"Maria?" I whispered into her ears
Saglit siyang lumayo sa akin at halatang kinakabahan siya sa inaasta ko kaya hindi ko naiwasan ang mapangisi. Siya ang nagpapakain sa akin ng apple, hiniwa niya pa ito at saka niya ito ibibigay sa akin.
"What? Are you scared of me, Maria?"
"Hindi naman sa ganun, sir Kurt pero wag mo naman pong sobrang lapit ang mukha ninyo sa akin."
"Huh? Like this?"
Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko, naglapit na ang mga ilong namin at naamoy ko na rin ang kaniyang hininga. Mabango.
Humagalpak ako ng tawa nang naramdaman kong pinalo niya ako sa braso.
"Sa tingin mo ano talaga ang itsura ko ngayon?"
"Tall, dark and handsome." Narinig ko pa siyang bumuntong hininga
Sandali akong natigilan sa sinabi niya.
"Mas mataas ba ako sa'yo?" Pagtatanong ko sa kaniya habang nginguya ang apple na kinain ko kanina.
"Naku, kung makikita ninyo ako, sir mukha akong unano kapag katabi kita."
"Huh? Ganoon ako ka-tangkad?"
"Opo, senyorito Kurt. Basta ako ang taas ko. Hmmm... hanggang leeg ninyo lang ako."
Napailing ako. I can imagine how tall am I than her. Pero unano? That's big No, no, no. Tamang-tama lang iyon para sa akin.
Kurt, what did you trying to say? Na siya ang babaeng bagay sa'yo? Stupid mouth!
"Gusto kong lumabas ng bahay."
"Saan mo naman gustong pumunta?" Pagtatanong niya sa akin
Saglit akong natigilan at tila nag-iisip. Iniisip ko kung saan ba magandang pumunta, iyon bang mare-relax ang utak ko.
"At the garden," nakangiti kong saad
Naramadaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko. There is something electricity that flows into mine when I touched her hand.
Kumalma ka nga, Kurt. You're just over carrying her. It just---- an appreciation. Yes, Kurt a appreciation because she's take care of you all day. No meaning of her actions. Calmed down, Kurt.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpa-alalay ako sa paglalakad pababa ng hagdan. Tinupad na nga niya ang pangako niya sa akin habang hindi pa ako nakakakita at ang sarap sa pakiramdam na may taong kagaya niya na matiyagang inaalagaan ako.
"One more step."
Kumapit ako ng maigi sa kaniyang kamay at baka mahulog na lang ako bigla sa hagdan. Hindi nga ako nagkamali dahil nang panghuli kong hakbang ay di ko naramadaman na iyon na pala ang huling hakbang ng hagdan kaya kaagad akong nahulog.
Akala ko masusubasob ako sa sahig pero hindi eh... sa halip naramadaman ko na lang na na may humawak sa braso ko kaya hindi tuluyan akong nahulog.
"Dahan-dahan naman po, sir Kurt."
Sa lahat ng kasambahay ng mansyon, siya lang ang nangangahas na tawagin akong 'sir' instead of senyorito at natutuwa ako kapag tinatawag niya ako sa ganiyan.
Tuluyan na nga kaming nakalabas ng mansyon. Batid ko nang nandito na kami sa garden kung saan gusto kong puntahan.
"Magkuwento ka naman, Maria."
"Natasha ang pangalan ko ho, sir Kurt at hindi Maria. Bakit ang kulit ninyo po, sir?!" May bahid na pagka-irita sa boses nito.
I chuckled. "But I want to calling you Maria instead of Natasha."
Inalalayan niya ako at umupo kaming dalawa sa swing.
"Ano nang itsura ng garden na ito?" Pagtatanong ko
"Bakit mo naman ho natanong 'yan, sir Kurt?"
"I need to know. Simula nang nabulag ako there is something in my life."
"Bakit hindi na lang kayo magpagamot tutal naman bilyonaryo na kayo?"
"It's not that simple that you used to know. Sometimes pretending is better than hiding. Magpanggap ka man atleast alam mo sa sarili mo na magpanggap ka kaysa itago mo. Lalabas at lalabas pa rin talaga ang baho mo. " Umiiling kong sambit sa kaniya
"Alam ninyo ho sir Kurt nagtataka nga ako sa'yo kung bakit nagtitiyaga kang bulag samantala marami naman kayong pera kung ako sa inyo niyan hindi na ako magdadalawang isip na operahan ang mga mata ko upang makakita muli ako."
"Mata lang ang nawala sa akin pero hindi ang pagkatao ko. Minsan hindi mo na kailangan ng mata upang makakita, minsan kailangan mo rin siyang ipikit at pakiramdam ang paligid."
Huminga ako ng malalim at saka nilanghap ang sariwang hangin.
Bigla akong natigilan nang narinig ko ang sigaw ng pamilyar na boses.
"Si Donya Salvi/ si mommy!" Sabay naming wika
"Naku, sir Kurt ipapag-paumanhin ninyo po pero mukhang kailangan na kailangan kong siguruhin na Hindi ako mapagalitan."
Tumango naman ako. Naramdaman ko na lang na tuluyan na siyang tumakbo paalis sa lugar, pinuntahan na niya siguro si mommy.
Dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ni mommy ay dinig na dinig ko hanggang sa garden ang kanilang pag-uusap.
"Where's my jewelry, Natasha! Did you steal it? Answer me!"
Isang sigaw ang narinig ko mula kay Maria. Kaagad akong nataranta at napatayo pa nga sa pagkakaupo sa swing.
"Kahit kailan hindi po ako magnanakaw ng hindi naman akin at kahit halughugin ninyo ang mga gamit ko wala kayong makukuha mula sa akin puwera na lang sa kupas kong mga damit."
I chuckled when I accidentally heard their conversation.
My poor mommy. Ganiyan ka ba ka-obsess sa pera at nakuha mong mangbintang?
May dinukot ako mula sa bulsa sa pajamang pantulog ko at may nakuha akong mamahaling alahas na nagmula pa sa gamit ni mommy.
Hindi ko maiwasan ang mapangisi habang inaalala ko kung paano ko ito nakuha.
Alas tres na ng umaga nang ako'y nagising, sinigurado ko talaga na tulog pa sina mommy at daddy at wala silang kaalam-alam na nakapasok na pala sa kwarto nila ang gago nilang anak.
Kinapa-kapa ko ang paligid. Sinigurado kong hindi ako makagawa ng ingay habang isinasagawa ko ang plano ko.
Dahan-dahan akong pumasok doon at maingat kong pinindot ang passcode ng volt kung saan nakalagay ang mga alahas ni mommy. Nang nabuksan ko iyon ay kaagad kong kinuha ang alahas na madampot doon saka ako umalis ng kuwarto nila.
Bigla na lang akong bumalik sa aking ulirat nang naramdaman kong tumabi muli sa akin si Maria.
"Bakit pakiramdam ko ang baba-baba ng tingin ng mommy mo sa mga kasambahay?"
"What happened, Maria? Tell me."
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay pero kaagad din niya itong binawi.
"Ganun ba ka-liit ang tiwala nila sa akin upang pagbintangan ako ng paulit-ulit na kumuha raw ng bagay na minsan hindi ko kinuha? Sagutin mo nga ako ng totoo, Kurt ganun ba ako kasinungaling?"
"No. Hindi ka sinungaling. Ganyan yung ibang tao, naghahanap sila na masisisi sa kanilang pagkakamali dahil takot sillang aminin na nagkamali sila," nakangiti kong sambit
Nabigla na lang ako nang bigla niya ako ng niyakap ng mahigpit sabay bulong sa tenga ko. "Salamat talaga, sir Kurt dahil nandiyan ka."
Napangiti na lang ako habang ina-amoy ko ang buhok niya. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng pabalik.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...