"Oh, anak! Napatawag ka yata," rinig niyang sabi ng kanyang nanay sa kabilang linya
Kinagat muna ni Natasha ang kanyang dila upang pigilan ang kaniyang paghikbi. Nagbabadya na naman kasing tumulo ang mga luha nito.
"Kumusta po kayo, 'nay?"
"'Yung totoo anak? Hindi kami maayos dito... yung kuya mo kasi nasangkot naman sa rayot, ayun nasa presinto na naman. Hindi ko na alam kung ano ng gagawin sa batang 'yon."
Napahawak na lang si Natasha sa kaniyang sintido, pakiramdam niya pasan niya ang problema sa mundo.
"Inatake naman yung tatay mo ng high blood... ewan ko rin ba doon sa tatay mo kahit pinagsabihan na siya ng doktor na bawal siyang kumain ng mga matatandang pagkain ay sige pa rin."
"Dinala ninyo na ba siya ulit sa hospital?" Pinipigilan na niyang 'wag umiyak, napayuko na lang siya at tinitigan ang sahig ng kanyang kwarto.
"Ayaw niya nga 'e... sa halip daw na ibili ng gamot niya ay ibinili na lang daw namin ng bigas."
"At anong gusto niyang sabihin, 'nay na mas gugustuhin niyang mamatay ng maaga at iwanan tayo kaysa magpagamot? 'Nay naman! Mas mahal ang kabaong kaysa sa bigas."
"Hayaan mong kakausapin ko ang tatay mo. At siya nga pala, pinapasabi ni bunso na may tour daw ang eskuwelahan nila baka raw puwedeng magpadala ka pambayad sa tour."
"Susubukan ko,'nay... susubukan ko."
Kahit anong pigil niyang 'wag umiyak ay 'di na niya napigilan ang umiyak. Sino ba naman kasing tao ang hindi iiyak kung sunod-sunod na problema ang dumarating sa kanya? Atsaka tao rin si Natasha, kahit sabihin pa nating lumalaban siya sa buhay ay hindi niya rin maiwasan na panghinaan din ng loob lalo pa't siya na lang ang bumubuhay sa kanyang pamilya.
"Kumusta ka diyan, anak?"
Sandali siyang natigilan sa tanong sa kaniya ng kanyang nanay. "Okay naman po ako, 'nay. Bakit mo naman iyan naitatanong?"
"Baka kasi minamaltrato ka diyan ni donya Salvi at don Lucio." May bahid na pag-aalala sa boses nito
"Minamaltrato? Sila minamaltrato ako? Hindi po, 'nay! Ang bait-bait nga po nila sa akin," labas sa ilong na sambit ni Natasha
Kung humahaba sana ang ilong niya katulad kay Pinocchio kapag ito'y nagsisinungaling at 'di nagsasabi ng totoo malamang sa malamang kanina pa iyon humaba.
"Sigurado ka talaga, anak?" Pagtatanong ulit sa kanya ng kanyang nanay
Sa muling pagtanong sa kaniya ng kanyang ina ay 'di na niya napigilan ang humikbi.
"Umiiyak ka ba, anak?"
"Hindi po, napuwing lang po ako," pagdadahilan niya
"Sige na, 'nay baka pagalitan pa ako kapag nakita akong hindi naglilinis."
Hindi na niya hinintay na sumagot muli ang kaniyang nanay nang ibinaba na niya ang tawag nito. Pinunasan niya muna ang kaniyang luha bago siya lumabas ng kaniyang kuwarto.
Pagkalabas niya ng kuwarto ay nakita niya si donya Salvi na nagtimpla ng kape. Nahihiya naman ay lumapit siya sa matanda upang humingi sana ng advance payment.
"Ma'am, mag-aadvance po Sana ako, ipapadala ko sana sa pamilya ko," nakayuko niyang sambit
Hiyang-hiya na siya dahil kakakuha pa lang niya ng pera noong isang linggo tapos heto na naman siya? Makikiusap na naman siyang mag advance.
Nakita niya kung paano umiba ang timpla ng mukha ng kaniyang amo, tinignan siya nito ng masama.
Laging gulat na lang ni Natasha nang bigla siyang sinabuyan ng mainit na kapeng tinitimpla nito. Halos magsisigaw ang dalaga sa sobrang sakit, awtomatikong nalapnos ang balat ng kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...