Nakangiti sa akin si Austin habang nagsasalita si mama, "pasensya na po kayo pero hindi po ako papayag" mahinang sabi ko sa kanya.
"Hindi ko naman hinihingi ang pasensya mo dahil napag-desisyonan na namin ito" sagot sa akin ni mama, "at bakit ka naman tumatanggi?" mariin na tanong sa akin ni mama.
Bakit hindi ako pwede mag-desisyon para sa buhay? Kahit man lang sa gusto kong makasama na panghabang-buhay ay hindi pwede.
Hindi ako papayag na bibitiwan ko nalang basta basta si Lucas dahil siya ang mismong lumalaban para sa aming dalawa samantalang ako sasabihan nalang nilang kakaligtaan ko si Lucas.
"Austin, ikaw ba si Lucas?" tanong kong mariin sa kanya at umiling siya, "ano sa tingin mo ang taglay mo para basta basta ko nalang pabayaan si Lucas at ipaglalit sa iyo?" tanong kong muli sa kanya.
Sasagot na sana siya pero hindi ko kailangan ang sagot niya dahil alam ko naman na hindi niya kayang tumbasan si Lucas.
"Pasensya ka na Austin pero kahit na sabihin at patunayan pa nila na sa akin ka itinatadhana ay si Lucas lang ang sinisigaw ng damdamin ko" dagdag ko pang sabi sa kanya at dumiretso ako sa restrooms bago pa man makapagsalita si Austin o si mama.
Pagkalabas ko ay papunta na sana ako pabalik sa lamesa namin pero may biglang humila sa akin at nakatago kami sa sulok ng malaking speaker.
"Hi" nakangising bati ni Lucas sa akin. Nawala lahat ng kaba at problema ko dahil nakita ko na ang nagbibigay lakas sa akin para tahakin lahat ng mga nangyayari.
Sinandal ko nalang ang sarili ko sa dibdib niya at niyakap niya ako, "ikaw pala ang binabanggit ni tita na itinakda para kay Austin" malungkot niyang sabi sa akin.
"Kahit sino pa ang itakda sa akin ay hindi ako papayag hangga't hindi ikaw yon" mahina kong sabi habang nakasandal parin sa kanya at nakayakap na sa likod niya.
Pumikit ako dahil bawat sandali na kasama ko siya ay nilulubos ko nang tuluyan.
Narinig namin na papalapit si ate patungo sa direksyon namin kaya bigla kaming bumitaw sa isa't-isa at nauna akong naglakad patungo sa lamesa namin.
Nilapag ko ang ulo ko sa balikat ni Layla at napabuntong hininga na nakapukaw ng atensyon ni Layla.
"May problema ba?" tanong sa akin ni Layla at Rei, "nakakapagod na pero hindi ko siya pwedeng sukuan dahil ginagawa niya ang lahat para sa amin" mahina kong sagot sa kanila at saktong pagkasabi ko ay umupo nang muli si Lucas sa tabi ko at ngumiti sa amin.
Paano niya nagagawang magpakita na ayos lang siya pero alam naman ng lahat na hindi na.
Nagtuloy tuloy ang party at sinubukan ko nalang ipukaw ang atensyon ko sa kasiyahan nila.
Nakakatuwa rin na panuorin sina Alonzo at Julia dahil nga sa official na sila at sa wakas nangyari na rin.
Nakangiti sila sa isa't-isa na kala mo sila lang ang nasa mundo ngayon at kada igagala ko ang paningin ko sa buong lugar ay lahat ng atensyon ay nakapukaw sa dalawa.
Natapos na ang party at nagkatinginan lang kami ni Lucas hanggang sa hinila na ako ni ate palabas ng venue.
"Aalis na tayo agad?" mahina kong tanong, "oo, may pupuntahan naman tayong panibago" simpleng sagot ni ate sa akin.
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Lucas at ganoon din siya.
Kumaway nalang siya sa akin na pagpapaalam at tinignan ko nalang siya.
Sumakay na kami sa sasakyan at biglang bumungad sa akin si mama na halatang galit na galit sa mga nangyari.
"Pag sinabi ko na kay Austin ka mapupunta ay matutupad iyon. Hindi ka pwedeng kumontra dahil alam ko ang tama at mali para sa iyo" pagtataas ng boses niyang sabi sa akin.
Pagod na pagod na akong makipagtalo sa kanya at kaya naman ay napahinga nalang ako ng malalim.
"Ano nga ba ang karapatan mo na pagsalitaan nalang ng basta bastang ganoon si Austin? Asawa mo siya at hindi mo na mababago iyon" mariin na sabi sa akin ni mama.
"Magiging asawa" mahina kong sagot kay mama, "pero hindi ko naman sinabi na paninindigan ko siya" muling bulong ko sa hangin at napapikit na lamang ako.
Nakarating na kami sa nasabing restaurant. Nung pagpasok namin ay nakita ko agad si Austin na nakangiti sa akin at alam ko na agad kung bakit kami nandito.
Pinaupo nila ako sa tabi ni Austin at ng nanay niya habang katapat ko naman si mama.
Binati nila ang isa't-isa at nanatili lamang nakangisi si Austin sa akin.
BINABASA MO ANG
Illusion
Romance"I promise falling for me won't be a mistake" Lucas Eugenio is the guy of her dreams, literally. Ang katauhan ng hindi kilalang babae ay kanyang nasagap at natuklasan niya ang takbo ng buhay nito. Napaniwala ang lahat na lahat ng nangyayari ay wala...