluha.
Hinihimas niya ang buhok ko at niyakap ako, "narinig ko ang usapan niyo tungkol kay Lucas" mahina niyang sabi.
"Sige, ilabas mo lang lahat ng iyan at makikinig ako sayo. Nandito lang ako para sa iyo" dagdag niyang sabi sa akin.
"Hindi siya nagpaparamdam at ang sakit" iyon lang ang tanging sinabi ko sa kanya dahil ayon lang ang mga salitang kayang ilabas ng bibig ko at humagulgol sa dibdib niya.
Naintindihan niya naman ako at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
Nasaan ka na ba ngayon Lucas at bakit walang balita tungkol sa iyo?
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...