Chapter 17

7.3K 121 0
                                    

"Hoy, Kurt! Isang buwan na 'yung upa mo sa apartment ko at hanggang hindi mo 'yun binabayaran!"

Biglang napabalikwas sa kama si Kurt at pinagbuksan ang pintuan ng kaniyang inuupahang apartment. Nakakairita na kasi ang bunganga ng landlady at hindi siya sanay na may maingay kaagad sa umaga. Pambihira nga naman oh!

"Oh? Anong problema mo?" iretable niyang tanong sa matanda

"Problema ko? Ikaw na lang 'yung hindi nagbabayad sa lahat ng nangungupahan sa akin, nang isang buwan sinabi mo sa akin na ngayon buwan ka magbabayad at 'wag mong sabihin sa akin na sa next month ka na ulit magbabayad dahil naku! Ipapapulis na talaga kita kapag nagkataon!"

"Ilang ulit ko bang sinasabi ho sa inyo na wala akong pambayad ng renta. Can't you see? Ni wala na sa akin natira," naiirita niyang sambit sa matanda

"Aba! At kasalanan ko pang wala kang pera? Edi maghananap ka! Anong ginagawa ng utak mo at hindi mo paandarin? Ako nga noong kapanahunan ko kahit high school lang ang tinapos ko ay lahat ng trabaho alam ko kaya dapat ikaw din."

Humingang malalim si Kurt at saka umiling-iling. Heto na naman kasi tayo, nagsisimula na naman siyang kuwentuhan ng matanda nang kapanahunan nito. Anong pakialam niya roon?

"Kurt, pinapaalalahan sana kita... papalayasin na talaga kita dito sa apartment ko kapag hindi ka pa sa akin nagbabayad ng upa. Nagsasawa na ako sa ugali mo kaya 'wag mo akong sagarin."

Tumango-tango na lang siya at saka ngumisi sa matanda. Nandiri naman ang matanda nang gawin iyon ni Kurt. Tinignan nito ang suot-suot na pang ibaba ni Kurt kaya kaagad nanglaki ang mga mata nito sabay nag sign of the cross. Relihiyosa kasi ang matanda at hindi siya sanay na may nakikita siyang bukol sa short ni Kurt. Masyado raw bakat.

"Diyos miyo santisima San Pedro! Bakit ganiyan ang suot mo?!" gulat na gulat na sabi nito sa kaniya habang tinuturo ang boxer short na suot ni Kurt

"What? Is there something wrong with my short?" kunot noo namang tanong ni Kurt, tinignan din naman niya ang kaniyang suot at wala siyang nakikitang masama dito.

"Anong nangyari na sa mga kabataan ngayon at ganiyan na kayo manamit?" Pinagpapalo pa nito ang kaniyang braso gamit ng abaniko nito kaya todo aray na lang ang binitawang salita ni Kurt sa matanda.

Nang matapos siya nitong singilin ay tuluyan nitong nilisan ang kaniyang silid at doon na lang siya nakahinga ng maluwag.

Babalik pa sana siya sa kaniyang higaan upang ipagpatuloy ang kaniyang pagtulog nang may narinig na naman siyang kumatok sa pintuan ng apartment niya.

Padabog siyang tumayo at binuksan ang pintuan. "Manang, di ba wala pa akong pambayad... nakikiusap ako na 'wag mo na---" sabi niya habang hindi pa rin siya tumitingin sa taong kumatok sa pintuan ng apartment at ganun na lang ang kaniyang pagkabigla nang nakita niya ang napakagandang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan. "Ngayon," pagpapatuloy niya sa kaniyang sinabi kanina

"Long time no see, Kurt Jhudiel Damasco Milo," malamig nitong sambit sa kaniya

"Excuse me, Ms. but how did you know my name?" takang tanong niya

"Oh come on, Kurt? How I can forget your name if you are the reason why I came back here."

Tinignan niya ang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan at hindi niya talaga matandaan kung saan niya ito nakita o nakilala.

"Hindi mo ba papasukin ang bisita ko? Ganito mo ba itinatrato ang iyong bisita, Kurt?"

Nang dahil sa sinabi ng babae ay taranta niyang binuksan ang pintuan at pinapasok ang bisita niya. Nakita niya kung paano nilibot ng babae ang paningin nito sa buong apartment.

"Is this your home? So little."

"Ay, oo! Pagpasensyahan mo sana kung ganito ang tirahan ko."

"I understand, ganito talaga ang tirahan ng mga daga."

Parang hindi niya gusto ang tabas ng dila ng babaeng kausap niya, masyadong nakakasakit ng ego niya.

"May gusto ka bang inumin? Gusto mo ba ng juice? Coffee or water?" Pagtatanong ni Kurt sa bisita niya

Umupo naman ang babae sa maliit na sofa ng kaniyang apartment at pinigilan lang niyang tumawa nang nakita niyang lumubog ito sa kaniyang pagkakaupo.

"Do you have wine?"

Napanganga na lang siya sa tanong ng babae. Wala naman kasi iyon sa option na sinabi niya at mas lalong wala siyang pambili ng wine dahil sa kasalatan niya sa pera.

"Uhmm... pasensya na at wala ako nun. Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita!"

Tatayo na sana siya upang pumunta sa kusina subalit bigla namang nagsalita ang babae

"Thanks but no thanks. Allergic kasi sa pagkaing mahirap, you know... I'm rich now."

Napaupo na lang siya at napakamot na lang ng ulo si Kurt.

"Bakit po ba kayo nandito?"

"Nabalitaan ko na nautot ng lahat ng kayamanan ng pamilya mo. Tignan mo naman ang kapalaran, kung dati ay isang anak ng bilyornaryong negosyaste but now... look at you!" Binigyan siya nito ng mapang-uyam na ngisi.

Itatanong sana ni Kurt kung anong pangalan ng babae nang bigla na lang pumasok si Hannah sa kaniyang kwarto.

"Kurt, dinalhan pala kita ng adobong pusit. Di ba paborito mo 'to?" sabay pa silang napalingon ng babae kay Hannah na kakapasok pa lang ng kaniyang apartment.

"Long time no see, Hannah? What a small world? At dito pa tayo nagkita-kita," ani ng babae kay Hannah

Kunot noo naman siya nitong tinignan at kaagad siyang lumapit sa direksyon ni Kurt saka bumulong,

"Sino siya, Kurt? At bakit nagpapasok ka ng babaeng hindi mo naman kilala?"

"Hindi ko nga 'yan kilala at mukhang nandito lang siguro siya para ipamukha sa akin na mayaman siya," bulong din pabalik ni Kurt kay Hannah

Kaagad na tumayo ang babae at saka niya inalis ang scarf na nakapulupot sa leeg nito. "Oh? I'm sorry, I forgot to introduce myself. Akala ko kasi hindi ninyo tatanunungin, my bad."

"Who are you?" Hindi na napigilan ni Hannah ang kaniyang bibig na itanong dito kung sino siya.

"Call me Sasha," Sasha smiled bitterly to them

"How did you know us?"

"Nakakalimutan ninyo ba talaga ako? Gosh! Nakaka-hurt." Umakto pa itong pinupunasan ang luha at saka tumawa ng malakas

"Kung may kailangan kayong pera 'wag kayong mahiyang lumapit sa akin. Here's my calling card."

Binigyan sila nito ng tig-isang calling card.  Nagkatinginan sina Kurt at Hannah sa isa't isa. Pakiramdam nila kasi matagal na nilang kilala si Sasha.

"Bakit ka mabait sa amin?" Hannah asked

"Wait? Is there something with my kindness?"

"No. Nagtataka lang kasi kung bakit mo kami tutulungan. Siguro isa ka sa mga kaibigan namin noon?" taas kilay na tanong ni Kurt

"Grabe ka, Kurt! You never changed. Such a jerk!"

Lumakad na si Sasha palabas ng apartment niya at bago ito lumisan sa lugar ay lumingon itong muli sa kanila.

"Siya nga pala, ako na pala ang nagmamay-ari ng dati mong mansyon, Kurt and I'm glad to met you again." Binigyan siya nito ng pamilyar na ngiti, isang ngiti ng isang babae na kahit bulag pa siya noon ay nararamdaman niyang nakangiti ito sa kaniya.

Maria?

Sunod-sunod na napalunok si Kurt ng laway nang nag-sink in na sa kaniya ang lahat-lahat. Nandito ba ito para maghiganti na sa kaniya? Kung oo, matagal na niyang inihanda ang kaniyang sarili para sa araw na 'to.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon