Linggo.
Maaga akong ginising ni mama at nakangiti siya sa akin na kala mo ay walang nangyari at ang masakit pa ay na-realize ko na ngayon na ang kasal namin ni Austin at wala na si daddy.
"Happy birthday, anak!" bati ni mama sa akin at dali-dali niya na akong pinatayo sabay pinaligo niya na ako, "nakapagayos na kami ng ate mo kanina pa para hindi na kami aayusan mamaya at dahil ikaw ang importanteng aayusan ngayon" tuloy-tuloy niyang sabi sa akin at dumiretso na ako sa cr para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay dali-dali akong nagbihis at pagkabihis ay hinatak na ako ni mama papasok ng sasakyan at pinaandar niya na ito, "parang noong nakaraan lang ay hinihila mo lang ung damit ko pero ngayon ikakasal ka na" masiglang sabi ni mama habang nagmamaneho.
Hindi ako nagsasalita dahil akala mo talaga ay walang nangyari kahapon, "time flies by so fast nga, anak" muling sabi ni mama ng masaya.
"Ngayon ay matatawag na kitang Yunna Blake" dagdag pa niya at hindi ko na kinaya, "kakamatay lang ni daddy pero parang mas importante pa sayo na ikasal ako kesa kay daddy" sagot ko sa kanya at nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi.
"Ano bang magagawa ng pagiyak ko, Yunna? Pag ba nagluksa ako ng todo ay babalik ang daddy mo?" tanong niya sa akin at hindi ako makasagot dahil totoo naman ang sinabi niya.
"Kaya nga pinupukaw ko nalang ang attention ko sa ibang bagay para naman kahit papano ay ma-distract ako sa sakit ng pagkamatay ni Aaron" nanginig ang boses niya habang sinabi iyon at hindi na ako umimik.
Nakarating na kami sa hotel nila Austin dahil doon kami aayusan. Dinala nila ako sa isang kwarto kung saan ako aayusan at kalagitnaan ay dumating sila Layla at uminggay na ang paligid.
"Ikakasal na siya!" malakas nilang sabi at pumapalakpak pa, "sigurado ka na ba na tatanggapin mo nang matawag ng Yunna Blake matapos itong araw na ito?" tanong sa akin ni Mark at nginitian ko nalang siya.
Umupo sila sa likod ko at pinapanuod kung paano ako ayusan. Matapos ang ilang oraa ay natapos na sila at pinasuot na sa akin ang biniling wedding dress ni mama at ng nanay ni Austin.
Hindi nila ako sinama noong bumili sila at ngayon ko palang ito makikita kaya nung sinuot ko ay nagulat ako dahil sobrang haba ng dulo ng dress.
Lumabas na ulit ako kung saan nakaupo ung mga kaibigan ko at lahat naman sila ay nakangiti sa akin. Tumayo si Layla sa upuan niya at naglakad papunta sa akin para yakapin ako, "hindi ko inaasahan na kay Austin ka mapupunta" bulong niya sa akin at napangiti ako.
"Ako rin" sagot ko sa kanya na pabulong rin. Maya maya pa ay pumasok na si mama sa kwarto at lumabas saglit sila Layla para maiwanan kami ni mama para magusap.
Kahit na ikakasal na ako ngayon ay isinisigaw parin ng puso't isipan ko ay si Lucas at halos maluha na ako sa realidad na hindi si Lucas ang nasa dulo ng altar ngayon at hindi ako ihahatid ni daddy hanggang sa huli.
"Ikakasal ka na" nakangiting sabi ni mama sa akin at ngumiti na lamang ako sa kanya, "magpakabait ka anak, ah? Kahit na hindi agad ay matuto kang mahalin si Austin dahil mahal na mahal ka niya" sabi sa akin ni mama.
"Wala man si daddy mo sa tabi mo ngayon pero alam naman natin na nakangiti siya sayo ngayon" halos maiyak na sabi ni mama.
"Ma, gusto ko si daddy maghahatid sa akin" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya, "alam mo naman na imposible yang hiling mo, anak" naluluha niyang sabi sa akin at hindi na ako sumagot.
Hindi ko na hinarap si mama kaya naman ay lumabas na siya pero pagkalabas niya ay may pumasok at niyakap ako nito sa likod.
"Happy birthday!" masiglang bati sa akin ni Austin at hinarap ko naman siya at ngumiti, "thank you" sagot ko sa kanya at ngumiti na rin ito.
Isang ngiti mo lang at isang yakap mo lang ay bumabalik na naman lahat lahat ng nararamdaman ko sayo. Pero kay Lucas ko talaga nararamdaman ang saya at tunay na pagmamahal.
Nagusap kami ni Austin at kalahating oras nalang ay kasal na namin kaya naman ay hinalikan niya ang kamay ko at nagpaalam na siya, "see you later, Yunna Blake" pagpapaalam niya sa akin hanggang sa tuluyan nang lumabas ng pinto.
"Yunna Eugenio is much better pero ano pa bang magagawa ko?" bulong ko sa hangin habang nakatingin sa bintana.
Bakit all this time ay si Lucas parin ang sumasakop sa isipan ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na kung naaalala ko siya.
Tinawag na ako ng isang babae para sabihin na magsisimula na ang kasal kaya naman ay tumayo na ako at pumunta na sa parking lot para sumakay na sa sasakyan.
Nagmaneho na si mama papunta sa simbahan di kalayuan sa hotel nila Austin, "mauuna na kami ng ate mo sa loob at pag nagbukas na ang pintuan ay maglalakad ka na papunta kay Austin" pagpapaliwanag ni mama sa akin at yumuko na lamang ako.
Hinawakan niya ang mga pisnge ko para umangat ang tingin ko at maiharap ito sa kanya, "mag-isa ka mang maglalakad papunta kay Austin pero alam naman natin na kasama mo parin si daddy mo at nakangiti iyon ngayon para sayo" nakangiting sabi sa akin ni mama at tumango ako sa kanya.
Pumasok na sila ni ate sa loob at maya maya pa ay dahan dahan nang bumukas ang mga pintuan ng simbaham at naririnig ko nang kumanta sina Mark at Alonzo at nagsisimula na ang kasal.
Naglakad ako paonti onti papasok habang hawak ng mahigpit ang bulaklak na binigay nila sa akin. Nakatingin ako kay Austin na nakangiti at sa ngiti niya ay naaalala ko nanaman si Lucas kaya napatigil ako sa gitna ng aisle at nakatitig lang kay Austin.
Nagtaka ang lahat pati si Austin, "mahal kita pero I'm sorry" sabi ko sa kanya at nabitawan ko ang hawak ko.
Bigla akong tumakbo palabas ng simbahan at narinig kong nagulat ang lahat na naiwan sa loob ng simbahan.
Hirap akong tumakbo dahil hawak hawak ko ang dress ko kasi nga napakahaba nito.
Nang medyo nakalayo-layo na ako ay naramdaman kong may humawak sa akin at pagkakita ko ay si Austin iyon, "Yunna, why?" tanong nito habang hinihingal mula sa pagtakbo.
"Ayaw mo ba sa akin?" tanong niyang muli at hinila ko siya para mahalikan na kinagulat niya. Noong binitawan ko siya ay naiiyak ako, "hey, wag ka umiyak" pagpapakalma ni Austin sa akin pero kabaliktaran naman ginawa ko.
"Austin, wala" mahina kong sabi at nagtaka naman siya, "wala akong naramdaman nung hinalikan kita" umiiyak kong sabi at napansin ko na tahimik rin siyang lumuluha.
Nagkatinginan kami nang hawakan niya ang pisnge ko at bigla niya rin akong hinalikan, "bakit sa akin naman ay napakadami kong nararamdaman nang halikan kita?" tanong niya.
"Bakit ang unfair ng mundo at hindi tayo pareho ng nararamdaman. Yunna, mahal kita" lumuluha niya nang sabi sa akin.
"Austin, gusto kitang mahalin pero hindi ako pinapayagan ng sarili ko" mahina kong sagot sa kanya.
"Sana lahat nalang ng ito ay panaginip at pagkagising ay masaya na ang lahat" sambit niya naman at niyakap ko siya ng mahigpit, "Austin, gusto ko nang magising
Pagkasabi ko non ay bigla nalang dumilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...