"Paano ka nakakasigurado na si Maria na binigyan mo ng panyo noong araw na ini-introduce ka ng mga magulang mo bilang COO ng kumpanya at ang Maria na kasambahay mo ay iisa?"
"I don't know pero ang lakas talaga ng pakiramdam ko na siya nga 'yun."
"Pero paano kung hindi siya nga 'yun? Edi mapapahiya ka lang. Kurt, tell me the truth hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa asawa ko?"
Napahagalpak na lang ako ng tawa dahil sa sinabi ni Jaydee sa kabilang linya.
"Ha?" I raised my eyebrows
"Di ba nabasted ka niya? There is tendency na hindi ka pa rin maka-move on sa kaniya. Oh come on, dude! Walang talo-talo masasapak talaga kita kapag nagkataon!"
"Sira ulo! Kahit itago mo siya sa bayag mo hindi ko siya kukunin mula sa'yo atsaka nang dahil sa kaniya kaya ako nabulag."
"Pabanggain ba naman ang kotse sa ten wheeler truck habang sagupa ka sa alak, no? 'buti pa nga nabulag ka lang at nakatulog ka lang ng tatlong taon habang kami hinihintay ka kung kailan ka gigising."
"Kasalanan ko bang hinintay ninyo akong magising sa comatose? Hindi di ba?"
"Change topic, Kurt so anong balak mo ngayon?"
"I don't know." Umiling-iling kong sambit
"Problema nga 'yan pero may balak ka pa bang sabihin kung sino ka."
"What for?"
"Para matandaan ka niya. Di ba isang araw mo lang siya nakita malamang siya yun."
"Pero paano nga kung hindi nga siya 'yun. Maraming Maria sa mundo at hindi lang siya ang may pangalan na ganun."
"Ewan ko sa'yo, dude ang labo mong kausap. Maghahanap nga ako ng kaibigan na walang saltik sa ulo."
I smirked when sudden memories popped into my mind. Parang lahat naging sariwa sa isipan ko.
That first met her it just a merely accident. Basta nagkabanggaan kami sa catering area kung saan ang venue ng kumpanya ng parents ko. They promoted me as a chief operating officer of our company even though I can't manage it properly baka kung saan ko dalhin ang pera dahil sa kagaguhan ko.
"I'm sorry, sir... sorry talaga, sir. Naku naman!" Paulit-ulit pa siyang nagba-bow
Nabigla ako sa nangyari. I didn't expect this happen. Napatingin pa ako sa suot kong tuxedo na natapunan ng kaldereta.
I rolled my eyes. "Hindi mo ba akong nakita na paparating. Tanga!"
Nagulat na lang ako nang hingal na hingal pang nagtungo sa direksyon namin si Yaya Pasing. Halatang nagmamadali siya dahil pati apron na nakapulupot pa sa kaniyang beywang ay hindi niya pa ito natanggal.
"Ipagpaumanhin ninyo po ang pagkakamaling nagawa ng anak ko."
"Anak mo ho 'to?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Napaawang pa ang bibig ko. Hindi ako makapaniwalang magkaka-anak si Yaya Pasing na ganitong kagandang babae.
How can I describe her? May singkit na mga mata, may mahahabang pilik mata, pointed nose, rosy cheek and pinkish, lovable lips. Mahaba ang kaniyang buhok. Napalunok na lang ako nang nakita ko ang kaniyang dibdib. They are both nice and big.
Matuto kang rumespeto, Kurt parang hinuhubaran mo siya sa pagkakalarawan mo sa kaniya.
Nagising pa ako sa pagkatulala nang biglang pitikin ni yaya Pasing ang tenga ko. Ganyan talaga si Yaya kapag nawawala ako sa katinuan. Pinapapula niya ang tenga ko gamit ang pagpitik niya.
"Mamaya mo ng pagpantasyahin anak ko, Kurt dahil tinatawag ka ng parents mo sa stage. Kailangan mo ng pumunta roon." Sabay nguso sa direksyon kung saan nandoon ang mga magulang ko
Dahan-dahan kumiling ang leeg ko at ngayon ko lang mapansin na sa amin pala nakatutok ang spotlight.
"Sige na anak pumunta ka na roon at baka mapagalitan ka naman ng mga magulang mo," nakangiting sambit ni Yaya Pasing
Bumuntong hininga muna ako bago ako umakyat ng stage. May dala-dala rin akong script na sila na rin ang nagsulat ng lahat na sasabihin ko.
Biglang pumintig ng malakas ang puso ko. Tinignan ko ang mga negosyasteng nakatitig sa akin ng masama at hinihintay na magkamali ako. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Good evening, ladies and gentlemen I know some of you are not familiar with my name so let me introduced myself first. I'm Kurt Jhudiel Damasco, the son of the most Billionaire's businessmen in our country. I'm really flattered to speak right now and to give appreciation to your awesomely presence."
Nagsipalakpakan naman ang mga bisita.
Natigilann sila pagpalakpak nang may narinig pa sila mula sa akin.
"But I'm too old enough to dectating of what I do it and I'm sorry mommy and daddy but for now I will refuse your offer as a chief operating officer."
Kaagad akong tumakbo palabas ng venue at pinaharurot ko ng mabilis na mabilis ang minamaneho kong sasakyan. Inihinto ko ang sasakyan ko na may napansin akong isang babaeng may balak yatang magpapakamatay. Nakaupo ba naman sa tulay. Tsk.
Kaagad akong bumaba ng kotse at saka ko siya binulyawan.
"Hoy! Kung may balak mong magpakamatay 'wag ka namang magpapakaawa sa mga motoristang dumaraan," galit kong asik sa kaniya habang naglalakad ako palapit sa kaniya
"Sino bang nagsabing magpapakamatay ako? Duh! Gusto ko pa mabuhay, no?"
"Then why are you here?"
"Gusto ko lang maging sariwa ang utak ko."
"Eh sana sa Sm ka nagtungo at hindi dito. Tsk."
"I'm Maria," nakangiti nitong sambit niya.
Tinitigan ko lang ang kaniyang kamay na kasalukuyan na dumurugo.
"Kurt." nakabusangot kong sambit
"Cute name," kinikilig niyang sabi
Nanglaki na lang ang mga mata ko. Oh come on, Kurt bawal kang maging marupok. 20** na kaya baguhin ang mindset.
Author's note:
Thank you for letting me enter to your life by means of reading my stories. Votes and comments are highly appreciated 💙
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...