Ikadalawampu

17 1 0
                                    

Kinabukasan.

Pagkagising ko ay hindi kaayon-ayon ang pakiramdam ko. Nilalamig at sumasakit ang ulo ko.

Tinignan ako ni mama kung bakit masama ang pakiramdam ko, "siguro dahil naulanan ka kagabi kaya naman ngayon ay may lagnat ka" sabi nito habang hinihimas niya ang noo ko.

"Wag ka munang pumasok ngayon at mapagaling ka. Wala namang pasok ang ate mo ngayon kaya't may kasama ka sa bahay" pagpapaalala nito sa akin hanggang sa tuluyan na siyang umalis sa kwarto ko.

Napakabigat ng aking mga mata kaya naman ay hinayaan ko na lang siyang pumikit ng kusa at dali dali na akong nakatulog.

Mga ilang oras rin akong tulog at nagising lamang noong nilagyan ako ni ate ng medyo basang panyo sa noo ko.

"Mas lalong tumaas ang lagnat mo" sabi ni ate habang hinihimas ang ulo ko.

Pinikit ko nalang muli ang mga mata ko pero ginising akong muli ni ate, "kain ka muna para makainom ka na ng gamot" nilapag niya ang niluto niya tsaka ang tubig at gamot sa lamesa ko.

"Aalis lang ako baka medyo matagalan ako sa pagbalik. Sabihan mo ako kung kailangan mo ako, ah? Ung gamot mo ay nasa cabinet mo sa loob ng bathroom mo" pagbilin ni ate sa akin at tumango na lamang ako.

Maya-maya pa ay may natanggap akong chat na galing kay Julia, "Yunna, nasaan ka? Maraming kaganapan dito sa school" ang hatid na mensahe nito.

Hindi ako sumagot at ininom ko na lamang ang gamot ko sa lamesa sabay pilit na tumayo para ilagay ang pagkain na binigay ni ate sa ref.

Kahit na nanghihina ako ay naligo ako at pagkatapos ay nagbihis ako sa uniporme ko.

Tanghali.

Umalis na ako sa bahay para pumasok. Sumakay ako ng tricycle dahil nanghihina talaga ako.

Gusto ko lang naman pumasok para makita kung nandoon si Lucas at mayakap siya ng mahigpit.

Nakarating na ako sa school at dumiretso na ako sa classroom namin na nadatnan kong walang katao tao sa loob.

Umupo na lamang ako sa upuan ko at maya maya ay may narinig akong pumasok na umupo sa likod ko pero hindi ko inangat ang ulo ko dahil sobra ang panghihina ko.

Gusto ko na lamang maguwian at makapiling si Lucas.

Hindi katagalan ay naririnig ko na sina Layla na pumasok kaya naman ay inangat ko na ang ulo ko at halatang nagulat si Layla na nandito ako.

Si Mark at Layla lang ang nakakaalam sa binabalak namin ni Lucas.

Nginitian ko sila at niyakap naman ako ni Layla at Julia pero bigla silang napabitaw, "ang init mo!" medyo malakas na sabi ni Julia at hinimas ang noo ko sabay ang leeg ko.

"Kaya ko naman ang sarili ko at tsaka gusto ko lang makasama si Lucas" mahina kong sabi sa kanila sabay iniyukong muli ang ulo ko.

Ngayong hapon daw ay walang klase kundi mga activity lang pero bago magsimula ang mga activity ay nagulat kami noong may biglang pinakilala sa amin si ma'am.

"Nagpakilala na siya kanina pero dahil kumpleto kayo ngayong hapon ay magpapakilala siyang muli" nakangiting bungad ni ma'am sa amin, "Mr. Blake" pagtawag niya sa bagong estudyante na kinaangat ng ulo ko.

"Austin Blake" simpleng sabi niya habang nakangiti.

Tinitignan ko ang mga babae sa likod namin na hindi matago ang kilig noong ngumiti si Austin.

Natatawa ako dahil kung gusto nila si Austin ay buong puso ko nang ibibigay sa kanila.

Nagsimula na ang unang activity at pinabuo kami ng isang malaking bilog.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon