Kinabukasan.
Hinatid ako ni daddy sa school ngayon. Medyo late kami nung nakaalis na ng bahay.
Nakakapanibago dahil hindi dumaan si Lucas sa amin para isabay ako sa pag pasok at hindi rin siya sumasagot sa mga text ko.
Saktong oras ako nahatid ni daddy at buti nalang habang paakyat ako ay nakasalubong ko si Angelo, "good morning, Yunna!" maligayang bati niya sa akin.
"Ganda naman ng umaga mo. Nandon ba si Lucas sa classroom niyo?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya, "oo, ang aga nga niya at nagulat kami na hindi ka niya kasabay. May nangyari ba?" sagot niya sa akin na may pagaalala at umiling ako sabay nagtaka.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil kailangan na naming mag-klase. Pagpasok ng classroom ay agad akong binati ni Layla at nagtaka kung bakit nauna si Lucas kesa sa akin.
"Nagsabi naman ako sa kanya na gusto ako ihatid ni daddy pero hindi siya sumasagot kahit sa isang text ko" nagtataka kong sabi sa kanila na kahit sila ay napaisip.
"Ah, nakita ko nga pala siyang bumaba ng kotse kanina sa may gilid ng school" biglang sabi ni Alonzo sa amin.
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari kaya hindi ko halos maintidihan ang mga tinuturo sa amin.
Tanghalian.
Naubusan ako ng load ng load kanina kaya pinasabi ko nalang kela Layla na kung hanapin man ako ni Lucas ay kakain ako sa bahay ngayon dahil magluluto daw si daddy ngayon.
Nauna na akong umalis kesa sa kanila dahil kailangan daw umalis ni daddy agad at gusto nilang sabay sabay kumain.
Nakarating ako sa bahay at sabay kaming dumating ni ate kaya tamang tama lang ang timing.
Nag-text si Layla sa akin na pupuntahan daw ako ni Lucas sa bahay para sunduin kaya naman ay pinauna ko na sila mama at iniwan sa akin ung susi ng bahay.
Tumambay ako sa may mga halamanan ni mama para presko sa pakiramdam, tinitignan ko ung mga ibon at paro-paro na lumilipad sa paligid ko.
20 minutes nalang at magsisimula na ang klase namin ng hapon pero wala pa si Lucas kaya medyo nagaalala na ako.
Maya maya pa ay dumating na si Lucas at nakangiti siya sa akin, "ang dami kong kailangan sabihin sayo" medyo may pagaalala niyang sabi pero nanatili ang ngiti sa kanyang labi.
May kinuha ako sa loob kaya natagalan din ang aming pag-alis.
Pagkalabas ko ay laking gulat ko dahil nandoon si mama sa may terrace namin at kausap si Lucas, "nak, sino ito?" tanong sa akin ni mama na may kakaibang tono ang boses.
"Ako po si Lucas Eugenio, nanliligaw po kay Yunna" nakangiti niyang sagot kay mama at nanliksi naman ang mga mata ni mama sa akin.
"Isang Eugenio ka pala. Alam mo ba kung paano ipinahamak ng dad mo kaming mga Bartolome?" sabi ni mama sa kanya na medyo mataas ang boses, "pasensya na po kay dad, tinutulungan ko naman po siya na ayusin ung gulo na sinimulan niya" mahinang sagot ni Lucas kay mama at sinenyasan ko na tumigil ka si mama dahil hindi naman kasalanan ni Lucas
"Dapat lang na ayusin mo at ang lakas pa ng loob mo na ang anak ko ang piliin mong mahalin. Mahal mo nga ba siya talaga?" biglang sagot pabalik ni Lucas at sasagot na sana ulit si Lucas pero hinila ko na siya paalis ng bahay.
Noong medyo nakalayo layo na kami ay bigla siyang tumigil na bigla ko din na ikinatigil dahil magkahawak kamay kami, "Lucas?" bigla kong sabi sa kanya dahil nakatingin lang sa sa ibaba at hawak ng mahigpit ang kamay ko.
Pinaangat ko ang kanyang mukha at laking gulat ko nalang dahil naguunahang umagos pababa ang kanyang mga luha na nanggagaling sa kanyang mga mata.
Ngumiti siya sa akin kahit na punong-puno ng luha ang kanyang pisngi, "alam mo ang sakit, ayaw nila na magkatuluyan tayo" nanginginig ang boses niya habang sinasabi iyong mga salitang iyon.
"Alam ko naman na hindi pwede. Hindi tayo pwede at kahit kailan hindi tayo maaaring itadhana sa isa't-isa, pero Yunna. Yunna hindi ko mapigilan sarili kong paulit ulit kang mahalan bawat araw na makakasama o makikita kita. Minsan ko pa nga na kalimutan ka at pigilan ang nararamdaman ko pero hindi ako pinapayagan ng sarili ko na basta-basta nalang kaligtaan ang damdamin ko para sa iyo" tuloy tuloy na sabi niya sa akin at hindi ko narin mapigilan na maluha.
Sobrang sakit.
Bakit ba ganito si Lucas at todo ang pagmamahal niya para kay Yunna at nasan na nga ba ang totoong Yunna.
Pumasok na kami sa school at pareho kaming pigil na pigil ang kalungkutan. Pilit niya parin akong ihatid sa itaas kahit na kailangan niya munang magpahinga sa mga bagay bagay.
Binati ako ni Layla at sinabi ang tungkol sa party ni Layla bukas. Pinaguusapan namin nina Layla at Rei ang plano kung paano namin sosopresahin si Alonzo dahil sasagutin na siya ni Julia.
Natutuwa naman ako dahil sa wakas ay magkakatuluyan na sila.
Nandun din both parents namin ni Lucas kaya hindi kami pwedeng magusap o maglapit sa isa't-isa.
After school nalang daw gaganapin ang party dahil bukas narin ang examination namin.
Natapos ang buong maghapon at nakatulala na lamang ako. Pagkatapos ng klase ay bumungad sa akin si Lucas na nakangiti sa labas ng pintuan namin.
Paano niya nagagawang ngumiti at ipagpatuloy parin lahat ng ito kahit pagtapos ng lahat ng nangyari kanina.
Naglakad na kami pababa, "opo mahal ko siya kaya nga po pinanindigan ko ang nararamdaman ko sa kanya" bigla niyang sabi na pinagtaka ko.
"Anong pinagsasasabi mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya, "kanina sa bahay niyo ay tinanong ako ng nanay mo kung mahal ba talaga kita pero hindi ko siya nasagot dahil bigla mo akong hinila palayo" nakangiti niyang sabi sa akin
"Pakisabi nalang sa kanya na kahit anong mangyari ay hindi kita tatantanan" muling pagpapatuloy niyang sinabi
Ngumiti nalang ako at hinawakan mabuti ang kamay niya.
Pagkababa namin ay bigla siyang bumitaw sa kamay ko dahil nakita niya si mama na inaantay ako.
"Mukhang hindi kita mahahatid dahil may nauna sa akin. Mag-ingat ka at tandaan mo na ipaglalaban kita" nakangiti niyang sabi at hinalikan niya ang noo ko.
Humiwalay na ako sa kanya at naglakad patungo sa kotse na nakaparada sa parking lot ng school.
Kinatok ko ung salamin at sumakay na ako sa loob, "marami tayong paguusapan ng daddy mo" mariin na sabi ni mama sabay pinaharurot na ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...