Kasalukuyang abala ang lahat sa mangyayaring party mamayang gabi sa mansyon ng mga Milo, kanina pa hindi magka-unggaga ang lahat ng mga kasambahay sa pagluluto.
"Natasha, ibili mo nga itong nilista kong sangkap sa grocery store, bilisan mo ang pagkilos kasi baka pagalitan tayo ni donya Salvi," ani ng mayordoma sabay abot ng kapirasong papel sa kaniya.
Hindi na nagdalawang isip si Natasha at kaagad siyang nagtungo sa grocery store. Pagkarating niya roon ay binili niya ang sangkap na gagamitin nila sa pagluluto at habang abala siya sa kaniyang pinapamili may isang matipunong lalake ang lumapit sa kaniya at nginitian siya ng malapad.
"Hi!"
Hindi niya sana papansin kaya lang nang kunin niya ang pasas ay bigla na lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay kaya kaagad siyang napabitaw.
Anong problema ng isang 'to?
"Puwede ba akong makipagkaibigan sa'yo?"
Inirapan lang niya ang lalake at saka hinila niya ang push cart na may laman ng pinamili niya patungo sa counter pero ang loko! Nakabuntot pala ito sa kaniya.
"My name is Enrico Pajar Cams."
Hindi niya ito pinansin at naka-focus pa rin siya sa counter na binibilang ang kaniyang pinamili.
"2,754 po lahat, ma'am."
Kinuha naman niya ang pitakang dala-dala niya at pagtingin niya roon ay nabigla siya nang nakita niyang wala iyong kalaman-laman. Napakagat na lang siya ng kuko at problemado siya kung saan siya kukuha ng gaanong halaga. Nakaligtaan niya palang humingi sa mayordoma ng pera para sa pinamili niya.
"May problema po ba, ma'am?" takang tanong ng babaeng nasa counter
Pinagtinginan tuloy siya ng mga kustumer na nakapila rin at mga namimili rin.
"Naiwan ko kasi ang pera ko. Puwede ko bang balikan iyon?" pakamot-kamot niyang sambit
Nakita niya kung paanong bumagsak ang balikat ng babae matapos niyang sabihin iyon pero ano naman talaga ang magagawa niya kung naiwan niya ang pera?
"Babayaran ko na lang ang mga pinamili niya," ani ng lalakeng nasa likuran niya
Dahan-dahang lumingon si Natasha sa nagsalita at namilog ang kaniyang mga mata nang nakita na naman niya ang mapuputi niyang ngipin na animo'y endorser ng toothpaste.
"Magkano ulit 'yang pinamili niya?"
"2,754 po, sir."
May kinuha naman ang lalake sa wallet niya at laking gulat niya nang nakita ang credit card na binigay nito sa babae. Kaagad naman iyon sini-swipe ng babae at ngumiti ng malapad sa lalakeng ngayon lang nakilala ni Natasha.
"Salamat po sa pagbili, ma'am at sir."
Matapos iabot ng babae ang pinamili niya ay kaagad na lumabas si Natasha ng grocery store at lumabas na roon pero hindi naman niya inaasahan na nakabuntot na naman 'yung lalakeng kakikilala pa lamang niya.
Bakit ang kulit ng isang 'to?
"Ano bang kailangan mo, ha? Kung hihilingin mo na magpasalamat ako sa'yo pero sorry ka dahil hindi ko iyon gagawin," mataray niyang sambit
Nakita niyang napabunghalit ng tawa ang lalake matapos niyang sabihin niya iyon.
"Wow just wow, woman! Kahit kailan hindi ko iyon hinihiling ko sa'yo."
"Sige sabihin mo sa akin kung paano ako mababawi sa kabutihang ginawa mo."
Mukhang pagsisisihan yata ni Natasha ang kaniyang sinabi nang nakita niya na naman ang pag-ngisi ng lalake.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...