Chapter 11

8.1K 138 2
                                    

Biglang nagising si Natasha at nakita niyang katabi niyang matulog si Kurt. Hindi niya napigilan ang mapangiti. She gave him a quick smack kiss at bigla na lang nagising ang binata.

"Maria?"

Nakita niya ang pagbalikwas nito ng bangon na para bang gulat na gulat.

"I didn't mean this to happen. Shit! What have I done?!" Halatang problemado si Kurt sa nangyari kagabi.

Isiniksik na lang ni Natasha ang kaniyang sarili sa dibdib ng binata and she's trying her best not to cry but she can't, umiyak pa rin siya.

"Ginusto ko naman ang nangyari, Kurt," mangiyak-ngiyak na sambit ng dalaga

Niyakap niya lang ng husto ang dalaga.

"Son, gising ka na?"

Bigla na lang nanglaki ang mga mata ni Natasha ang pamilyar na boses. Kaagad siyang tumayo at kaagad na nagtago sa cabinet ng binata.

"Magtatago lang ako, Kurt sa mommy mo."

"Huh? But why?" takang tanong ni Kurt sa kaniya

Mayamaya pa pinagbuksan naman ito ni Kurt ng pinto.

"Yes, mom gising na ako," humihikab na sambit pa ng binata

"May kasama ka ba rito?"

"Kasama? Wala, mom."

"Kurt, are you with someone?"

Tuluyan na ngang nakapasok si donya Salvi sa kwarto ng binata at parang sinisipat niya talaga kung may kasama si Kurt o wala.

"Don't mind me, Kurt. I'm just paranoid, ayokong may makapasok ng ibang tao rito sa kwarto mo."

"I don't have time to do that, mo besides I'm blind now. I can't go anywhere."

Hinawakan ng ginang ang balikat ni Kurt. "I saw an eye donor for you, son... malapit ka nang makakita."

Binigyan siya nito ng mapait na ngiti. "I can't wait to see again, mom."

Sandaling nagyakapan ang dalawa at saka umalis ang ginang sa kwarto ng binata. At doon na lang nakahinga si Natasha ng maluwag at saka lumabas ng cabinet.

"Bakit ka nga pala nagtatago?"

"Ayoko kasing makita tayo ng mommy mo."

"And so?" taas kilay na tanong ni Kurt

"Hindi ka ba nag-aalala para sa atin, Kurt?"

"Why would I?"

"Hindi mo kasi naiintindihan ang gusto kong sabihin, Kurt palibhasa kasi wala ka sa posisyon ko."

Pinagdadampot na ni Natasha ang damit niyang nakakalat pa sa lapag habang ang binata ay nakaupo lang sa kama at tanging kumot lang ang nakabalot dito.

"Paano mo ipapaliwanag sa mga magulang at sa buong angkan mo ang nangyari sa atin kagabi? Aber?"

"Kaya kitang ipaglaban sa kanila, Maria just give me a chance to prove to you."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Kurt... hindi mo alam. Madali lang 'yan sabihin mo pero ang hirap mong panindigan."

"Akala ko ba wala kang pinagsisihan sa nangyari kagabi?"

Bigla siyang natigilan sa naging tanong sa kaniya ni Kurt.

"Wala akong pinagsisihan at kahit kailan hindi ko iyon pinagsisihan, Kurt pero marami kang mga pangarap na gusto mo pang abutin."

Pinunasan ni Natasha ang mga luhang umaagos sa mga mata niya.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon