Prologue

33.4K 454 21
                                    

Si Kurt Jhudiel Damasco Milo ay anak ng bilyonaryong negosyante sa Pilipinas. Isa siyang gagong lalaki na hindi naniniwala sa love.

For him, "Love is something you need to taste, parang pagkain lang 'yan kapag alam mong panis na ay hindi mo na siya kakainin at kaagad mo siyang iluluwa."

But all of the sudden, he met an extra ordinary woman and captured his heart. He really fell in love with that girl but she broke his heart instead. Ni hindi nga siya hinayaang mangligaw dahil may mahal na itong iba at hindi siya.

At ang pinakamasakit na katotohanan 'yong babaeng mahal niya ay nakuha mismo ng kaniyang pinakamatalik na kaibigan.

Napahagalpak na lang siya saka iiyak habang inaalala niya ang lahat ng ginawang pambabasted sa kaniya ng babaeng gusto niya. Matagal na siyang nag-ipon ng lakas na loob upang aminin sa dalaga ang totoo niyang nararamdaman tapos ganoon lang ang resulta?

Pagkatapos niyang magpakalasing ay kaagad niyang pinaharururot ang kaniyang mamahaling sasakyan.

"Damn you, Kurt!"

Pinagpapalo niya pa ang manibela habang patuloy pa rin siya nagmamaneho. Sa tanang buhay niya ay hindi siya umiiyak; kahit nadapa pa siya o kapag iniiwan siya ng mga magulang niya sa mga katulong nila sa tuwing may mga business trip ang mga ito, kapag nasusugatan siya ay ni minsan hindi siya umiiyak but this situation hits different... halos mabiyak ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman.

Dahil sa sobrang pagkawala niya sa kaniyang sarili ay hindi niya nakita ang nag-over take na ten-wheeler truck. Kaagad niyang binusinahan ngunit tila yatang bingi ang may-ari ng sasakyan na iyon at hindi siya narinig. Sinusubukan niyang ikambyo ang kaniyang sasakyan may malaki pa yata siyang problema. Tila may sira ang kaniyang sasakyan dahil kaagad nitong sinalubong ang paparating na sasakyan.

Pumikit na lang siya habang pinapakinggan kung paano yupiin ng malaking sasakyan ang kaniyang kotse. Naramdaman niyang tilang binubuhat ang kotse nito at nang oras na iyon nagdasal na siya na sana bigyan siya ng isa pang pagkakataon para mabuhay. Naramdaman niya ang pagtama ng basag na salamin ng kotse niya sa kaniyang mga mata at bigla siyang napasigaw sa sobrang sakit.

Pinipilit niyang imulat ang kaniyang mga mata pero nahihirapan na siyang idilat iyon dahil bukod sa may mga bubog ang mga mata niya ay nagsimula na ring umagos ang presko nitong dugo.

Nakaramdam na rin siya ng pagkahilo. Naramdaman din niya kung paano itinapon ang kaniyang kotse, kahit hindi niya ito nakikita ay alam niya sa kaniyang sarili na anumang oras ay puwede siyang bawian ng buhay.

"Diyos ko! Tulungan natin siya!"

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Tulungan natin 'yong binata!"

Ilan lamang iyan sa narinig mula sa labas ng kaniyang kotse. Napangisi na lamang siya habang hinahawakan niya ang kaniyang mga mata na hindi na nakakakita.

Yeah! Big karma is near to you, Kurt. You deserved this jerk! You deserved to be blind!

Nakaramdam siya na parang kinakapos na siya ng hininga at bilang na rin ang pagpintig ng kaniyang puso... bago pa niya mahulaan ang susunod pang mangyayari, everything went black. 

Disclaimer

This novel is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events are purely coincidental

I'll warning, this story contains of a trigger warning that may affect to your mental health. Read at your own risk. There's a vulgar language that is not suitable to the young readers or audiences.

This entire content contains of sensitive materials. I'll advising you not to continue it if you are uncomfortable and not open-minded about a certain topic.

I decided to re-edit this story due to reader's demand even though I had a trauma to write this story again. Thank you po and Ily, Tribes

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon