Ikalabing-anim

21 0 0
                                    

Friday.

Kagaya nga noong nakaraang linggo ay wala kaming klase sa hapon kada Friday na akala ko na pahinga na namin iyon pero naalala ko na ngayon pala ang kaarawan ni Austin na magaganap sa hotel nila.

At syempre imbitado kaming lahat doon na magaganap mamayang palubog na ang araw.

Ngayon naman ay nasa klase kami at nakatulala lang ako kaya panay akong kinakalabit nila Julia at Layla dahil nawawala daw ako sa aking sarili.

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Rei at tinignan ko siya ng may pagaalalang mata, "si Austin ba?" tanong naman sa akin ni Layla ngayon at tumango na lamang ako sa kanila at halos maluha na ako sa harapan nila dahil ayoko nang harapin si Austin pagtapos lahat ng nangyari noong nakaraang gabi.

Alam ko naman na nahihirapan din si ate at Austin pero hindi kaaya aya ang mga binitawan niyang salita noong nakaraang gabi.

Natapos na ang umagang klase at hindi ako iniwan ni Layla kahit na nandoon na ang nanay niya sa baba at inaantay siya para makapagayos sila para sa celebration ni Austin mamaya.

Dumating na si Lucas at hindi ko siya maharap ng maayos dahil ang daming pumapasok sa utak ko.

Nagulat siya nang makita niya na nasa labas ako habang nakayakap sa akin si Julia at Layla habang pinapakalma ako ni Rei at Alonzo.

Halatang halata ang pagpipigil ko ng iyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kaya noong makita ako ni Lucas ay dali dali niya akong niyakap habang hinalikan niya ang noo ko.

Medyo kumalma na ako noong sumandal na ako sa dibdib niya habang hinihimas niya ang likod ko.

"Yunna, kaya mo yan" mahina niyang sabi sa akin habang nakayakap parin ng mahigpit.

Nakakalma na ako at napahinga sila ng malalim, "ano bang nangyari sayo? Kinabahan kaming bigla sa mga sinasabi ni Layla sa tawag" nagaalalang tanong ni Angelo habang inakbayan si Lucas na nakatingin sa akin.

"Hindi ko rin alam bat ako nagkaganon" mahina kong sabi sa kanila at imbis na magalit ay ngumiti na lamang sila, "okay lang yon dahil ang mahalaga ay kumalma ka na" nakangiting sabi ni Alonzo at Julia sa akin.

Bumaba na kami at naghiwa-hiwalay dahil magkikita kita rin naman mamaya sa kaarawan ni Austin.

Kasabay ko muling umuwi si Rei pero this time naman ay kasama rin namin si Angelo dahil wala ang magulang niya kaya binilin muna siya sa magulang ni Rei.

Hindi nakasama si Lucas dahil sinundo siya ng dad niya na kinagulat namin dahil hindi masyadong lumalabas ang tatay niya sa public.

Syempre at dahil kaarawan ng pinsan niya ay kinakailangan daw na magkasama sila dahil mula pagkabata ay kasama na iyon sa bond nilang dalawa.

Dahil sa akin ay nagkaroon sila ng problema sa isa't-isa.

Nakauwi na ako at umalis na sina Rei at Angelo pagkahatid sa akin. Nakakatuwa silang panuorin umalis dahil bigla nalang inakbayan ni Angelo si Rei na alam ko deep inside ay sobrang saya niya na.

Pumasok na ako sa bahay at ang bumungad sa akin ay si mama na may malawak na ngiti sa kanyang mukha, "ngayong araw ay legal na si Austin at sa susunod na dalawang buwan ay ikakasal na kayo sa kaarawan mo" masiglang bungad sa akin ni mama at pinilit ko siyang ngitian.

Pinagtuunan niya ako ng pansin buong maghapon at todo ayos sila sa akin ng iba pang taga-ayos na kakilala niya.

Maya maya pa ay dumating na si ate at inayusan na rin siya. Pagkatapos ayusan si ate ay nagbihis na kami habang inaabangan na rin ang pagkatapos ni mama at pagdating ni daddy.

Hindi ako komportable dahil ang kapal na nilagay na kung ano-ano sa mukha ko.

Dumating na si daddy at mabilisang nagbihis habang inaayos na rin ang sarili. Hindi siya natagalang magayos ng sarili niya kaya naman ay dali dali kaming nakarating sa venue at saktong pagdating namin ay nagsisimula palang ito.

Naupo kami sa lamesa rin nila Austin at sa muli ay magkatabi nanaman kami ni Austin pero sa kabilang gilid niya nakaupo si ate kaya hindi sila parehong makakilos ng maayos.

Nakita ko si Lucas sa katapat na lamesa habang nagkatinginan kami ay may bumuong ngiti sa kanyang labi at sa gilid naman ng paniningin ko ay nakikita ko si Austin na nakatingin sa amin habang medyo nakakunot ang noo.

"Nandito na ako sa tabi mo pero pinipilit mo parin ang taong nasa malayo" bulong sa akin ni Austin na kinasira ng gabi ko.

"Kahit anong dikit mo sa akin at kung anong layo namin sa isa't-isa ay siya ang pipiliin ko dahil siya lang ang taong mamahalin ko" pabalik bulong ko sa kanya habang nginisian siya.

Kita ko ang pagpipigil niya ng inis at napahinga ng malalim para kumalma. Tumingin akong muli kay Lucas at nagtataka siya kung anong nangyayari sa amin.

Nginitian ko nalang siya at binulong sa hangin na wala lang iyon at naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin kaya nginitian niya nalang akong muli.

Sa wakas ay malapit nang matapos ang event kaya onti onti nang gumagaan ang loob ko dahil mula kanina ay umiinom lang si Austin at wala siya ginagawa o sinasabi sa akin.

Maya maya pa ay tumayo na ang host para sabihan ang lahat na tapos na ang celebration.

Ngumiti kami ni Lucas sa isa't-isa at napahinga ako ng malalim dahil tapos na ang kalbaryo.

Pero ang laking gulat ko nalang ay biglang hinawakan ni Austin ang kamay ko at dali daling tumayo sabay kinuha ang mic na nakatabi sa gilid.

"Gusto ko lang ipagmalaki sa inyong lahat kung sino ang makakatuluyan ng may kaarawan ngayon" bigla niyang bigkas sa mic sabay inakbayan ako.

"Yunna Blake, tugmang-tugma kung pakinggan. Kesa naman marinig mo na Yunna Eugenio sa kasalukuyan. Hindi tugma dahil hindi naman kayo para sa isa't-isa" pagpapatuloy niya at biglang kumulo ang dugo ko sa kanya.

Bigla ko siyang nasampal ng malakas at dali dali siyang natauhan, "gaano ka ba talaga katanga? Hindi mo ba alam sa mga simpleng sinasabi mo ay nakakasakit ka na ng damdamin ng iba? Hindi mo alam ang mga pinagdaanan naming hirap at dumagdag ka pang problema sa amin. Isa ka lang na sumasalot sa lipunan na walang magawa kundi makasakit ng damdamin ng iba. Naiintindihan ko na nasaktan ka sa nangyari sa inyo ni ate pero sana naman wag mo kaming idamay na walang kaalam alam sa mga nangyari. Sinubukan ko namang intindihin, Austin pero sadyang ikaw lang mismo ung may problema" tuloy tuloy kong sabi sa kanya dahil kanina pa ako nagtitimpi sa kanya.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon