Ikaapat

57 1 0
                                    

Kinabukasan.

Sabay ulit kaming pumasok ni Lucas, napatawa niya ako ng maraming beses na halos makalimutan ko na lahat ng pinagdadaanan naming problema.

Kahit hindi niya napawala sa isip ko ung mga problema ay pilit niya akong sinusubukan na pasayahin at maging komportable sa kanya.

Maaga akong pumunta sa classroom namin dahil may inaasikaso kaming project nila Layla, Rei at Alonzo.

Nung lunch time ay sinabi ni Lucas na malalate siyang makakaalis sa room nila kaya naman ay sumabay ako kila Layla na bumaba at inantay ko siya sa labas ng room nila. Nagpaiwan na ako dahil may pupuntahan pa sila Layla at Mark.

Hindi katagalan ay nakita ko na si Lucas na natataranta habang inaayos ung gamit niya, halatang nagmamadali siya at nakakatawa siyang panuorin.

Nasa gilid ako kaya hindi niya ako napansin nung nakalabas na siya, mabilis siyang naglakad papunta sa mga hagdanan, "Lucas!" halos matawa tawa kong sigaw ng pangalan niya na kinagulat niya at ang bilis niyang lumingon sa akin habang napalitan ng ngiti ung kinakabahan niyang mukha, "hala anong ginagawa mo jan?" tanong niya sa akin habang nakangiti pero nagtataka.

"Kanina pa ako dito, kasama ko bumaba sila Layla at Mark" sagot ko sa kanya, "sorry kung natagalan akong umalis, madami kasing ginagawa. Ikaw pa tuloy ung pumunta dito" sabi niya sa akin na may pagaalalang mukha.

"Ang drama mo naman, hindi din ba ako pwedeng magantay?" natatawang sagot ko sa kanya at ngimiti nalang siya.

Sa canteen nalang muna kami ng school kumain dahil madami pa siyang hindi tapos na projects kaya tinulungan ko siya para matapos
ngayong araw.

Natapos na ung lunch break kaya naman ay nilapag niya muna lahat ng project niya sa classroom nila at nagpumilit parin siyang sumama sa akin sa taas.

Yunna, kung sino ka man ay siguro ikaw na pinakaswerteng babae ngayon. Ano na kayang balita sa sarili kong buhay? Pano at bakit nga ba ako napunta dito?

Ay bahala na kung ano mangyari basta sa ngayon ay lulubusin ko na ung mga natitirang sandali ko dito.

Nakarating na kami sa classroom ko at nagpaalam na siya sa akin at sinabing antayin ko siya mamaya dito at binilinan din sila Layla na samahan muna ako kung matagalan man siya.

Feeling jowa.

Medyo matagal natapos ung klase namin dahil madaming binilin si ma'am sa amin tungkol sa upcoming exams.

Paglabas ko nakangisi sa akin si Lucas at nginitian ko lang siya, "ang tagal ko, no?" natatawang bungad ko sa kanya at natawa siya. "Okay lang, ikaw naman inaantay ko" nakangiti niyang sagot, "cringe" simpleng sabi ko habang nacringe talaga ako at natawa ulit siya.

Nagpasalamat siya kila Layla, Julia, Rei, at Alonzo at nginitian lang nila kami hanggang sa makababa na kami.

Nagyaya na akong umuwi agad ng maaga at pumayag naman si Lucas kasi alam ko naman na pareho kaming pagod ngayong araw.

Bago umalis ay niyakap ko si Lucas ng mahigpit na kinagulat niya at niyakap naman niya ako pabalik, "may problema ba?" tanong niya sa akin.

"Wala, alam ko lang na kailangan mo" nakangiti kong sabi, hindi ko man nakikita pero alam kong dahan dahan siyang ngumiti.

"Thank you" bulong niya sa akin, matagal din kaming magkayakap sa harap ng bahay namin pero wala na akong pake kung may makakita sa amin.

"No, salamat sayo kasi kahit anong pagsubok ay pilit mo paring lumaban at ako rin naging courageous sa road ahead" nakangiti kong sabi sa kanya at ngumiti naman siya pabalik sa akin

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at inantay niya akong makapasok ng bahay bago siya tuluyang umalis sa harap ng bahay.

Thankfully, wala sila mama at ate dahil may mother & daughter event sa school nila ate ngayon at medyo gabi na iyon matatapos.

Pinagluto ko na silang pagkain at nagpaalam ako mauuna na akong kumain at pumayag naman si mama.

Mabilis akong natapos at agad kong tinawagan si daddy para makausap. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinabi ko lahat kay daddy at naiyak ako sa harapan ng screen.

Nasabi ko lahat na mula nung nalaman kong anak si Lucas ni Eric Eugenio at kung pano ang naging reaksyon ng dad ni Lucas nung nalaman niyang isa akong Bartolome at ung part na pinili parin ni Lucas na panindigan nararamdaman niya.

Ang buong akala ko ay magagalit si daddy pero pinakingan niya lang ako at puro comforting words ang lumalabas sa bibig niya.

"Bakit hindi ka nagagalit? Isang Eugenio po ung nakabihag ng puso ko, mismong Eugenio na dahilan ng muntikang pagkabagsak ng company mo" sunod sunod kong bigkas sa kanya habang pinupunasan ung mga luha sa mukha ko.

Ngumiti lang sa akin si daddy, "anak, hindi ko pwedeng baguhin ang nararamdaman mo dahil lang kalaban ko ang pamilya niya. Hindi ito Romeo & Juliet na pipilitin kitang magmahal ng iba pero hindi ka masaya. Nasasayo yan at lagi mong tatandaan na susuportahan kita kahit ano man ang mangyari sa kasalukuyan" sagot sa akin ni daddy na sobrang kinagulat ko. Kung ako ang tatanungin, si Yunna na ang pinaka swerteng anak sa mundo.

Napakalapad ng ngiting nabuo sa labi ko at ngumiti narin si daddy. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang nagkwento sa mga nangyari para sumaya naman ang usapan.

Uuwi na siya next week na kinagalak ko dahil nanjan ulit siya malapit sa akin at ramdam ko na ligtas ako kapag nanjan siya.

Parang kung anong nararamdaman kong comfort kay Lucas ay ganoon din  ang nararamdaman ko kay daddy kaso magkaiba lang ng pakiramdam pero pareho nilang pinapaniwala at sinisigurado sa akin na ligtas ako.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon