Ikaanim

42 2 0
                                    

Kinabukasan.

Sa wakas! Sabado na. Makakapagpahinga na rin ako kahit papano.

Makakapagpahinga sana kung marunong tumanggi at tumiis ng tao kaso hindi ako ung ganoong tipo ng tao kaya andito ako ngayon sa bahay ni Julia kasama si Layla.

Nagkakagulo na mismo ung dalawa kung ano ba ang susuotin sa upcoming birthday ni Mark.

Kasabwat kasi ng magulang ni Mark si Layla sa pagplano ng event, kaya as a joke ay ginawa nilang formal birthday party na kala mo debut.

Si Mark daw kasi ay ayaw magcelebrate ng sobrang bonga kaya ginawa naman ni Layla ang kabaliktaran.

Nakakatuwa nalang talaga tong dalawang to, ang strong ng relasyon nila kahit na ganoon trato nila sa isa't-isa.

Sila lang ung natataranta dahil hindi ako makakasama sa party kasi sumakto siya sa mismong day na susunduin si daddy sa airport, parang family bonding narin namin.

Habang nagugulo ung damitan nila ay biglang pumasok si Alonzo para ilapag ung pagkain na niluto ng mommy ni Julia.

Nakaupo kaming tatlo habang patuloy parin naghahanap si Julia ng babagay sa theme ng party.

"Kahit ano naman isuot mo, lahat naman bagay sayo" biglang sabi ni Alonzo na nakangiti, "edi pwede kitang suotin?" biglaang banat ni Julia na kinagulat naming lahat. Never siyang nagsabi ng mga ganoong bagay at kung magsasabi man ay di namin inaasahan na kay Alonzo niya sasabihin dahil sabi niya ay gusto niya si James.

Wala nang paligoy ligoy at nagtakip agad si Alonzo ng mukha dahil umg babae na ilang taon na siyang binabalewala ay biglaan na lang nagsabi ng ganoong bagay.

Kinilig at nacringe at the same time kaming lahat dahil di namin kahit kailan inaasahan yon, "masyado ka namang marupok. Syempre testing lang para makita natin reaksyon mo" tumatawang sabi ni Julia.

Kawawa naman itong si Alonzo, pero dahil gusto niya talaga ung tao ay sinakyan niya nalang ung biro ni Julia.

Hapon na noong natapos kami sa mga ginagawa namin, kaya dito narin kami naglunch.

Kahit mismong pamilya ni Julia ay kinukumbinsi na bigyan ng pagkakataon si Alonzo kaya nakakatuwa lang na todo support pamilya ng isa't-isa kahit hindi pa pumapayag si Julia.

Sana ganoon din sa amin.

Nagyaya si Mark na pumunta sa mall at pumayag naman kami. Since magkakasama naman kami ay inantay nalang kami nila Mark at Lucas sa mall.

Hindi daw makakasama sila Rei at Angelo dahil may pupuntahan daw sila. Dahil doon ay kinilig nanaman kami ni Layla sa kanilang dalawa.

Nagkita kita na kami sa mall, kalagitnaan palang bago kami nakalapit sa kanila ay tumatakbo na si Lucas papunta sa amin at niyakap ako ng mahigpit.

Nagulat kaming lahat sa ginawa niya, mismong ako ay nagtaka kung bakit niya ginawa yon, "anong meron?" pabulong kong tanong sa kanya, "alam ko na kailangan mo" nakangiti niyang sabi habang tinanggal niya ung pagkakayakap niya sa akin at napangiti lang ako sa kanya

"Parang di nagkita kahapon ah" pabirong sabi nila Julia at Alonzo at natawa naman kami.

Nanglibre si Mark ng cine dahil daw wala ako sa party niya sa Monday, para daw walang tampuhan kaya natawa kaming lahat.

Horror ang pinanuod namin, mas natutuwa pa naming panuorin ni Lucas ung apat.

Kasi ba naman, si Mark nakasiksik kay Layla dahil sa sobrang takot habang sila Julia at Alonzo naman ay nakasiksik sa isa't-isa.

Hindi ako masyadong natatakot dahil si Lucas ang pinapanuod ko, this time ako ang tititig sa kanya. Unlike me, hindi siya naiilang kaya nung nahuli niya ako ay napangiti siya at tinitigan ako pabalik.

Halos hindi na namin pinanuod ung palabas kundi mas maraming oras pa namin pinanuod ang isa't-isa. Hindi rin namin namalayan na dalawang oras din pala ang film pero parang ilang minuto lang kami nandoon.

Pagkalabas ng cinehan ay nakatingin sa amin ung apat habang nakangisi, "parang may mas ginusto kayong panuorin kesa sa movie ah" pagbibiro nila sa amin na kinangiti nalang namin.

Pagtapos ng cinehan ay nanlibre naman si Mark sa isang restaurant nila Mika, ung nililigawan ni Rei.

Nakita niya kami na pumasok at nilapitan kami para batiin. Sinabi niya rin na sakto lang ang pagkadating namin dahil nandito siya kaya libre na ang kakainin namin pero hindi pumayag si Mark dahil daw talagang gusto niya kaming ilibre kaya ang napagkasunduan nalang ay kalahati lang ng total ang ipapabayad sa kanya.

Dahil doon ay sinulit na talaga nila ung order. Halos puno na ung lamesa namin kaya natatawa kami nung sunod sunod na dating ng mga pagkain.

Sinamahan kami ni Mika habang kinakain niya ung pagkain na binigay sa kanya nung isang waiter.

Medyo naguilty kami ni Layla dahil sobrang bait na babae pala nitong si Mika, pero hindi talaga namin mapigilan na isipin na si Angelo talaga ang dahilan kung bakit hindi pa mapakilala ni Rei si Mika sa pamilya niya.

Gabi na nung natapos kaming kumain, nagyayang maglakad lakad muna si Layla sa field dahil gusto niya maranasan na maglakad ng gabi kasama kami kaya pumayag naman kami.

Matagal tagal rin kaming naglakad para maraming mapagusapan, isa ito sa pinakamasayang naranasan ko.

Hinatid nila akong lahat sa bahay namin habang tahimik lang si Lucas sa tabi ni Alonzo at Mark habang naglalakad.

Hinatak kasi ako nila Julia at Layla palayo dahil sobrang saya namin ay nakalimutan nila na nanjan din si Lucas.

Bago ako pumasok ay nagkayayaan muna ng group hug at wala paring imik si Lucas at hindi siya nakangiti.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa kaya at papasok na sana ako sa loob kaso bigla akong hinatak ni Lucas at hinalikan niya ung noo ko habang nakayakap sa akin.

Pagkahalik niya ay tumingin siya sa akin at ngumiti, "I love you" ang mga salitang lumabas sa bibig niya.

Ito ang unang beses na narinig ko siyang magsabi sa akin ng ganoon kaya nagulat ako habang mahinang tumili naman silang lahat dahil baka marinig kami nila mama at ate.

Napangiti ako sa kanya kahit na nagulat ako, halos ayaw ko nang bumitaw kaso narinig kong bumukas ung pintuan namin at malapit na ung lumabas sa gate. Mabilis na kaming nagpaalam sa isa't-isa at umalis na sila.

Pagkabukas ng gate ay nakita ko si ate at laking gulat nito sa akin. Inutusan siya bumili sa tindahan kaya sinamahan ko narin siya.

"Kamusta naman kayo ng jowa mo?" tanong niya sa akin at bigla akong kinabahan, "mga kaibigan ko lang yon" pagdadahilan ko sa kanya at di na ito sumagot at maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay

Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari ngayon.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon