Chapter 29

3.5K 59 0
                                    

"Maria?!" I shouted at intercom

Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw sa gitna ng pagtulog ko.

Where is she? Ano bang klaseng kasambahay na ito at hindi sumasagot sa tawag ko?

"Sir, nasa kwarto po si Natasha. Ano pong kailangan mo, senyorito Kurt?"

"Wala. Nauuhaw ako."

"Ako na lang po ang kukuha para sa inyo."

"Ikaw ba ang inuutusan ko? Si Maria di ba? Pa-puntahan mo nga rito."

"Sige po, sir."

Humiga ulit ako sa kama ko at saka tumiklakbong ng kumot. Hinintay ko ang pagkatok sa pinto ni Maria pero wala man lang akong narinig dahil sa inis ko, bumangon na lang ako sa kama at ako na lang ang magkukusang kumuha ng tubig ko.

Nasaan na ba si Maria? 

Nagsimula na akong maglakad. Parang akong nangangapa sa dilim dahil sa wala akong nakikita. Anong silbi ng buhay ko kapag walang mga mata?

But now I realized, anong silbi ng mata kung patuloy pa rin itong nagbubulag-bulagan sa nangyayari sa paligid?

Kinapa-kapa ko ang bawat sulok ng kwarto ko, napamura na lang ako nang nauntog ang noo ko sa pintuan nito.

Fuck!

Sapo-sapo ko ang noo ko habang bumababa ako ng hagdan. Pakiramdam ko parang akong nahuhulog ako sa isang bangin o talampas. Kahit na nagsisimula ng kumabog ang puso ko ay patuloy ko pa ring kinakapa-kapa ng daraanan ko. Kailangan ko rin makapunta ng kusina upang makainom ako ng malamig na tubig.

Sa awa na rin ay nakuha ko rin ang kusina. Kaagad akong pumunta sa may refrigerator at binuksan iyon. Kumuha ako ng malamig na tubig na nakalagay sa isang pitchel, kaagad ko iyong isinalin sa isang baso at saka ko iyon ininom.

Bigla na lang akong natigilan nang may narinig na naman ako ng sigawan na nagmumula sa maid's headquarter. Napasandal tuloy ako sa refrigerator at saka humugot ng buntong hininga.

I know life is fair but why I feel like this? This is fucking ridiculous!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ng mga kasambahay. Nang nakakakita pa ako araw-araw ko silang binibisita, parati ko silang tinatanong kung pinapakain sila ng mga magulang ko at nalulungkot na lang ako nang nalaman ko na tinatrato silang parang aso. Tira-tirang pagkain na lamang ang kanilang kinakain.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Maria ay palakas na palakas ang naririnig kong sigaw. Nakakasigurado akong boses iyon ni Maria! Hindi puwede akong magkamali.

"Huwag po, sir! Nakikiusap po ako! 'Wag po ninyong gawin ito sa akin!"

Hindi ko na muna ipinihit ang door knob, sa halip inilapit ko ang tenga ko sa pintuan upang marinig ko ang kanilang pag-uusap.

"Kiss me, Natasha!"

Kumunot ang noo ko. Bakit nandito sa kwarto ni Maria si dad? Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

"Huwag po!!!"

"DAMN YOU, NATASHA! I SAID KISS ME BACK!!"

Napangiwi na lang ako nang bigla kong narinig ang malakas na pagsuntok ni daddy. Malamang hindi niya nakuha ang gusto niyang makuha kay Maria.

Kaagad kong binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto ni Maria.

"Oh, Kurt why are you here?"

"Tatawagin ko sana si Maria. I feel thirsty. Ikaw, dad why are you here?"

"I'm just checking your mom. Akala ko nandito."

Napa-taas na lang ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Seriously, dad? Mukha ba itong pupuntahan ni mommy? Eh halos sumpain na niya ang lahat na kasambahay natin. Ako ba ang pinagloloko mo?

Naramdaman kong naka-alis na siya ng kwarto ni Maria kaya dahan-dahan akong naglakad at kinapa-kapa ko ang kama ni Maria.

"Maria? Where are you?"

Wala akong nakarinig mula sa kaniya kaya kinapa-kapa ko ang kama at natagpuan ko siya sa sulok ng kama nito.

Kaagad akong lumapit at hinawakan ko ang braso niya. Naramdaman ko na lang na nanginginig siya kaya kaagad akong napabitaw sa kaniya.

"Are you okay, Maria?"

Hindi pa rin siya sumagot. Kinapa-kapa ko ang braso niya at narinig kong napasinghap siya. May pakiramdam akong isa na rin siya sa minamaltrato ng mga magulang ko.

"Okay lang po ako, sir."

"Are you sure?" Taka kong tanong

May naamoy akong dugo. Bigla akong naalarma.

"Next time please take care of yourself."

Huminga ako ng mahabang malalim at saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Pagkatapos kong pumunta sa kwarto ni Maria ay kaagad akong dumiretso sa office ni dad.

"Dad, can we talk?" Naramdaman kong inalalayan niya ako sa paglalakad at pina-upo sa swivel chair.

"What is it, son? Tell me."

Kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakataas na naman ang kilay niya sa akin. My father is rude.

"Ginalaw mo ba si Maria, dad?"

"Pinagbibintangan mo ba ako, son? Why I would do that? Sino ba siya sa akala mo?"

I chuckled. Why dad? Isn't obvious na pinagbintangan kita? Why are you so defensive?

"Get out! Kung papagbintangan mo ako mas mabuti pang umalis ka sa harapan ko."

"Binabalaan kita, dad sa oras na may saktan kayo sa mga kasambahay natin ako na ang makakalaban mo." I warned at him. Dinuro-duro ko pa siya habang sinasambit ko iyon.

Umiigting ang panga ko sa galit at anumang oras puwede akong manuntok.

Tumayo na lang ako kaysa ibuhos ko ang galit ko sa kaniya. Ayokong paduguin ang kamao ko sa napaka-walang kwentang tao. Ito ang aking ama.

Tatalikod na sana ako at aalis sa office ni dad nang narinig ko pa siyang nagsalita.

"Bakit, son? Bakit nga ba ang bait mo sa mga kasambahay natin? Dahil ba sa type mo rin si Natasha? Puwede naman natin siyang halinghingan na galawin."

Nagsimula ng iyukom ko ang kamao ko. Paano niya ito nasasabi ng ganun-ganun lang?

"Oh! I knew it. Dahil na-anakan ko ang bobong kasambahay and sad to say ikaw itong naging bunga."

Tumulo na lang ang mga luha sa dalawa kong mata. For the entire life, hindi ko binubuksan ang patungkol dito. Ayokong may makaalam nito dahil nandidiri ako. Diring-diri ako.

Ako ang naging bunga ng pambababoy ni daddy sa totoo kong ina.

"Dapat nga magpasalamat ka dahil kinupkop ka pa ng mommy kahit na bunga ka lang ng pagkakamali ko."

"Salamat dahil anak mo ako pero ako iyong tatanungin kung gusto kitang ama ang sagot ko hindi. Ayokong maging ama ang isang katulad mo at nagpapasalamat na rin ako dahil kinupkop ninyo pa rin ako, tatanawin ko itong malaking utang na loob."

Umalis ako sa office niya at kinalabog ko ang pintuan nito. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko, saka ako bumalik sa kwarto ko at doon nagkulong.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon