"Anoooo?!"
Nailayo ni Kurt ang cellphone sa kaniyang tenga. Sumisigaw naman kasi ang kausap niya sa kabilang linya.
"Nahihibang ka na ba, Kurt? May pinag-aralan ka tapos sa kasambahay ka lang mapupunta? Nasaan ba ang utak mo at hindi mo gamitin?"
"This is my life, man. Walang basagan ng trip."
Kaagad niyang ibinaba ang tawag at saka hunugot muna ng malalim na hininga. Pinag-isipan niya muna kung pipindotin ba niya o hindi. Mabuti na lang nakita agad siya ng guwardiya at kaagad siyang pinapasok ng mansyon.
Home sweet home, Kurt. Parang kailan lang nang ikaw ay nakatira sa ganitong tirahan.
Pagkapasok pa lang niya ng mansyon ay kaagad niyang nilinga ang buong paligid nito. Marami nang nagbago sa interior design ng bahay, maging ang mga muwebles at kulay nito ay napalitan na rin.
"Oh? Nandito na pala ang bago nating kasambahay." Binigyan siya nito ng mapang-uyam na ngiti pero siya nginitian lang niya si Sasha.
"May tubig ho ba kayo? Kanina pa kasi ako nauuhaw."
"At bakit naman kita bibigyan ng tubig? Aber?" She crossed her arms while raise her eye brows
"Sabi ko nga po hindi ninyo ako bibigyan. Hehe."
"Follow me. Ipapakita ko sa'yo ang magiging kwarto mo."
Sumunod naman siya kay Sasha habang hila-hila niya ang kaniyang maleta. Laking gulat niya na huminto sa stock room ang amo niya at tumingin ito sa kaniya ng seryoso. 'Wag niyang sabihin na doon niya patutulugin si Kurt?
"Madam, is this my room? Really?" Parang gusto niyang tumakbo at 'di na tumuloy na mamasukang kasambahay kay Sasha.
"Call me senyorita. Masyado kasing makaluma ang madam and yes, ito nga ang magiging kuwarto mo."
"But why here?" takang tanong ni Kurt
"Dahil masyado ng masikip ang kwarto sa maid's headquarter."
Napahilot na lang si Kurt sa kaniyang batok, pinipigilan niya ang kaniyang sarili na 'wag sigawan si Sasha o Maria o kung ano pa mang tawag dito dahil unang-una ayaw niya itong ma-stress dahil buntis raw ito at ayaw niya sanang tanggapin na hindi siya ang ama ng dinadala ni Sasha.
Puta! Bakit nangdidilim ang mata ko kapag nakikita ko ang asawa niya? Ang sarap niyang patayin!
"Hon?" rinig na sabi ng asawa ni Sasha
"Hon? Why are you here? Akala ko ba nasa kumpanya ka na?"
Kaagad na hinagkan ni Sasha ang kaniyang asawa at saka binigyan ng halik.
"Mamaya na ako papasok. Gusto ko lang makasiguradong walang makakaagaw kung ano ang akin," seryosong sambit ni Enrico habang nakatingin ng masama kay Kurt
"Huh? What do you mean?"
"Ayokong mawala ka sa akin, Sasha," paos na sambit ni Enrico
Natatakot ka bang agawin ko siya sa'yo, Enrico? Well, dapat lang dahil ako ang nauna sa kaniya.
"Bakit naman ako mawawala sa'yo? Ikaw talaga! Kung anu-ano 'yung mga iniisip mo. Halika na, paghahain kita ng almusal mo."
"Puwede ba kitang maging almusal ko?" Enrico said in husky voice
Parang gustong masuka ni Kurt sa nakikita niya. Hindi kasi sanay sa asawa ni Sasha na magsalita ng ganun, 'yung tipong mas pipiliin mong takpan ang dalawa mong tenga upang hindi iyon marinig pa.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...