"Anong nangyari po sa kanilang dalawa? Namatay po ba sila pareho?" Pagtatanong sa akin ng batang babae na may kulot na buhok
"Sinasabi na nga bang walang forever kaya hindi na tayo umasa," nakabusangot na sabi ng isa sa kanila
Natawa naman ako sa naging reaksyon ng mga batang kasa-kasama ko sa preschool. Bukod sa pagpo-police ay palagi akong bumibisita sa paaralan kung saan ako nanggaling. Ikinuwento ko kasi sa kanila ang love story nina Kurt at Natasha at hindi ko akalain na magugustuhan nila iyon. Sa totoo lang gawa-gawa lang iyon ng malilikot kong imahinasyon. Bukod sa pagiging police ay nagsusulat din ako ng mga nobela.
"Ano pong nangyari sa kanila? Talagang doon na lang nagtatapos ang kanilang istorya?" nakangusong sabi ni Rafael
"Ano pong kuwento ni Kurt? I want to know," nakanguso naman ng isa
"Hindi pa iyon ang wakas, Rafael dahil nagsisimula pa lang ang kuwento," nakangiti kong sambit sa kaniya
Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo ni Rafael. "What do you mean of that?"
I smiled and pitched his nose. "Our story begins now."
"Rafael, we're here!!!" sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw at nakita ko ang mag-asawang nakatayo sa labas ng gate kaya naman kaagad na kumaripas ng takbo si Rafael papunta sa dalawa at kaagad naman siya nitong niyakap ng mahigpit.
"How's your school, son?" Pagtatanong ng lalakeng may maganda ang pangangatawan, nakasuot pa ito ng eyeglass
"Maayos naman po, daddy. Wait, daddy! Meron akong ipakilala sa inyo. He's my new friend now."
Nanglaki na lang ang mga mata ko nang bigla akong hilahin ni Rafael palapit sa magulang nito.
"Dad, mom. I would like you to meet my new friend. What is your name again?" pakamot-kamot na sambit ng bata
"SPO1 Kian Cyrus Mendoza po."
Inilahad ko ang kamay ko sa kanila at kaagad naman nila iyon inabot.
"Kurt Jhudiel Damasco Milo, pare at ito nga pala ang maganda kong asawa si Natasha Maria Mangaoang Milo."
Nanglaki na lang ang mga mata ko nang narinig ko mula sa kanila ang kanilang pangalan. Parehong-parehong pangalan na ikinuwento ko sa mga bata.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala," nakangiti kong sambit
"Salamat pala dahil nagkaroon ng bagong kaibigan ang anak kong si Rafael. Anong ginawa mo sa kaniya at masyado siyang aliw na aliw sa'yo?" takang tanong sa akin ni Natasha
Napakamot na lang ako ng ulo sa tanong niya. "Naku, wala po 'yun sadyang matalino lang talaga ang anak ninyo at sa murang edad ay alam na niya kung sino ang dapat niyang kaibiganin o hindi."
"Salamat talaga. Paano ba kami makababawi sa'yo, Kian? Kailangan mo ba ng pera?"
Inilabas ni Kurt ang kaniyang wallet at binigyan ako ng sampung libo pero hindi ko iyon tinanggap. Kakasweldo ko lang din kasi eh.
"Naku po, sir 'wag muna po akong bigyan ng pera dahil marami rin po ako niyan. Sapat na po sa akin na may napapagpapasaya akong mga bata."
"Salamat pa rin, pare." mahinang sambit ni Kurt at saka tinapik-tapik niya ang balikat ko
"Paano? Aalis na kaming pamilya, hindi ka ba uuwi?" Natasha asked
"Naku! Hindi pa po, ma'am daadaan pa kasi ako sa Police station pagkatapos ko rito," nakangiti kong sambit
"Bakit? Wala ka bang asawa, Kian?" takang tanong ni Kurt
"Wala pa po akong balak mag-asawa. Ini-enjoy ko muna ang trabaho ko."
"Naku! Kung ako sa iyo mag-asawa ka ng maaga nang makarami ka pa. Kailangan mo ring ipakalat ang iyong lahi," natatawang sambit ni Kurt
"Kurt! Tumigil ka nga diyan, nandito si Rafael."
"We gotta go." Pagpaalam nito sa akin at saka sumakay ng kotse
Nakangiti akong pinagmamasdan ang kotseng kasalukuyang umaandar palayo sa akin hanggang sa tuluyan itong mawala sa aking paningin.
Tama nga ang sabi nila, love conquers everything. Walang pinipiling estado sa buhay ang pag-ibig. Hindi ito tumitingin kung ikaw man ay mahirap o mayaman dahil ang tunay na nagmamahal ay hindi tumitingin kung ano ang kaya mong ibigay sa taong Mahal mo kundi kung hanggang saan kaya mo siyang ipaglaban.
-Wakas-
Author's note:
Thank you kina Kurt Jhudiel Damasco Milo at Natasha Maria Mangaoang sa pagpapahiram ng iyong mga pangalan. Sa mama kong na-interview ko sa mga naging karanasan niya as a long time house maid and I'm proud with my mother's occupation.
Real life kasambahay po ako at hinding-hindi ko iyon ipagkakaila baka nga isa na pala sa readers ko ang pinagsisilbihan ko and who knows, di ba? 🤭
May book 2 ba ito?
Yes, I'm planning to write it. Bibiglain ko kayo kung kailan mangyayari iyon. Secret muna kung anong title nu.
Mahal ko kayo, readers. 😘
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
Ficción GeneralNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...