Author's note: Pakinggan ninyo ang kanta nina Moira at I belong to the zoo na "Patawad, Paalam" habang binabasa ninyo ang chapter na 'to.
"Congratulations, Mrs. you're 5 weeks pregnant."Napanganga na lang si Natasha sa sinabi ng doktora sa kaniya. Ngayon hindi na siya nagdududa na siya'y buntis pero paano niya sasabihin kay Kurt na buntis siya gayung ayaw na siya nitong makita pa?
"If you don't mind to asked but where is your husband?"
Napakagat na lang si Natasha ng kaniyang labi, hindi niya alam kung anong sasabihin niya rito. Ayaw niya nang ibuka ang kaniyang bibig at baka kung anu-ano pa ang lumabas dito.
"Siguro isu-surprise mo ang asawa mo na magkaka-anak na kayo, 'no?"
Hindi na lang umimik si Natasha at hinaplos na lang niya ang kaniyang tiyan. Pagkatapos ng kaniyang check up ay kaagad siyang umalis ng hospital.
Pasakay pa lang siya ng dyip nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone sa bag niya kaya kaagad niya iyon kinuha roon.
Hindi pa nga niya nailalapit ang cellphone sa kaniyang tenga at rinig na rinig na kaagad niya ang pagkalakas-lakas na boses sa kabilang linya.
"NATASHA! NASAAN KA?"
"Pauwi na po, manang bakit po?"
"Hala ka! Dumiretso ka na agad sa simbahan dahil may kasalanang nagaganap."
"Kasal? Sino po ang ikakasal?" Kahit alam na niya ang sagot sa tanong niya ay gusto niya pa ring makasigurado.
"Gaga! Si Kurt ang ikakasal!" rinig na sigaw ng iba pa niyang kasambahay
"Ano naman ang gagawin ko do'n? Hindi naman niya ako mahal kaya walang saysay ang pagpunta ko roon."
"Gaga! Tama na muna ang kalandian mo! Ang isipin mo ang batang sinapupunan mo!"
Binababa na niya ang tawag at kaagad niyang pinuntahan kung saan gaganapin ang kasal pero ewan nga ba sa kaniyang sarili nang bigla siyang huminto sa paglalakad nang nakita niya ang bride na lumabas sa bridal car.
Napakaganda ang babae sa kaniyang suot na wedding dress at sinabayan pa ng ngiting hindi matutumbasan ng kahit na anong salapi. Pinangarap niya rin ni Natasha na makasuot ng ganoon, ang ikasal sa lalakeng mamahalin siya kahit na ano pa ang kaniyang estado sa buhay at magkakaroon siya ng masayang pamilya pero ang lahat ng mga pangarap niya ay tuluyang nawasak nang tinanggihan siya ni Kurt sa harap mismo ng magulang nito.
Pinahid niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata at saka niya hinaplos ang kaniyang tiyan.
"Pagkatapos kong sabihin sa kaniya na siya ang ama mo ay pinapangako ko sa'yo, anak na magpapakalayo-layo na tayo at hindi na muling magpapakita pa," mapait na sambit ni Natasha
Kaagad siyang naglakad patungo sa pintuan ng simbahan at muli na naman siyang huminto rito.
Pinagmasdan niya ang itsura ni Kurt, nakangiti ang mga labi nito at umaabot iyon sa mga mata ng binata habang inilahad nito ang kamay sa babaeng pakakasalan niya.
At doon gumuho ang mundo ni Natasha. Nawala na iyong kakarampot na pag-asang magkakatuluyan sila ni Kurt pero ngayon parang ayaw naman niya na siya ang magiging hadlang sa kasiyahan ng binata.
"May tumututol ba sa pag-iisang dibdib nila?" rinig niyang sabi ng pari
Gusto niya mang sumigaw na tumututol siya sa kasal ng dalawa pero alam niyang siya ang mapapahiya sa gagawin niya kaya kaagad siyang tumalikod at saka naglakad palabas ng simbahan.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...