Ikalima

52 2 2
                                    

Friday.

Gumising ako ng maaga at kinausap si daddy kahit na sandali lang. As usual ay sabay ulit kami ni Lucas pumasok.

Pareho kaming nagkasundo na kumain ng lugaw bago pumasok, habang kumakain ay napadaan si Angelo sa lugawan at nakita kami. Pagkakaway niya mula sa labas ay pumasok na rin siya at binati niya kami ni Lucas.

"Gandang bungad sa umaga, Lucas paturo naman ako na sagutan ung homework natin sa Science" bungad ni Angelo habang umupo sa tabi ni Lucas, "good morning, Yunna" nakangiting bati niya sa akin habang ngumiti ako pabalik.

Habang nagsasagot sila ay tinatapos ko na ung essay ko sa English. Habang nagiisip ay napaangat ako ng tingin at nakitang kanina pa nakatitig si Lucas habang nakangiti.

"Bakit?" pag-lip sync ko sa kanya at ngumiti lang siya at umiling. Hindi ganon katagal nung natapos na nila dahil mabilis naintindihan ni Angelo ung tinuro ni Lucas.

"Sorry sa abala ah, hindi ko kasi talaga alam kung paano. Thank you ah" sabi ni Angelo sa amin at ngumiti nalang kami ni Lucas.

Sabay sabay kaming pumasok nila Lucas at Angelo, madami ding kwento si Angelo na nagpatawa sa amin.

Sakto lang ung pagkadating namin sa school, sumama din si Angelo sa paghatid ni Lucas sa akin dahil kakamustahin niya si Rei.

Natuwa ako sa bond ni Angelo at Rei dahil para silang more than friends kung makaasta. Parang may meaning ung ngitian nila sa isa't-isa kaya patago namin silang pinagtatambal ni Layla dahil nakakatuwa silang makita na magkasama.

Magkasabay na din na bumaba sina Angelo at Lucas dahil magkaklase din naman sila kahit na inantay pa ni Lucas si Angelo dahil medyo matagal silang nagsama ni Rei.

Pagkatapos ng unang klase ay bigla akong hinila ni Layla sa tabi niya, "uy nakita mo ung kanina? Sila Rei at Angelo, medyo maissue pero kinilig ako don" halos tumalon niyang sabi at tuwang tuwa pa

"Wag ka maingay, baka marinig ka ni Mika" pagbawal ko sa kanya pero natuwa din naman ako.

Yes, sadly, may nililigawan si Rei na babae dito sa amin pero siya na mismong nagsabi sa amin na nagdadalawang isip siya dahil naguguluhan parin daw siya sa mga bagay-bagay.

Kami ni Layla na maissue ay pinaniwalaan na ang nagpapagulo sa kanya ay si Angelo, kilig na kilig naman kami sa kanilang dalawa.

Lunch time.

Kagaya nga ng napagusapan ay sabay sabay kaming maglunch ngayon.

Kanina pa nga hindi mapakali si Layla dahil sobrang excited niya na daw. Kahit na sabay sabay ay sinundo parin kami ni Lucas sa room at halatang napilitan din si Angelo na sumama sa pagakyat dahil kasama din siya sa lunch namin.

"Nakakapagod naman magakyat tas bababa dito araw araw! Pano mo natitiis yon, Luke?" hinihingal sa sabi ni Angelo na kinatawa naming lahat.

"Syempre paanong hindi mapapagod? Nandito daw ba naman kasi ung BETTER HALF niya. Manananggal ata itong dalawang to" pagbibiro na sagot ni Rei kay Angelo at mas lalong lumakas ung tawanan.

Napagkasunduan na kumain sa unli seafood na resto, tanghalian lang pero pang hapunan na gusto nilang kainin.

Buti nalang na every Friday ay half day lang ang pasok namin kaya okay lang kung gaano kami katagal dito.

Medyo matagal bago dumating ung order namin kaya marami kaming oras makakapagusap usap, "kamusta naman ang meet & greet sa dad?" tanong ni Layla sa akin ng pabiro.

Wala pa pala silang kaalam alam sa mga pangyayari. Nagkatinginan kami ni Lucas at ngumiti nalang siya sa akin at nagsenyas na siya na daw bahala.

"Okay lang naman, medyo busy si dad kaya hindi niya masyadong nakilala" sagot ni Lucas at alam ko naman na kabaliktaran yon ng mga nangyari pero hindi sila napaniwala kaya ngayon si Mark naman ang nagtanong, "ano ang nangyari?" pag-ulit na tanong nito sa amin.

"Bartolome ako, Eugenio siya. Hindi kami pwede sa isa't-isa dahil sa history ng pamilya namin" this time ako na ang sumagot.

Nagulat sila sa narinig nila pero sinubukan naman naming ibahin ang topic ni Lucas at buti naman kahit papano ay nakumbinsi namin sila na baguhin ang usapan.

Maya maya naman ay dumating na ung order namin kaya kumain na kami. Medyo makalat kami kumain dahil gamit namin ang kamay naman sa pag-kain ng seafood.

Nagkatinginan kami ni Layla nung tinangal ni Alonzo ung kanin sa gilid ng labi ni Mark sabay ngumiti ito.

Napangiti kami pareho ni Layla at natawa siya. Nagtaka sila kung bakit siya natawa pero ako naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

Nakailang balik sa amin ung waiter dahil parang pinaghandaan talaga nila itong unli na to.

As usual, nakatitig sa akin si Lucas habang kumakain at nakangiti siya kahit sumusubo o ngumunguya siya ng kinakain niya.

Medyo nakakailang pero sabi ko nga, lulubusin ko na lahat ng natitirang sandali kaya kada magkakatinginan kami ay ngingitian ko din siya kaya pati mata niya ay sumasabay na din sa ngiti niya.

Lahat na nasa kanya.

Itsura, gentleman, maalahanin, mabait, caring, lahat na talaga.

Ang swerte naman ng babaeng to, pero sana at the end of the day ay ako din makahanap ng gantong lalaki.

After namin kumain ay gumala kami at noong bandang medyo dumidilim na ay sabay sabay naming pinanuod ung paglubog ng araw.

"Nakakawala naman to ng problema kahit pangsamantala" mahinang sabi ni Lucas sa akin at nginitian ko nalang siya at sumandal sa balikat niya.

Kahit pangsamantala lang.

Pareho naming pinikit ung mata namin at sinamantala na ang sandali na magaan ung pakiramdam namin.

Noong madilim na ay naghiwa-hiwalay na kami ay nakangiti sa akin si Lucas ng walang dahilan kaya tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Bakit?" tanong ko dito at nanatili lang siyang nakangiti, "kahit mahirap, thankful parin ako na sa akin ka tinadhana" nanginginig man boses niya pero nakangiti parin niyang sinagot ung tanong ko.

Naluha ako ng onti dahil alam kong mas nahihirapan siya sa sitwasyon naming dalawa dahil walang sang-ayon sa aming dalawa na sa side ng pamilya niya.

Niyakap ko siyang mahigpit at tuluyan na akong bumigay.

Naguunahan umagos ung luha ko na nanggagaling sa mata ko papunta sa pisnge ko na kinagulat niya at napabitaw siya sa yakap para harapin ako.

Hinawakan niya ung pisnge ko at pinunasan ung mga luha ko, "wag kang umiyak, hindi naman kita susukuan at hindi ako susuko kahit anong mangyari. Maniwala ka na hindi tayo bibigyan ng problema na hindi kayang solusyonan kaya magtiwala ka lang" nakangiti niyang sabi sa akin na nagpangiti na rin sa akin.

Madrama man pero hindi ko din kayang sukuan ito dahil isa na siya sa dahilan kung bakit ako sumasaya ngayon.

Ayoko mang umuwi pero nakarating na kami sa tapat ng bahay namin kaya niyakap ko siya sa huling pagkakataon at nakangiti lang siya hanggang sa makapasok ako.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon