Ihinatid ulit ako ni daddy sa school ngayong araw at nagusap kami ng masinsinan tungkol sa mga nangyari kagabi, "anak pasensya ka na pero mukhang di sapat ang supporta ko sa inyo ni Lucas at dalawang buwan nalang ay ikakasal ka na" malungkot na sabi ni daddy sa akin.
"Wala akong magawa dahil kahit anong kumbinsi ko sa mama mo na hayaan kayong maging masaya sa bawat desisyon niyo sa buhay ay gusto niya parin na siya ang masusunod" dugtong pa niya at nginitian ko nalang siya.
"Okay lang po dahil sa amin ay sobra sobra pa nga kung tutuusin ang pagsupporta mo sa amin" sagot kong masigla sa kanya at nakita ko ang maliit na ngiting bumuo sa labi ni daddy sabay tumango na lamang siya.
"Aalis ako ulit sa susunod na Lunes kaya kung ayos lang sayo ay sa apat na araw ay magsaya na tayo dahil aabot ng ilang buwan bago ako makabalik" sabi ni daddy sa akin at ngumiti nalang ako sabay tumango.
Binaba na ako ni daddy sa harapan ng school at sakto sa may gilid ng gate ay naglalakad si Lucas papasok.
Nagkatinginan kami at lumaki ang ngiti niya sa mukha, sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap pero napalitan ang tuwa niya sa pagaalala.
"Nasabi nila Rei na may nangyari daw sayo kagabi, okay ka lang ba?" tanong niya sa akin habang tinitignan niya akong mabuti.
"Lucas, kailangan nating magusap" seryoso kong sabi at ngumiti lang siya sa akin.
Sinabi ko lahat ng nangyari kagabi tungkol sa kaganapan sa amin ni Austin. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya sa mukha pero kitang kita ko ang pagaalala nito.
"Gusto mo ba talaga ako?" tanong niya sa akin habang nakatitig at tinignan ko siya pabalik sabay lumiwas ng tingin.
Hindi muna ako sumagot at tumingin ulit sa kanya habang nakita kong nakatitig parin siya.
"Alam mo naman na sagot jan" mahina kong sabi sabay sumandal sa dibdib niya.
"Mahal din kita" nakangiting sagot nito sa akin at nanatili lang akong nakasandal sa kanya na may abot tenga na ngiti.
"Ganito nalang, mamayang tanghali pag nagkita tayo ay magisip tayo ng paraan kung paano tayo magkakatuluyan. Seryoso man o hindi" nakangiti kong sagot sa kanya at sumang-ayon naman ito.
As usual, marami kaming napagusapan at ihinatid niya ako sa classroom pagkatunog ng bell.
Katanghalian.
Dito sa school canteen nagyayang mag-lunch si Lucas at sasabay naman sa amin si Layla.
Masaya kaming kumakain at naguusap tungkol sa iba't-ibang bahay, "alam niyo ito na siguro ang panahon na third wheel ako pero hindi ko nararamdaman ma-left out" nakangiting biro ni Layla sa amin at ngumiti kami pabalik.
"Diba may napag-usapan na magiisip ng paraan kung paano kayo magkakatuluyan?" nakangising tanong ni Layla sa amin at tumango kami.
"Ibunyag niyo na pala at baka malay natin ay gumana pala" pabirong sabi ni Layla sa amin.
"Sabay tayo?" tanong ni Lucas sa akin tumango na lamang ako. Nagbilang pababa si Layla at ibinunyag na namin ni Lucas ang naiisip namin.
"Magtanan tayo"
"Tumakbo tayo palayo" sabay naming sinabi at mismong si Layla ay nagulat.Tinitigan ako ni Lucas ng may ngiti at naninigurado kung makatotohanan ba ang sinabi ko.
"Seryoso ba kayo?" tanong ni Layla sa amin na may halong ngiti at pagaalala.
Tumahimik lang kami ni Lucas at hindi sigurado ang isasagot pero mamaya maya ay umimik na siya, "depende kung papayag si Yunna dahil kung ako ang tatanungin." pagputol niya sa sinasabi niya.
"I can't imagine growing old without you and seeing you ending up with Austin" muling pagpapatuloy nito.
Ngumiti sa akin si Lucas pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba dapat ang aking maramdaman
Hindi ko kasi alam kung ganto ba ang gusto ng totoong Yunna at baka pag nabalik na siya ay magulat nalang siya kung paano nangyari lahat ng ito.
Ang hirap din na hindi pigilang angkinin na ang buhay niya dahil hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako dito o kung gusto ko bang umalis dahil mismong ako ay onti onti nang nahuhulog kay Lucas.
"Hindi ko naman sasabihin kung hindi ko ninanais" bigla nalang lumabas ng kusa ang mga salitang iyon sa bibig ko kaya medyo nagulat ako sa sinabi ko.
Tinignan ako pareho ni Lucas at ni Layla na nakangisi.
Biglang napatayo si Lucas sa kinauupuan niya at niyakap ako sa bewang.
"Sigurado ba kayo na kakayanin niyo ang binabalak niyo?" tanong ni Layla sa amin na may halong pagaalala.
Tumango ako ng isang beses habang nakatingin kay Lucas na may malaking ngiti sa kanyang labi.
"Sa susunod na linggo, umalis na tayo" bigla ko nanamang sambit na hindi ko namamalayan.
Pareho silang nagulat sa sinabi ko na kahit ako ay nagulat rin, "sigurado ka ba?" sabay nilang tanong sa akin.
Nasabi ko na kaya bakit hindi ko pa panindigan. Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...