Kurt Point Of View
Simula nang nawalan ako ng mga mata, my life changed. Everything changed. May mga bagay na hindi ko na nagagawa katulad ng paglabas-labas sa mansyon. Pag-gagala tuwing gabi at pupunta sa bar anuman kong gusto.
Pakiramdam ko wala na akong silbi sa pamilya ko. Ayaw man nilang aminin sa akin pero dama kong nahihirapan na sila sa akin. Napapagod at anumang oras puwede nila akong iwanan.
Ayaw kong kaawaan at mas lalong ayokong ipagmukha sa akin kung gaano ako kawalang kwenta sa sarili ko dahil paulit-ulit ko iyong naramdaman sa sarili ko.
"Get out!!! I don't need your fucking ugly face!" I shouted at them
Kinapa ko ang lamp shade at saka ko ibinato sa kanila. Narinig ko silang sumigaw but I don't care.
Wala pa iyon sa naramdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Punong-puno ng takot ang dibdib ko. No words can explain how pain eat me right now.
Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama. Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko sa mga pasaway na kasambahay na basta-basta lang pumapasok sa kwarto ko. I don't even need their help. Ang gusto ko lang mapag-isa. Mahirap ba iyong ibigay sa akin?
Nang nasiguro kong nakaalis na ang lahat ng kasambahay ay kaagad akong tumayo. Yumuko ako upang makuha ko ang tsinelas na pambahay na nasa sahig lang.
I tried so many times to open my eyes but it didn't work. Pinagsasapok ko na lang ang mukha ko at napaupo muli sa kama.
Muli akong tumayo at kinapa-kapa ko ang bawat sulok ng kwarto ko at sa paulit-ulit ko iyon ginagawa ay paulit-ulit akong nauuntog sa pader o maging man sa pinto ng kwarto ko.
"Stupid door." I whispered
Saglit akong natigilan sa aking ginagawa nang may naramdaman akong pumasok sa kwarto ko.
"Who are you?" Agaran kong tanong sa pumasok ng kwarto ko
Narinig ko na lang na may kumalansing na kutsara't tinidor at kinalampag pa nito ang pinggan.
"Kain na po kayo, sir Kurt!"
"Hindi ako gutom. Get out of my room! The door is open so better leave or I will kick you until you decide to go outside!" Itinuro ko pa ang pinto ng kwarto ko para alam niya kung saan siya lalabas
Narinig ko na lang na humagalpak ang babae kaya di ko naiwasan ang mapakunot ng noo. "What's funny?"
"'Yung mukha ninyo, sir Kurt ang nakakatawa alam mo 'yun. Alam mo bang nakakamalas ng araw ang laging galit o nakasimangot. Smile!"
Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Natasha ang pisngi ko at parang may ginagawa para ngumiti ako.
"Naku, sir Kurt! Kumain ka na riyan at pati ako nagugutom baka kainin pa kita nang wala sa oras," bulong niya nang hindi naman umabot sa pandinig ko
"What did you say!?" iretable kong tanong sa kaniya
"Wala po iyon, sir Kurt. Haha! Kumain ka na po dito hangga't hindi pa malamig ang pagkain."
Pinaghihila niya ang kamay ko at naramdaman ko na lang na pinaupo niya ako at sinubuan na parang isang bata. Dala ng pride ko ay inagaw ko sa kaniya ang kutsara't tinidor at ako na ang kusang nagpakain sa sarili ko.
"I don't need your help. I can handle myself."
Narinig kong bumuntong-hininga ito at ibinigay sa akin ang pagkain. Kinapa-kapa ko muna ang kanin na nasa kutsara ko at saka ko isinubo iyon sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...