Ikadalawampu't-dalawa

15 0 0
                                    

Kinabukasan.

Gumising akong namamaga ang mata pero hindi ko ito pinansin at naligo na para makapasok ng maaga.

Nakabihis na ako at kumain na sa kusina nang may narinig akong bumusina ng tatlong beses tsaka narinig ko rin ang pagbukas ng gate.

Kakasubo ko palang ng oatmeal at muntikan na akong mabulunan dahil biglang bumungad sa akin si Austin.

Umagang kay ganda ay tuluyang nasira.

Nakangiti siya sa akin sabay umupo sa harapan ko at pinapanuod akong kumain.

Imbis na mas lalo kong hayaan na masira ang umaga ko ay nanginis nalang ako at bawat subo ko ng kinakain ko ay may iba't-iba akong panginis na mukha.

Tinatawanan niya lang ako at wala man lang nararamdaman na pagkairita sa ginagawa ko.

Mainis ka.

"Wag mo na akong inggitin baka ako nang umubos niyang kinakain mo" pagbibiro nito sa akin at binilisan ko nang ubusin ang kinakain ko.

Pagkakain ay kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palabas patungo sa school.

Tinatawag ako ni Austin para isabay sa kotse niya pero hindi ko siya pinapansin.

Habang naglalakad ako papuntang school ay nakabuntot lang siya sa gilid ko at ang bilis niya ay kasing bilis lang ng paglalakad ko.

Binubusinahan na siya ng mga sasakyan sa likod at ung iba ay sinisigawan na siya pero wala siyang pakealam kung anong gawin nila at napilitan na akong sumakay dahil nakakahiya sa mga taong nasa likod.

Pagkasakay ko ay mabilis na siyang nagpatakbo, "bilis mo namang sumuko" pangaasar nito.

"Kaya lang naman ako sumakay dahil nakakahiya ang ginagawa mo kanina at malay mo may sasakyan na may emergency doon?" tuloy tuloy kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at hindi na nagsalita. Napabuntong hininga nalang ako dahil kanina pa ako naiinis sa lalaking to.

Sabay kaming umakyat dahil tutal iisa lang naman classroom namin, "masaya ka ba?" tanong niya sa akin pero this time ay seryoso siya.

"Pwede na" simpleng sagot ko at magtatanong pa ulit sana siya pero bigla akong hinila ni Layla at Julia palayo.

"Ikaw ah, pinagpapalit mo na agad si Lucas" pagbibiro sa akin ni Layla at Julia pero nailang ako sa sinabi nila, "kahit sino pa yan ay sigurado akong walang makakatumbas o makakapalit kay Lucas" mariin kong sabi sa kanila at nagtawanan kami.

Nagsimula na ang klase pero hindi ko talaga matanggal sa isip ko kung anong nanyari kay Lucas.

Tanghalian.

Napagpasyahan namin na hindi kumain ngayong tanghalian dahil lahat ay tinatamad umalis ng classroom kaya nagpahangin lang kaming saglit ni Layla sa labas.

Pumasok siya sa classroom para uminom ng tubig at ako naman ay naiwang magisa na nakatingin sa ibabang bahagi ng school.

Maya maya pa ay lumapit si Austin sa akin at binulabog nanaman ang mapayapa ko sanang tanghali.

"Para sayo to, oh" sabi niya sa akin at inilapag ang isang red rose sa harapan ko, "para saan naman ito?" naiiritang tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya, "one rose a day keeps Lucas Eugenio away" pagbibiro niya at mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin habang tawa siya ng tawa magisa.

"One rose a day will make you realize that you are for me and I can love you in any way" pagbabago niya ng sinabi niya.

Paisa nga ako sa lalaking ito.

"Loving me in any way? Bago mo pa simulan ay nagawa na akong mahalin ni Lucas in EVERY WAY" mariin kong sabi sa kanya habang ako naman ay tumawa ng sarkastiko.

Natawa naman siya pero hindi pa ako tapos.

Lumakad ako patungo kay Diane, ang pinaka maldita naming kaklase na isa rin sa patay na patay kay Austin.

"Diane, oh" bati ko sa kanya habang inaabot ang binigay na red rose ni Austin sa akin at tinignan naman ako ni Diane mula ulo hanggang paa at mukhang nandidiri siya.

"Ano naman yan?" maarteng sabi nito sa akin at nginitian ko siya, "pinapabigay sayo ni Austin" sabi ko at nagbago ang ekspresyon niya sa mukha at tinanggap ang bulaklak.

"Sabi na nga ba ay walang makakatiis sa akin" kinikilig niyang sabi at nginusuan si Austin na nakatayo sa kabilang dulo, "sa susunod pakisabi kay Austy na bouquet na inaasahan ko sa susunod ah" nakangiti niyang sabi at tumalikod na sabay naglakad na sa loob ng classroom.

Tumingin ako kay Austin at nakita kong nandidiri at naiilang siya sa pagnguso ni Diane sa kanya.

Kinindatan ko siya at napangiti naman ito sa akin habang lumalapit papunta sa harapan ko.

Noong nasa harapan ko na siya ay labas ngipin na ang ngiti niya, "sabi na nga ba na hindi mo ako kayang tiisin" pagbibiro niyang sabi at tumawa ako.

"Asa ka" nakangisi kong sagot sa kanya at nanatili ang ngiti niya sa mukha.

"Game on" panghahamon niya sa akin at tumawa lang ako, "sure" lakas loob kong sagot sa kanya at pumasok na sa loob ng classroom.

Maya maya pa ay tumunog na ang bell at nagsimula na ang klase.

Nagbibigayan kami pareho ni Austin ng ngisi sa isa't-isa pero sa ngayong pagkakataon ay hindi ako magpapakabog sa mga hinahamon niya sa akin.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon