Kinabukasan.
Nagising ako ng maaga dahil niyaya ako mag almusal ni Lucas doon sa coffee shop na pinuntahan namin noong nakaraan. Buti naman at pumayag si mama na mauna na akong umalis at hindi ako makakasabay ng almusal.
Sa coffee shop na kami nagkita at as usual, kanina pa siya nandun, "good morning!" masiglang bati niya sa akin na kakapasok lang sa loob ng coffee shop at napangiti naman ako dahil di pa ako nakakaupo ay nakangiti na agad siya sa akin, "good morning din" pagbati ko sa kanya sabay ngumiti.
Nag-order na siya habang kachat ko si Layla sa phone at inimbita sila na mag-almusal din sa coffee shop at pumayag naman sila.
Dumating na ung order namin at kumain na kami. Sa kalagitnaan ng pag-kain namin ay dumating na sina Layla, Julia, at Alonzo.
"Oh, nasan si Mark?" tanong ko kay Layla na kakaupo lang sa tabi ko, "may aasikasuhin daw siya sa school kaya hindi kami sabay ngayon" sagot niya sa akin.
Kumain na kami ng tahimik habang nakatitig sa akin si Lucas mula kanina pa.
"Ang aga aga at third wheel pa ako ng double date" pagbibiro ni Layla bago isubo ung kinakain niyang ensaymada na kinatawa naming lahat.
Marami kaming napagusapan hanggang sa matapos kaming kumain, naglalakad na kami papunta sa school since hindi naman ito kalayuan sa coffee shop.
Medyo late kaming dumating sa school dahil matagal din dumating ung order nung tatlo kanina.
Mga 7:10 kami nakarating sa school, ang inaasahan namin ay malinis na ang covered court pero may nakita kaming tatlong lalaki sa dulo ng stage.
Nakita namin sina Rei, Angelo, at Mark. Bumaba si Mark sa stage na may dalang mic habang naiwan ung dalawa sa stage tumutugtog ng gitara.
Sinimulan na kantahin ni Mark ung kanta na you & I, ang ganda ng boses niya. Habang kumakanta ay onti onti siyang lumalapit kay Layla at nagulat kami dahil kinaya niyang bumirit.
Natapos niya ung kanta at sabay bati ng "happy one year with you, Layla" sabi niya habang nakangiti kay Layla
Pinapanuod halos lahat ng teachers at mga estudyante ung nangyayari at naghiyawan lahat nung nagyakapan na ung dalawa habang nakatingin kami sa kanila.
Halos ayaw nang humiwalay sa isa't-isa kaya hinila na nila Alonzo at Julia si Layla habang nagpaalam si Mark sa amin, samantalang si Lucas naman ay sumama parin sa taas kahit na late na din siya.
Hinatid lang kami ni Lucas tsaka siya nagpaalam sa amin nila Layla, Julia, at Alonzo.
Hindi makapag-focus si Layla buong araw kahit ilang beses na siya tawagin ng ilang teachers namin ay malalim parin iniisip niya at nakangiti magisa kaya natatawa kami sa kanya.
Natapos ang buong araw, sa school kami kumain at kasama namin sila Mark at Layla.
Nung uwian na ay tumambay muna kami sa park nila Layla, Mark, Julia, Alonzo, Rei, at Angelo. Napagusapan din namin ung plano ni Lucas na ipapakilala niya na ako sa tatay niya kaya lahat naman ay nagbibigay ng courage sa amin na kinatuwa din namin.
Malapit nang magdilim kaya nagpaalam na kami ni Lucas at dumiretso na sa bahay nila.
Pagdating doon ay pinapasok kami ng assistant ng tatay niya sa office niya after ng ilang minuto.
"Hi po, dad." simpleng bati niya sa tatay niya na may kasamang ngiti habang tumango nalang ang tatay niya dahil busy siyang nakatutok sa computer niya, "gusto ko lang po ipakilala si Yunna, nililigawan ko po" dugtong niya habang nakangiti at inakbayan ako. Napatigil ung tatay niya sa ginagawa niya at tinignan kami sabay nilapitan.
"Welcome to our family, Yunna" walang gana niyang bigkas at tinignan niya ung student I.D. ko at lumayo ng onti sa akin, "oh, isang Bartolome" bigkas nito habang nakatitig kay Lucas.
"Pwede bang lumabas ka muna at kakausapin ko lang si Lucas" sabi niya sakin pero pinigilan ako ni Lucas, "no dad, kung ano pong gusto niyong sabihin ay diretsuhin mo na po kami" sagot niya sa tatay niya at tumango lang ito.
"Okay, sabi mo yan ah. Hindi ako papayag na makipagrelasyon ka sa isang anak ni Aaron Bartolome dahil unang una ay kalaban ko ang mga Bartolome at ikalawa naman ay pwedeng masira ang image mo as isang Eugenio na may karelasyon na Bartolome. So I suggest that the two of you find a better partner that is really suited for the both of you" wala nanaman niyang buhay na sagot at pinaalis na kami sa office niya.
"Siguro tama ang dad mo" bungad ko sa kanya, "hindi! Ang tagal niya nang kinokontrol buhay ko at hindi ako papayag na pati damdamin ko ay kokontrolin niya. Handa ko namang tahakin lahat ng pagsubok para mapasakin ka lang" nakangiting sagot niya sa akin habang ako naman ay naluluha na.
Hindi ako makapaniwala na kahit ganon lahat ng nangyari ay mas pinili niya parin ako at nag-stay positive parin siya kahit binabaliktad na kami ng mundo.
Medyo tahimik ang paghatid niya sa akin pauwi dahil di ako kumikibo, nagpaalam na siya sa akin nang mahatid niya na ako at niyakap niya ako ng mahigpit.
Pagkabihis ay natulog ako agad, hindi na ako kumain o kinausap muna si daddy dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko sa ngayon pero ang alam ko sa sarili ko na hindi ako sinukuan ni Lucas at sapat na muna siguro iyon para sa akin.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...