Chapter 24

4.9K 92 0
                                    

"Answer me, Maria! Anak ko ba si Rafael?!" Napuno ng sigaw ang buong kwarto, napatayo na lang si Sasha at tinignan siya nito ng masama

"You lied to me!" Kurt shouted

"Anong gusto mong malaman?" seryosong tanong ni Sasha

"Gustong malaman ang lahat-lahat. Bakit ka nagsinungaling?"

"'Wag mong ibalik ang tanong na iyan baka sa huli ikaw lang ito ang mapahiya."

"Were you ever going to tell me?" Kurt said in low voice

"Na ano nagkaanak tayo? Kurt naman! Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na wala ka ngang anak sa akin, bakit ang kulit mo?"

"Hindi iyan ang nalaman ko. Sinabi na sa akin ni ate Kris lahat-lahat kaya hindi ka na makakasinungaling sa akin."

"That's right, I lied at ginawa ko lang iyon para maramdaman mo naman ang masaktan."

"Fuck! Are you even listening to me?"

"Dahil alam ko na kahit magpaliwanag ka pa wala nang magbabago. We're both married," mahinang sambit ni Sasha

"Pero puwede nating itama ang lahat. Gusto kong maging ama kay Rafael."

"No, you won't do that. Hindi kita papayagan."

"Pati ba naman karapatan kong makasama si Rafael pinagkakait mo sa akin, Maria?"

"Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan sa bata, Kurt? Kailan?!"

"Dahil hindi mo ako binibigyan ng pagkataong magpaliwanag. Hindi ako kinasal kay Hannah!"

"Pardon?" Tila nabingi yata si Sasha sa kaniyang narinig

"Hindi ako nagpakasal dahil akala ko may babalikan pa ako pero wala pala."

"Nagmakaawa ako sa'yo noon, halos lumuhod ako sa harapan mo na ako ang piliin mo pero hindi mo ako pinakinggan."

Kitang-kita ni Kurt kung paano tumulo ang mga luha sa mga mata ni Sasha.

"Nagmakaawa ako sa'yo noon na sana manindigan ka pero anong ginawa mo? Mas pinili mo ang mga magulang mo kaysa sa akin," nangingiyak na sambit ni Sasha

Lalapitan niya sana si Sasha upang sana patahanin kaya lang lumayo naman nito sa kaniya.

"Kahit gusto man natin ang isa't isa ay hindi talaga puwede dahil may asawa na ako."

"Can I have hug you for the last time? Promise ito na ang huli kong yakap ko sa'yo bago kita pakawalan."

Tumango na lang si Sasha sa sinambit kaya dali-daling niyakap ni Kurt si Sasha at habang niyayakap niya ito ay sunod-sunod na bumuhos ang mga luha niya sa kaniyang mga mata.

"Puwede ba kitang maging kaibigan?" Kurt asked

"Pero kasi---"

"Kahit para sa anak na lang natin na si Rafael."

Walang nagawa si Sasha kundi ilahad ang mga kamay niya kay Kurt.

"Nice to meet you, Maria."

"Nice to meet you rin, Kurt," nakangiting sabi nito sa kaniya

"Pinapatawad mo na ba ako, Maria?"

"Hindi pa pero darating ang araw na mapapatawad din kita."

"At hihintayin ko ang araw na iyon, Maria."

Nagulat na lang silang dalawa nang may biglang pumasok si Rafael sa kwarto ni Sasha, kaagad naman nito kinarga ng ina.

"Mommy, why kuya Kurt is here?"

"Siya ang tunay mong ama, Rafael. Say hi to your real father."

Nang una ay tinitigan siya lang ng bata pero nagulat siyang bigla itong nag-iiyak at nagpababa sa mommy niya.

"Ikaw ba ang daddy ko?"

Maluha-luha namang tumango naman si Kurt sa bata, hindi na niya mahanap ang salita sa kaniyang bibig sa sobrang kagalakan.

"Daddy!" Nagulat pa siya nang biglang yumakap sa kaniya ang bata kaya niyakap niya rin iyon ng pabalik.

Samantala pansamantala munang nagpaalam si Sasha para mamili ng gatas ni Rafael. Ipa-park niya sana ang kaniyang kotse sa parking lot ng mall nang may biglang may humawak sa kaniyang braso.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!"

"Pasensya, napag-utusan lang ako."

Kaagad na itinakip sa kaniyang bibig ang isang panyo, kaagad siyang nakaramdam ng pagkahilo at kaagad na nawalan ng malay.

Author's note: Pagpasensyahan na sa short update ko 🤭

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon