Pagkagising ni Natasha ay halos hindi na niya maibukas ang kaniyang mga mata, nilalamig siya at pakiramdam niya bumabaliktad ang kaniyang sikmura.
Kahit na ayaw niya pang bumangon ay kailangan niya iyong gawin dahil may pamilya siyang umaasa sa kaniya.
Bawal siyang panghinaan ng loob at bawal din siyang magkasakit pero pawang mapagbiro ang panahon dahil kung kailan handa na siyang sumabak sa trabaho ay saka naman siya magkakasakit.
Hinawakan niya pa ang kaniyang noo upang masiguro niyang may lagnat siya at tama nga ang kaniyang hinala dahil may sakit nga siya.
Napagdesisyunan niya munang hindi na muna maligo ngayong araw dahil hindi pa kakayanin ng kaniyang katawan ang lamig ng tubig. Kaagad siyang nagbihis ng damit at saka siya lumabas ng kaniyang kuwarto.
Naabutan niya si Kurt na kumakain sa hapag-kainan.
Aba, himala yata! Lumabas yata ito sa kaniyang lungga.
Didiretso na sana si Natasha sa kusina nang bigla siyang tinawag ni Kurt. "Maria?" He smiled widely
Natasha, manahimik ka! Bawal marupok. Nginitian ka lang ng amo 'wag kang bibigay.
"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" Kinagat ni Natasha ang ibabang labi niya, pinipigilan niyang 'wag ngumiti.
"Gamay ko na ang amoy ng pabango mo kaya alam kong nariyan ka."
Hindi na napigilan ni Natasha ang magpapadyak at magtitiling walang boses, bawal marinig ni Kurt ang kaniyang boses dahil baka mag-alala ito sa kaniya at saka hindi naman nakikita ng binata ang pinangagawa niya.
"Where are you, Maria?" Dahan-dahan itong tumayo at kinapa-kapa niya ang daraan nito kaya naman kaagad siyang lumapit sa binata at hinawakan niya ang pisngi ni Kurt.
"Ngayon alam mo na kung nasaan ako?"
Tumango naman ang binata sa tanong niya, nagulat siya nang hawakan ni Kurt ang kamay niya na nakapatong sa pisngi nito. Kukunin niya sana iyon ang kaso mas lalo iyong hinawakan ni Kurt.
Mas lalo pa siyang nagulat nang bigla siyang hilahin papunta sa binata kaya napasubasob na lang si Natasha sa dibdib ni Kurt.
Pinakinggan ni Natasha ang pagtibok ng puso ni Kurt, masyado iyong mabilis.
"Alam mo ba kung bakit mabilis ang pagpintig ng puso ko?"
Hindi nakakibo si Natasha, pulang-pula ang kaniyang mukha sa sobrang hiya at nagsisimula na siyang mailang dahil parang nayakap na rin ito sa binata.
"It because everytime I heard your voice you make me nervous."
Bigla siyang lumayo sa binata at tinignan niya ito ng seryoso.
Natasha, ano naman ba itong katangahan na ginawa mo? Malalagot ka nito kay Donya Salvi eh. Nilalandi mo si Kurt.
"Gutom lang iyan, sir ikain na lang natin baka sakaling makalimutan mo ang sinabi mo."
Kakalas na sana siya sa pagkakayakap ni Kurt kaya lang mas lalo pa itong yumakap sa kaniya.
"Mahirap ba talaga akong magustuhan? Mahirap ba akong mahalin? It because... I'm blind."
"Hindi ko alam, Kurt ang sinasabi mo."
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...