Ikadalawampu't-tatlo

18 0 0
                                    

Hapon.

Para bang isang iglap lang ang hapon at uwian na agad.

Kakatapos palang magayos ni Layla ng gamit niya ay hinatak ko na ang kamay niya at tumakbo pababa.

Tumatawa kami habang halos matisod na kaming bumababa sa hagdanan.

Hila-hila ko siya habang tumatakbo palabas ng school at hanggang sa hilltop kung saan namin unang pinanuod ni Lucas ang paglubog ng araw na magkasama.

Hinihingal kami pareho ni Layla sa pagtakbo at nagtataka siya kung bakit bigla ko nalang ginawa iyon sabay tumakbo ng walang tigil.

"Gusto ko muna kasing bumalik dito" bigla kong sabi sa kanya, "bakit pala kailangan natin tumakbo?" tanong niya sa akin.

Para takbuhan ang lahat ng problema at sakit.

"Pag kasi nahabol tayo ni Austin ay iuuwi niya na agad ako" pabiro kong sabi sa kanya at natawa kami pareho.

Umupo kami sa gitna at humiga padahan dahan, "sana ganto nalang lagi" bigla kong sambit.

"Bakit naman?" tanong ni Layla at napangiti ako, "dahil dito nakumbinsi ako ni Lucas na kahit sandali ay mawawala lahat ng problema sa mundo at lalong lalo na ay dito namin natuklasan na mahal talaga namin ang isa't-isa" lumuluha kong sabi.

Nakakasawang umiyak pero mismong sarili ko na ang hindi ko mapigilan sa pagbigay dahil napakahina ng damdamin ko.

"Ano nga bang nangyari kay Lucas?" tanong muli ni Layla at nagkibit-balikat na lamang ako dahil mismong ako ay walang kaalam alam kung bakit hindi siya dumating at kung bakit hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung anong kalagayan niya o kung nasaan siya ngayon.

"Wag muna siguro si Lucas ang pagusapan natin ngayon" sagot ko sa kanya habang patagong nagpupunas ng mata at buti naman ay sumang-ayon si Layla sa pakiusap ko.

"Naiintindihan ko naman. So, family?" biglang sambit pabalik sa akin ni Layla at tinignan ko nalang siya at sinenyasan na simulan niya na sabay ngumiti naman kami sa isa't-isa.

"Nakakatuwa dahil sobrang komportable na ni Mark pag kasama pamilya ko and ganoon naman din sa kanya ang pamilya ko. Thankfully rin na mutual ang comfort ko around sa family niya" masiglang sabi ni Layla at nakangiti lang ako sa kanya na walang masabing salita.

Bigla siyang natauhan at huminigi ng pasensya, "sorry, complicated pala ang pamilya niyo" biglang sabi nito at nanatili ang ngiti sa mukha ko, "okay lang iyon dahil totoo naman" sagot ko sa kanya.

"Alam mo, kahit anong topic pa siguro ang pagusapan natin ay hindi kakayanin na hindi masama si Lucas sa pinaguusapan at hindi natin maiiwasan iyon kaya wag niyo sanang isipin na nagtatanim akong galit sa inyo" paliwanag ko sa kanya at tumango naman siya.

Ilang oras rin kaming nakaupo doon para magkwentuhan tungkol sa mga kaganapan sa buhay namin ngayon. Maya maya pa ay tumawag na ang nanay ni Layla para pauwiin siya dahil daw ay may family dinner sila ngayon.

Nagpaiwan akong magisa dito sa lugar na ito dahil alam ko naman na pagumalis na ako dito ay mawawala na ang ginhawa at babalik nanaman ako sa realidad na sandamakmak na problemang meron ako.

Lumipat ako sa pinaka edge ng hill na may mababang bangin sa ibabang bahagi nito. Tinitignan ko lang ang bangin sabay pinapanuod ang paglubog ng araw.

"Simula ngayon ay gusto ko nang panindigan ang katotohanan" bulong ko sa hangin na isa sa mga sinabi ni Lucas dati noong unang araw ng taon.

"Gusto kong patunayan na mahal kita" pagbulong kong muli dahil isa rin iyon sa mga sinabi ni Lucas.

Mas gusto kong mangyari na nandito ka ngayon sa tabi ko para mapatunayan ko na kaya ko nang mabuhay na kasama ka hanggang sa ako'y mamatay.

Inabot nanaman ako ng dilim at wala pa akong balak umuwi. Tumutunog na ang cellphone ko dahil kanina pa tumatawag si Austin sa akin.

Narindi na ako at sinagot na ito. Tinapat ko lang sa tenga ko at pinakinggan ang boses niya pero hindi ako nagsasalita para sagutin siya pabalik sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" unang bungad niyang tanong sa akin at hindi ako sumagot, "kumain kana ba? nakauwi kana? bakit tumakbo ka kanina?" tuloy tuloy na sabi niya pero nakipagmatigasan ako at hindi parin umiimik.

"Alam mo kung hindi ka sasagot ay wala tayong mapupuntahan o mapapatunayan" biglang sabi nito at sumagot na ako, "si Lucas rin naman hindi sumasagot pero may napatunayan ako at ang napatunayan ko ay hindi ko na talagang mapigilan na mahalin siya at hindi ko magawang ipagpalit siya" bigla kong sabi sa kanya.

"Pero Austin, baka nga tama ka na kahit may napatunayan ako pero kung hindi naman siya sasagot o magpaparamdam ay walang mapupuntahan ang lahat ng ito" dagdag ko sa kanya pero ngayon ay nanginginig na boses ko.

Dahan dahan nang tumulo ang mga luha ko sa marami nang pagkakataon, "wag kang umiyak at pupuntahan kita" nagaaalalang sabi niya galing sa kabilang linya.

"Nakakasawang umiyak dahil mismong napapatunayan ko sa sarili ko na mahina ako pero kada maiisip ko lahat ng iyon at mapupunta sa realidad na kahit ikaw ay hindi alam kung nasaan o anong nangyayari sa kanya ngayon ay hindi ko kinakaya" tuloy tuloy kong sabi kagaya ng tuloy tuloy na pagbagsak ng luha kong nanggagaling sa mga mata ko.

Tinapos ko na ang tawag namin at tumingin nalang sa kadiliman na bumabalot sa kalangitan. Nanatili akong nakatitig sa langit habang nakaupo sa dulo ng hill.

Nararamdaman ko ang lamig ng hangin ng gabi at ito rin ang nagpapatuyo ng mga luha ko sa mukha.

Maya maya pa ay may narinig akong naglalakad papunta sa akin na nanggagaling sa likod ko. Hindi ako lumingon at niyakap nalang ang sarili ko dahil sobrang lamig ng gabi ngayon sabay pinikit ko ang mga mata ko para damang dama ko ang simoy ng hangin.

May naramdaman akong bumalot sa akin na kasunod nito ay pagyakap ng isang di kilalang tao. Nagulat ako kaya naman ay nilingon ko kung sino iyon.

Hindi ko pa man nalilingon ng maayos pero niyakap ko na siya pabalik dahil akala ko nanaman ay si Lucas iyon, "Lucas" mahina kong bulong sa kanya habang yakap siya.

"Austin" sagot niya kaya bigla akong napakalas sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siyang mabuti at umiiling ako, "bakit ba kasi kamukha mo si Lucas?" nanginginig kong tanong at nawala ang ngiti ko sa mukha.

"Ang sakit na kada makikita kita ay napagkakamalan kita na ikaw si Lucas pero ikaw rin mismo ang nagpapatunay sa akin na wala na siya sa piling ko" mahina kong sabi sa kanya.

Pinapakalma niya ako dahil baka umiyak nanaman daw ako at hindi ko na siya pinansin.

Sumakay na kami sa sasakyan niya at hinatid niya na ako sa bahay namin.

Hindi ko na hinarap ang kahit na sino sa kanila at dumiretso na ako sa kwarto ko para agad nang matulog. Hindi ko na nga pinalitan ang uniform ko dahil gusto ko na talagang matulog at kahit sandali ay wala akong sakit na mararamdaman.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon