Ikalabing-tatlo

29 2 0
                                    

Masaya na naguusap ang mga magulang namin at sinusubukan naman ni Austin na hawakan ang kamay ko pero patago ko siyang sinasamaan ng tingin kada gagawin niya iyon.

"So since malapit na ang kaarawan ninyong dalawa and pag sumapit iyon ay nasa legal na edad na kayong dalawa" masiglang sabi ng mga nanay namin.

Nakangiti lang ang tatay ni Austin habang si daddy ay walang nakapintang ekspresyon sa mukha niya.

Isang himala dahil tahimik lang si ate dahil kadalasan ay sumasabat siya sa mga plano ni mama sa buhay ko.

Nagpaalam ako sa kanila at pumunta ako sa restroom ng restaurant.

Tinawagan ko si Rei at pinipigilan ko na lahat ng galit at lungkot na nararamdaman ko.

"Yunna! Nakauwi na ba kayo?" masigla na tanong nito at naririnig ko ang boses nila Layla sa kabiliang linya.

"Nanjan parin ba si Lucas?" nanginginig kong tanong sa kanya, "kakaalis lang nila. May problema ba kayong dalawa?" mahinang tanong niya na galing sa kabilang linya.

Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako sa linya ko at halatang nasa loud speaker ang tawag namin ni Rei dahil samot-saring boses nila ang naririnig ko.

"Yunna, anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Julia sa akin at sunod sunod na silang nagtatanong kung bakit ako nagkakaganito.

Gusto ko sabihin sa kanila lahat ng hinanakit at hirap pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

Dahil sa hindi na ako makapagsalita ay pinatay ko na ang tawag at napasandal nalang ako sa pader.

Hindi katagalan ay may kumakatok na sa pintuan ng restroom kaya inayos ko na ang sarili ko at dali-daling binuksan ang pinto.

"Umiyak ka ba?" tanong sa akin at laking gulat ko na si ate ang bumungad sa akin.

Hindi ako sumagot at pinilit kong maglakad palayo pero hinila niya ako sa tabi niya.

"Ang swerte mo at siya ang makakatuluyan mo" mahinang sabi ni ate sa akin at tinignan ko siyang may pagtataka,"sino?" tanong ko sa kanya.

"Si Austin" sagot niya sa akin at kinagulat ko nalang ito, "ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Patago kami dating may relasyon ni Austin at dahil sa patago at ka-edad mo siya ay sayo siya itinakda ng mga magulang natin" halos pabulong na sabi ni ate sa akin.

"Iniwan ko siya noong malaman ko kay mama na ikaw ang dapat na mapasakanya" pagpapaliwanag sa akin ni ate.

"Nagmamakaawa siya sa akin na wag tapusin ang relasyon namin pero dahil kapatid kita ay ginawa ko parin kahit na masakit" muling sabi niya sa akin habang nakatitig lang ako sa kanya.

"Bagay kayo ni Lucas, hindi dahil na may history kami ng magiging fiancé mo kundi dahil sa tuwing mahuhuli ko kayo na magkasama at tuwing magkakatinginan kayo ay mayroon talagang spark sa mga mata niyo" nakangiting sabi ni ate.

"Kahit na wala si Austin ay onti onti kong nalalaman na kayo ni Lucas talaga ang itinatadhana para sa isa't-isa" tuloy tuloy na sabi ni ate dahil wala na akong mailabas na salita sa bibig ko.

Iniwan nalang ako ni ate na nakatulala doon at bumalik na siya sa lamesa namin.

Bigla akong natauhan sa lahat ng sinabi ni ate sa akin at bumalik na ako sa tabi ni Austin habang nanatiling naguguluhan parin sa lahat ng pangyayari.

Buong oras habang kumakain at naguusap-usap sila ay inisip ko ang mga sinabi ni ate sa akin kanina.

Ilang beses din ako sinita ni mama dahil maraming tanong sa akin na napakalayo ng sagot ko.

Sa wakas ay natapos na ang gabi at nauna na akong lumabas para makapagpahangin kahit saglit bago umuwi.

Narinig kong may lumabas at ang buong akala ko ay si daddy iyon kaya napabuntong hininga ako pero laking gulat ko na umakbay sa akin ito at nakita si Austin na nakangisi sa akin.

"Ang ganda mo pala ng malapitan. Mukhang mas maganda kung araw-araw kitang makakasama" bulong niya sa akin.

Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko at naglakad ako palayo sa kanya pero nakasunod lang siya bawat hakbang ko.

"Bakit ba hindi mo nalang ako tanggapin at itatak mo sa isip mo na hindi na natin mababago iyon" sigaw niya sa akin pero hindi ko ito pinansin kundi patuloy parin ako naglakad palayo.

"Ang hirap ng mga naranasan ko. Sinukuan ko ang nararamdaman ko para sa ate mo at ginusto kita pero ang hirap niyang kalimutan dahil kapatid mo siya" pagpapatuloy niya, "alam mo rin ba kung gaano kahirap na pilitin ang sarili ko na kalimutan siya para lang sayo?" muling dagdag nito at mas tinaasan pa ang boses.

"Hindi mo ba kayang kalimutan nalang si Lucas? Pareho lang naman kaming lalaki" sabi niya sa akin at huminto ako sa paglalakad.

"Alam mo rin ba kung gaano kahirap ang dinaranas ni Lucas para lang mapatunayan niya sa lahat na mahal niya ako?" mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig niya.

Hinarap ko siya at onti onting naglalakad papunta sa kanya, "alam mo ba kung paano nalang siya pagsalitaan at itrato dahil lang nadamay siya sa gulong binuo ng taray niya?" dagdag ko pang sabi.

"Alam mo ba kung paano niya pinipilit ang sarili niya na manatiling positibo at masaya para sa akin?" papalapit na papalapit kong sabi sa kanya.

"Alam mo rin ba ang pagkakaiba ng ginugusto mo ako at ang pagmamahal sa akin ni Lucas kahit na binabaliktad na kami ng buong mundo?" mariin kong tadtad na salita sa kanya hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"Hindi, Austin. Minsan manalamin ka at pagisipan mong mabuti kung bakit pilit mong kinukumpara si Lucas sa sarili mo kung alam mo naman na hinding hindi mo matutumbasan ang lahat ng ginawa at pagmamahal ni Lucas sa akin" mariin kong sabi sa kanya at naglakad na patungo sa parking lot.

Nakita ko sina mama na hinahantay na ako sa loob ng sasakyan, "buti naman at nagkakasundo na kayo ng magiging asawa mo" nakangiting sabi ni mama sa akin na kakaupo ko lang.

Nadismaya ako sa sinabi niya, "ah hindi po, may nilinaw lang po kami sa isa't-isa" simpleng sagot ko sa kanya.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon