Ikalabing-siyam

21 1 0
                                    

Uwian.

Natapos na ng klase ngayong araw at niyakap ko sila isa isa na lalo na kay Layla at Julia na pinakamatalik na kaibigang mayroon ako.

Bumili ako saglit ng kape sa coffee shop na lagi naming pinupuntahan at dumiretso na sa park.

Ilang oras na ako dito. Nakailang tawag at text ako kay Lucas pero wala akong natatanggap na sagot.

Binuksan ko ang cellphone ko at nagtingin sa gallery. Matapos ang ilang paghahalungkat ay nakita kong muli ang unang picture namin ni Lucas na magkasama.

Nilabas ko ang isang notebook na dinala ko at ginuhit ko doon ang picture naming dalawa.

Inabot ako ng ilang oras bago matapos ang ginagawa ko at sa kalagitnaan pa nga ng pagguguhit ko ay napatigil akong saglit dahil pinanuod ko ang magandang paglubog ng araw.

Inabot ako ng dilim at natapos ko na rin pero hanggang ngayon ay walang Lucas na dumarating o nagpaparamdam.

Kanina pa ako nakaupo sa isang bakal na bench na ito pero wala parin akong nadadatnan na Lucas.

Hinantay ko siya at wala akong balak na mainip at sukuan nalang siya dahil alam ko sa sarili ko na darating si Lucas.

Naramdaman kong pumatak paonti onti ang ambon at di katagalan ay nagsimula nang umulan.

Nakipagmatigasan ako sa ulan hindi nagbalak sumulong o protektahan man lang ang sarili kong mabasa.

Nanatili lang akong nakaupo dito at niyuko ko ang ulo ko sa mga braso ko sabay iniisip na darating si Lucas kahit ano pa man ang mangyari.

Maya maya pa ay naririnig ko ang malakas na buhos ng ulan pero wala na akong nararamdaman na pagpatak sa akin ng ulan kaya inangat ko ang ulo ko at nakitang may payong na nasa taas ng ulo ko.

Si Austin.

"You know waiting outside in the pouring rain isn't romantic, but it is rather pathetic" banggit nito sa akin at wala na akong lakas makipagtalo sa kanya.

Pero may lakas akong bumigay at umiyak na sa harapan niya. Wala na akong pakealam kung anong sabihin niyang nakakainsulto pero hindi ko na kinakaya lahat ng dinadala ko.

Pilit niya akong niyakap pero hindi ko siya niyakap pabalik kundi ay nakahawak akong mariin sa papel na ginuhitan ko kanina.

Papilit niya rin akong napatayo sa kinauupuan ko at sinakay niya ako sa kotse niya para maihatid sa bahay namin.

Salita siya nang salita pero nanatili lang akong nakatulala sa dami kong iniisip at pumapasok sa utak ko.

Bakit hindi siya dumating? May nangyari ba? May nagawa ba akong mali? May kulang ba sa akin? Nagbago na ba ang isip niya sa lahat lahat? Baka nga siguro hanggang salita lang ang kaya niya? Paninindigan ko parin kaya siya? Bakit ba kasi ako ganto?

"Alam mo ba na pag nagpaulan ka ay mababasa ka at pag nabasa ka ay magkakasakit ka pa tas pag nagkasakit ka naman ay paano mo makikita si prince charming at knight in shining armor Lucas mo?" bigkas ni Austin sabay tinawanan ang sarili.

"Baka nagtatampo ka, ah? Hindi kasi niya mapalubog ang nilabas niya sa inidoro kaya siguro hindi nakapunta" sambit nitong muli sa akin at tumawa siyang muli magisa.

Hindi ako kumibo sa buong biyahe. Naramdaman ko lahat ng pagkabigo at sakit na hindi ko inaasahan.

Pero hindi dahil doon ay ibig sabihin ay hindi ko na siya mahal. Hindi ko siya basta susukuan at alam ko naman ay may magandang rason siya sa mga nangyari.

Nilalamig ako sa kinauupuan ko pero hindi ako nagsalita. Napansin siguro ni Austin na nanginginig ako na kala mo ay nangingisay na kaya't tumigil siya sa tapat ng Mcdo at binalot niya ako ng jacket niya.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sakin habang sinisimulan ang sasakyan. Hindi ako nagsalita pero ang tiyan ko ang sumagot sa kanya.

"I guess it's a no then" sabi niya at ipinihit ang manibela papunta sa drive thru ng Mcdo.

"Anong gusto mo?" tanong niyang muli sa akin habang inaantay makaalis ang sasakyan na nasa harapan niya.

Iniwasan ko siya ng tingin at hindi umimik, "alam mo kung hindi ka magsasalita ay magagalit ang tiyan mo" muling bigkas nito ng salita.

"Kahit ano" mahina kong sabi at sakto ay siya na ang magsasabi ng order sa kahera.

"Ate isa nga pong order ng kahit ano" biglang sabi niya sa babae sabay ko siyang binatukan.

"Umayos ka nga!" pagsita ko sa kanya, "umayos ka rin" pagloloko niyang sabi sa akin at may panginis na mukha.

"Dalawa pong order ng letter B tsaka isang chocolate sundae" bigkas niya sa kahera at pinatungo na siya sa kabilang window.

Nagbayad na siya at kinuha na ang order sabay pinarada niya ang kotse sa parking lot na tanaw ang buwan.

"Here" bigla niyang sabi sabay inaabot sa akin ang binili niya para sa akin.

Kumain na kami nang tahimik at pinapanuod ko ang buwan. Naalala ko tuloy noong unang araw ng taon na noong gabi na iyon ay nagpakatotoo na kami ni Lucas sa isa't-isa.

Hindi ko nanamang mapigilang maluha matapos akong kumain, "umiiyak ka nanaman?" nagaalalang tanong sa akin ni Austin.

"Masakit" simpleng sagot ko sa kanya habang tuloy tuloy tumutulo ang luha ko at nakatitig lamang sa maliwanag na buwan.

"Ito pa, oh" sabi niya habang dinikit ang malamig na sundae sa balat ko na kinagulat ko.

"Lintek ka naman!" sigaw ko sa kanya habang pinalo ang braso niya, " lintek ka rin, I'm trying my best here" sagot niya sa akin at ngayon ay binigay niya na ng maayos sa akin.

Kinain ko na ang binigay niya at nakatingin lang siya sa akin, "you know, ang swerte ni Lucas dahil isang babaeng nagmamahal sa kanya ng tunay at mas swerte siyang ikaw iyon" nakangiti niyang sabi at umiwas ako ng tingin.

"Bakit? May nasabi ba akong mali?" tanong niya sa akin at umiling nalang ako, "ano nanaman pala?" tanong niyang muli sa akin.

"Wag mo akong ngitian dahil pareho kayo ng ngiti ni Lucas" mahina kong bigkas at sumang-ayon na lamang siya sabay pinatakbo na ulit ang sasakyan para maihatid ako pauwi.

10:27 PM

Nakarating na kami sa bahay at nakita naman na laking gulat ni mama na si Austin ay kasama ko.

Isama mo pa ang kadahilanan na basang basa ako at nakabalot parin ng jacket ni Austin.

"Bakit ngayon ka lang umuwi at basang-basa ka pa" pagsisimula ni mama na ng sermon.

"May project daw po kasi sina Yunna ngayon kaya medyo gabi na po siya nakauwi at mabuti nalang po ay nakita ko siya dahil nasira po ang payong niya kaninang umuulan at natalsikan pa siya ng tubig dahil sa mabilis na kotse. Nagyaya na rin po akong kumain para paguwi niya po ay magpapahinga na lamang siya" pagsisinungaling ni Austin sabay kinindatan niya ako.

Nagusap pa sila ni mama at tuluyan na akong umakyat para maghilamos at makapagpahinga na.

Marami akong natanggap na mensahe at tawag pero walang galing kay Lucas kahit isa.

Natulog nalang ako at pilit inaalis ang tuloy tuloy na pagiisip kung bakit hindi siya sumulpot.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon