Araw araw ay sinusundo na ako ni Austin at kagaya ni Lucas ay bago umuwi ay marami kaming pinupuntahan.
Pilit niyang pinapatunayan sa akin ang nararamdaman niya pero pilit ko rin siyang kinukumbinsi na si Lucas lang ang kaya kong mahalin pero heto rin ako na tumitibok ang puso para kay Austin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil ang alam ko ay ang mahal ko ay si Lucas.
Araw araw na rin kaming magkasama ni Austin kaya paonti onti na naming naiintindihan at nalalaman ang ugali ng isa't-isa.
Valentine's Day.
Dahil araw ng mga puso ngayon ay sinakto ngayong araw ang prom namin para naman daw ay tugma sa event ang araw.
Kasama ko sina Layla ngayon sa bahay ni Mark dahil dito namin napagusapan magtipon tipon dahil sabay sabay naman kaming pupunta sa hotel na nirentahan ng school namin para sa event.
Sabay kaming inaayusan ni Layla dahil kaming dalawa na ang panghuli at pagkatapos naming ayusan ay pupunta na kami sa venue ng event ngayong gabi.
"Ayan tapos na kayong lahat" sabi ng dalawang babae na nagayos sa aming lahat na sabay naupo sa sofa nila Mark at halatang pagod na pagod.
Nandun halos lahat ng parents namin at nandun din naman si mama na hawak ang cellphone dahil naka video call si daddy sa amin.
Binigay sa akin ni mama ang cellphone para makausap ko si daddy kaya pumunta ako sa kusina nina Mark para hindi gaanong marinig ang paguusapan namin.
"Kamukhang kamukha mo ung nanay mo noong una ko siyang nakita" pagbibiro ni daddy sa akin at natawa kaming dalawa.
"Any news kay Lucas?" tanong nito sa akin at umiling ako, "jan po ba?" pagbalik tanong ko sa kanya at pareho lang kami ng sagot sa tanong ng isa't-isa.
"Sino pala date mo ngayong gabi? Si Austin?" tanong ni daddy at natawa ako, "hindi po pero magkaibigan naman na po kami ni Austin" pagtama ko sa kanya at ngumiti na lamang siya at tumango.
Tinawag na ako nila Layla kaya naman ay nagpaalam na ako kay daddy at binalik na kay mama ang cellphone sabay tumakbo na papunta sa sasakyan namin nina Layla, Julia, Mark, Alonzo, Angelo, at Rei.
"Pati ba naman Valentine's third wheel ako? Wala man lang kasabwat fee?" pagbibiro ko habang nakatingin ng pasimple kay Angelo.
Sinali akong kasabwat ni Angelo para naman daw ay special ang unang Valentine's nila ni Rei as official na magjowa. Pumayag naman ako at sinali na rin si Layla sa plano dahil una palang ay kaming dalawa na ang die hard na gustong magkatuluyan sila.
Nakarating na kami sa hotel at napansin ko na parang familiar ang lugar at doon ko lang napagtanto na ito pala ang hotel nina Austin.
Bago kami makapasok sa mismong event ay pinapirma kami sa isang libro para daw may attendance.
Pati ba naman prom kailangan ay may attendance?
Medyo natagalan ako sa pagpirma dahil hinanap ko si Lucas sa listahan pero wala akong nakitang pirma sa tabi ng pangalan na Lucas Eugenio kahit na halos isang oras na kaming late sa event.
Kahit kailan ay hindi nalate si Lucas kaya naman ay sigurado akong wala talaga siya.
Bakit parin pa ba ako umaasa?
Nakapasok na kami sa mismong event at pagpasok ay sakto magsisimula na ang first dance. At syempre ako ang third wheel sa grupo ay nagpaalam na muna ako sa kanila para umupo sa lamesa habang sila ay magsasayaw.
Nakaupo ako sa pangatlong lamesa sa kanan at maya maya ay nakisalo si Mika sa lamesa sabay umupo sa tabi ko.
"Hi Yunna!" masiglang bati nito sa akin at nginitian ko siya, "oh, wala kang kasama?" tanong ko sa kanya at umiling siya.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...