Ikawalo

33 2 0
                                    

Lunes.

Ngayon na namin susunduin si daddy sa airport. Ilang oras lang nung nakarating na kami sa airport.

On the way sa airport ay tinawagan ako nila Layla through video call at nakikita ko na natataranta na silang mag-prepare dahil malapit na daw makarating si Mark sa venue.

Natatawa ako habang pinapanuod sila dahil kahit si Lucas ay abalang-abala sa mga nangyayari.

Saktong pagkarating namin sa airport ay dumating na si Mark sa venue at nagsimula na ang party, nagulat nga siya dahil ang inaasahan niya daw ay kakain lang doon.

Ang effort naman ni Layla kaya nakakatuwa silang panuorin. Si Julia ung nakahawak sa phone ni Layla ngayon at nilagay niya sa front view ang camera noong naghiyawan ang lahat at nagulat ako sa nangyari.

Nakita kong hinalikan ni Mark si Layla mismong sa labi at pati ung mga magulang nila ay kinikilig na nanunuod sa likod nila.

Napangiti ako sa nakita ko at finally isa sa mga pinakahahantay namin ay nangyari na.

Habang nagaganap ung party ay katawagan parin namin ang isa't-isa pero nagpaalam narin ako dahil dumating na si daddy at natapos na ung call.

Niyakap kong mahigpit si daddy at niyakap niya naman ako pabalik dahil alam na alam niya na lahat ng problema ko.

"Welcome back, daddy!" sabay naming bati ni ate sa kanya at ngumiti naman siya sa amin.

Una kaming kumain sa isang family restaurant at habang nagaantay ng order ay ang daming kwento ni daddy sa amin na kinatuwa naming lahat.

Maya maya pa ay sunod sunod nang dumating ung mga order namin at kumain na kami.

Pagtapos kumain ay pinamili kami ni daddy ng formal na sapatos at damit dahil nabalitaan niya daw na birthday daw ni Julia sa Wednesday at lahat kami ay inimbiti ng daddy ni Julia.

After mamili ay may sinakyan kaming yacht na nirentahan ni daddy para daw makapagbonding kami doon buong araw at namiss niya daw kami.

Nakaupo lang ako sa may gilid ng yacht at pinapanuod ung mga magagandang view na nadadaanan namin.

Medyo madilim na ung langit noong biglang tumunog ung cellphone ko at si Layla ito na nagsend ng video.

"Yunna, miss ka na namin!" sabi nila Julia at Layla na bungad ng video, "hala, tignan mo ung jowa mo! Kakaiba na pagnanais kay Mark" singit ni Alonzo na kakaupo lang sa tabi ni Julia habang tumatawa.

Tinapat ni Layla ung camera kanila Mark at Lucas na magkaakbay at sumasayaw. Pabiro pa nilang hinalikan ang pisnge ng isa't-isa at natawa naman ako sa kanila.

"Kung ako sayo, pigilan mo na magkita itong dalawang to" pabirong sabi ni Rei sa camera at natawa ako sa kanila.

Habang patuloy na pinapanuod ang video ay tumatawa ako magisa sa mga nasasaksihan ko sa video.

Noong matapos na ung video ay tumabi si daddy sa tabi ko at ngumiti siya sa akin, "ang saya mo ah, si Lucas ba yan?" mahinang biro ni daddy sa akin at napangiti nalang ako

"Nagsend po sila ng video na nagaganap sa party ni Mark. Puro kalokohan makikita sa video" natatawa kong sagot kay daddy at nginitian niya ako.

Marami rin kaming napagusapan ni daddy at nakwento ko halos lahat ng mga nangyari sa kanya na pati si Austin ay nabanggit ko. Medyo nagiba ang expression ni daddy nung binaggit ko si Austin.

Tuluyan nang dumilim ung langit nung nakababa kami.

Sobrang saya ngayong araw at di ako makapaniwalang nangyari lahat ng ito.

Pauwi na kami at biglang tumunog ulit ung cellphone ko at this time si Alonzo naman ang nagsend ng video.

"So ayon, medyo lasing na sila Mark at Lucas dahil kanina pa sila tumutunga ng wine dito" bungad ni Alonzo sa video at biglang tinapat ung camera kay Lucas, "wag mo itapat sa akin yan" sabi ni Lucas habang tinatakpan ung camera.

"Isesend namin ito kay Yunna" narinig kong sabi ni Layla kaya bigla niyang tinanggal kamay niya sa camera, "Nanjan si Yunna?" tanong niya habang dinikit niya ung mukha niya sa camera kaya nagtawanan silang lahat.

Maraming ginawang kalokohan si Lucas na pinakita nila pero mamaya maya ay may sinabi si Mark na kinagulat ko, "pre ang daming babae don oh! Puntahan mo na hanggang di pa kayo" sabi niya kay Lucas pero naiintindihan ko naman siya dahil wala siya sa sarili pero bigla siyang tinulak ni Lucas, "ayusin mo nga pananalita mo pre, hindi nakakatawa" galit na sagot niya kay Mark tas nakita niya siguro na nakatapat sa kanya ung camera, "ano yan video? Bat ba tinatapat mo lagi sa akin?" medyo naiinis niyang sabi kaya doon na natapos ang video dahil kahit ako naramdaman ung galit ni Lucas.

Nakarating na kami sa bahay at nagyaya pa si daddy ng movie marathon at hindi rin kami makatanggi dahil gusto din namin ang napili niyang movie.

Pagkatapos ng tatlong movie ay hating gabi na pala kaya kailangan ko nang matulog. Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na sa kwarto ko.

Bago ko pa mapikit mga mata ko ay tumawag sa akin si Julia at sinagot ko naman ito, siguro kakatapos lang din ng party ni Mark.

"Yunna, sorry. Hindi ko ginawa ung sinabi ni Mark" sabi ng nasa kabilang linya at alam ko naman na si Lucas yon, "alam ko" mahina kong sagot sa kanya habang napangiti ako bigla.

"Kamusta naman araw mo?" halatang nakangiti niyang tanong sa akin at bago pa man ako makasagot ay inagaw ni Julia sa kanya ung cellphone, "Yunna! Nandito si Mark na umiiyak sa amin kanina pa at may gusto siyang sabihin." medyo naiiritang bungad ni Julia sa akin.

"Yunna, sorry sa mga nasabi ko. Maling biro ung naisip ko at hindi ko na uulitin ung mga ganun na bagay" sabi ni Mark na hindi ko alam kung umiiyak ba ito o kung ano.

"Okay lang, hindi big deal sa akin yon. Dahil din sa ginawa mo ay may napatunayan ako" nakangiti kong sagot sa kanya, "thank you din at dahil sayo napatunayan kong mahal ako ni Lucas" dagdag ko pang sabi sa kanya.

IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon